Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 4

Pagkatapos ng kalahating oras. Nakaparada ang Rolls-Royce sa harap ng Mountain’s Fork Cemetry. Sa loob ng sasakyan, nababasa ni Josephine ang tatlong malalaking salitang, Mountain’s Fork Cemetry, at ang kaniyang magandang mukha ay namutla. Ang rason para sa kaniyang pag-uwi ay upang bisitahin ang kaniyang may malubhang sakit na lola. Maliban na lang kung si lola ay… “Narito si Lola?” Napahingal si Josephine. “Si Rose narito.” Pagtatama sa kaniya ni Jay. “Si Rose? Si Rose ay nakalibing dito?” Napabuntong-hininga si Josephine. Pagkatapos no’n, napatanong siya, “Hindi naman Qingming Festival ngayon, ah, bakit tayo narito?” (TN: Ang mga intsik ay bumibisita sa libingan ng kanilang mga ninuno tuwing Qingming Festival upang linisin ito, ipagdasal ang kanilang mga ninuno, at maglagay ng mga handog.) Biglang napatili sa kilig si Josephine, “Sabi ko na, eh! May nararamdaman ka pa rin para kay Rose! Saka, paano mo ipapaliwanag ‘yong henyong batang si Jenson?” Si Jay ay naglalakad na palayo patungo sa akyatan. Dalawang malalaking puno ng pino ang nakatayo sa dalawang gilid ng hagdan. Nang marinig ang mga salita ni Josephine, siya ay napatigil. Siya ay napabuntong-hininga, “Si Jenson ay isang aksidente. Hindi siya resulta ng pag-ibig!” Dinilaan ni Josephine ang kaniyang labi at nag-iisip na sinabi, “Eh, bakit hindi ka pa nagkakaroon ng iba pang aksidente? Ang ganda-ganda ng lahi mo, saying naman kung hindi mo ‘to madalas gagamitin.” “Hindi bawat bata ay makukuha ang swerte ni Jenson sa hindi pagkuha ng mababang lahi ng kaniyang ina.” Nang marinig ang pangalan ni Jenson, mahahalata ang pagmamahal sa malamig at gwapong mukha ni Jay. Ang kaniyang anak, si Jenson, ay hindi lamang kamukha ang kaniyang ama, ngunit namana rin pati na rin ang kaniyang mga talent. Sa edad na lima, ang bata na iyon ay isa nang napakahusay na hacker. Kahit na si Josephine ay mahal na mahal ang kaniyang pamangkin, hindi siya kailanman masasanay sa kayabangan at mapagmahal sa sarili na ugali ni Jay. Dahil dito, siya ay nasisiyahan sa pang-aasar kay Jay. “Oo nga, namana niya lahat ng magaganda mong katangian pero nakuha niya rin ‘yong mga panget mong ugali. Sabi nga ni ina na mas mapagmataas pa siya at madaldal kaysa sa ‘yo noong bata ka pa. Akala pa niya dati mayroong autism si Jenson. “Paano kung manahimik ka na lang?” Pagalit na sabi ni Jay. Kahit kailan ay hindi niya naramdaman na mayroong problema sa kaniyang anak. Napabuntong-hininga si Josephine, “Hindi ka pa ba nakakita ng bata dati? Mga iyakin sila at palatawa. Tulad ano dapat ang ugali ng mga bata.” Sa hindi malaman na kadahilanan, biglang naisip ni Jay ang batang babae na nabunggo niya sa labasan ng paliparan. “Nakakita ako ng isa kanina. Kahit na maganda ang bata, wala namang ibang kapansin-pansin sa kaniya. Kung iyon ang bata, mas pipiliin kong hindi maging ganoon si Jenson!” Pagkatapos no’n, tumingin si Jay sa paligid upang maghanap sa isang partikular na lapida. Nang marinig ang deklarasyon ni Jay, hinayaan na lamng siya ni Josephine. “Ano ang numero ng lapida ni Rose?” Tanong ni Josephine. “674,” sabi ni Jay. “674? Mamatay ka na?” Napasingap nang malakas si Josephine. “Napakamalas nga ni Rose, huh. Paano niya nakuha ang ganoong malas na numero?” (TN: Ang numerong 674 ay may kaparehas na pagkakabigkas sa “Mamatay ka na” sa lingwaheng Mandarin.) Hindi ito napansin ni Josephine, ngunit ang matangkad na anyo ni Jay ay napatigil. Tila isang madilim na ulap ang bumalot sa gwapo niyang mukha. Tila ang hangin sa paligid ay nanlalamig. ‘674?’ ‘Mamatay ka na?’ ‘Iyon ang ibig sabihin no’n?’ ‘Nagkataon ba ito o may nagsadya nito?’ ‘Kung hindi ito nagkataon lamang, ibig-sabihin nito ay pineke ng Rose na iyon ang sarili niyang pagkamatay. Gumamit siya ng klasikong panduruyang tinatawag na ‘misdirection’ para lamang maloko ako?’ Nang mahanap ni Jay ang lapidang may numerong 674 at nabasa ang pangalan na nakasulat doon, siya ay natigilan. Sigurado na siya, siya ay ginawang tanga ni Rose! Ang magandang ukit sa lapida ay nagsasabing, “Sa alaala ni Angeline Severe.” ‘Angeline? Paanong naging Angeline?’ Agad na napahiyaw si Josephine nang lumapit siya at mabasa ang pangalan sa lapida. “Diyos ko po! Kuya, Angeline ang nakalagay!” Tinitigan ni Jay ang lapida. Hindi niya naintindihan kung paano naging kay Angline ang lapida ni Rose. Si Angeline ay isang edukadong babae na nanggaling mula sa isang karespe-respetong pamilya, habang si Rose ay isang gag*ng nagmula sa probinsya. Paanong nagsama ang dalawang magkabaligtad sa iisang lapida? “Kuya, kung kay Angline ang 674, saan nakalibing si Rose?” Dali-daling tanong ni Josephine. Halata sa pagngiti ni Jay ang masama niyang binabalak, “Mukhang hindi pa siya patay, huh? May araw ka rin.” Sisiguraduhin niyang patay na si Rose kapag nahuli na ito. Tumingin sandali si Jay sa paligid ng sementeryo. Ang kaniyang mga mata ay tila may naaalalang nakaraan at tila nag-aatubili. Pagkatapos ng ilang sandali, siya ay tumayo at umalis. Nang bumalik si Jay sa kaniyang kotse, tinawagan niya ang kaniyang kawani. “Humanap ka ng paraan upang makausap ang pamilya ni Harper upang mapadala siya sa Grand Asia Hospital sa lalong madaling panahon!” Sa kabilang linay, si Grayson, ang kaniyang kawani, ay hindi makapagsalita. Si Harper ay ang ina ng dapat ay patay nang si Lady Rose. Malinaw na natatandaan niya ang araw nang malaman niya ang tungkol sa ina ni Lady Rose. Humingi pa siya ng tulong mula sa presidente. Sa oras na iyon, ang mga salita ng presidente ay, “Ako ang magbabayad para sa kaniyang mga gamot. Ngunit pagkatapos no’n, ayoko nang makarinig pa ng anumang bagay tungkol sa kaniya.” Bakit ang bilis magbago ng isip ng presidente? “Naintindihan ko, ginoo,” sagot ni Grayson. Nang patayin ni Jay ang telepono, isang manipis na ngisi ang makikita sa kaniyang mga labi. Umiwas ng tingin si Josephine nang makita niya ang seryosong ekspresyon ni Jay. Alam niya ang ibig-sabihin nito—nanganganib ang buhay ni Rose. ... Bumaba si Rose sa Splendid Town. Sa gabing iyon, nakatanggap si Rose ng isang tawag sa telepono mula sa ospital tungkol sa kaniyang ina. Ang taong nasa telepono ay sinabi sa kaniya na dahil sa biglaang pagsama ng kundisyon ng kaniyang ina, kailangan niyang ilipat ang kaniyang ina sa nephrology specialist ng Grand Asia Hospital sa lalong madaling panahon. Sa Grand Asia Hospital, ang kumpanya ni Jay. Agad na nablangko ang isipan ni Rose. Siya ay nangakong hindi na siya kailanman tatapak sa teritoryo ni Jay. Hindi mo nga naman talaga alam ang ibabato sa ‘yo ng buhay! Siguro ay hindi siya makikilala ni Jay? Kinumbinsi ni Rose ang kaniyang sarili, at inipon niya ang lahat ng kaniyang tapang at napagdesisyunan na magtungo sa Grand Asia Hospital. Sa sumunod na araw. Bilang dagdag pag-iingat, tinanggal ni Rose ang kaniyang babaeng-babae na itsura at nagsuot ng mala-punk na istilo. Inayos niya ang kaniyang buhok at inayos ang kaniyang mukha ng maraming makeup—itim na mga kulay sa ilalim ng mata at pulang-pula na lipstick. Dagdag pa roon, suot-suot niya ang kaniyang bilog na salamin bago kumuha ng isang taksi patungong Grand Asia Hospital. Nang dalhin ni Rose ang mga papeles ng kaniyang ina sa nakarehistrong doktor, iniwasan ng doktor ang mga mata ni Rose at dahan-dahang ginalaw ang kaniyang mouse... Isang abiso ang agad na lumabas sa selpon ni Jay at dali-dali niya itong kinuha. Pagkatapos mabasa ang mensahe sa kaniyang selpon, ang kaniyang kaakit-akit at nakatutulalang mga labi ay ngumisi. “Rose, makatatakbo ka ngunit hindi ka makapagtatago!”

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.