Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 794

Pagkaapos ipaliwanag ni Elliot ang rason niya, nabaluktot si Mike kakatawa. "Mula sa pagpili mo ng regalo. May mga rason ako para maniwala na naakit mo lang si Avery dahil sa mukha mo at pera," walang awang panunuya ni Mike sa kanya. "Hindi niya gusto ng pera," pagtatama ni Elliot. "Kaya mong kumita ng pera, ibig sabihin lang 'non na may kakayahan ka. May kwenta ka rin kahit papaano." Humagalpak si Mike sa tawa, "Maiba tayo, narinig ko na tinawag kang Daddy ni Layla kagabi. Libre na ang anak mo. Sigurado akong tuwang tuwa ka?" "Talagang hindi mo sinasala mga sinasabi mo." Kinunot ni Elliot ang kanyang mga kilay. Anong ibig sabihin niyang libre? Anak niya si Layla. Iyon ang katotohanan. Kahit ayos lang kay Layla na palakihin niya, gagawa siya ng oras na gawin din iyon. "Masakit lagi ang katotohanan. Kamusta na kayo ni Avery? Hindi pa rin ba ayos?" Binago ni Mike ang usapan na siyang nagpalala sa nararamdaman ni Elliot. "Tapos na ang libing ni Shea. Hayaan mong mapayapa siya

Naka-lock na chapters

I-download ang Webfic app upang ma-unlock ang mas naka-e-excite na content

I-on ang camera ng cellphone upang direktang mag-scan, o kopyahin ang link at buksan ito sa iyong mobile browser

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.