Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content
Reseta sa HiwalayanReseta sa Hiwalayan
Ayoko: Webfic

Kabanata 9

Wala man lang bumati sa kaniya pagdating niya. Parang gusto ng lahat na paalisin siya. Halos matawa si Celine sa nangyari. Tiningnan ng malalamig niyang mata sila Lucy, Carly, at Hayden bago niya bawiin ang kamay niya sa pagkakahawak ni Adam. Walang ekspresyon siyang ngumiti at sinabi, “Oo na, aalis na ako.” Sila ang nagpaalis kay Celine. Dahil doon, naglakad si Celine paalis. Pero hindi nagtagal, bigla siyang tumalikod. Hinawi niya sa likod ng kaniyang tainga ang buhok niya at tiningnan si Adam. “Adam, alam mo ba kung bakit ako pumunta sa Haven hospital ngayon?” Nakatingin si Adam sa maganda, maputi niyang mukha, at sa sobrang lambot ng balat niya ay para ba itong ethereal. Mas lalo pang lumiwanag ang kaniyang ganda sa dim light. Wala pa ring ekspresyon si Adam, halata na hindi siya interesado. Malamig ang boses niya. “Celine, kung itutuloy mo ‘to, mapapagod ka rin sa sitwasyon.” Naglakad si Celine palapit, masiglang kumikinang ang kaniyang mata at may halong pang-aakit. “Pumunta ako dito para hanapan ka ng magaling na doctor.” Kinuha niya ang name card at inabot kay Adam. Nakatingin si Adam sa yellow at lumang card. Parang dumating lang iyon mula sa ilalim ng pinto. Isa iyong name card ng sikat na family doctor na nag-specialize sa fertility treatments. Nakasulat din ang contact number niya sa card. Gumalaw ang mata ni Adam. Nilagay ni Celine ang card sa bulsa ng suit ni Adam. “May problema si Carly, sigurado akong ikaw rin. Dapat magpa-check kayong dalawa.” Matapos iyon, tumalikod na siya at naglakad palayo. Nakakuyom ang kamao ni Adam na nakabitin sa kaniyang gilid. Parang alam talaga ni Celine paano siya galitin. Nagsalita si Carly, mahinahon ang boses niya at nakakaakit. “Adam, hayaan mo na siya. Huwag mo na sayangin ang oras mo kay Celine. Hindi naman siya importante.” Tumango si Lucy. “Tama ka. Nasaan na ba si Dr. C? Bakit hindi pa rin siya nagpapakita?” Lahat ay kinabahan nang mabanggit si Dr. C. Siya na lang ang natitirang pag-asa ni Carly. Tiningnan ni Adam ang relo niya. Lumipas na ang scheduled time nila, at hindi pa rin nagpapakita si Dr. C. Nang biglang, may medical staff na pumasok sa kwarto. “Mr. Alvarez,” sabi nila. Nagliwanag ang mga mata nila Carly, Hayden, at Lucy. “Nandito na ba si Dr. C?” Tiningnan ng medical staff si Adam. “Mr. Alvarez, dumating na si Dr. C.” Tumingin si Adam sa pinto, inaasahan niyang may makikita siya, pero nakita niya ang isang payat na taong paalis—si Celine. Mabilis siyang nawala. Kumunot ang noo ni Adam. “Hindi ko makita si Dr. C.” Sumagot ang medical staff, “Pumunta na si Dr. C, pero umalis na siya.” “Ano?” Namutla ang mga mukha nila Carly, Hayden at Lucy. “Bakit umalis si Dr. C? Hindi pa niya nakikita si Carly!” Nanghingi ng tawad ang medical staff. “Pasensya na kayo pero hindi gagamutin ni Dr. C si Ms. Tate.” Nawala ang kulay sa maganda at maputi na mukha ni Carly. Iniisip niya kung bakit hindi siya gagamutin ni Dr. C Ang pananabik na nararamdaman nila kanina ay agad na nawala, hindi makapagsalita ang lahat. Umiyak si Carly. “Bakit hindi ako gagamutin ni Dr. C? Bakit?” Mabilis na lumapit sila Hayden at Lucy para pagaanin ang loob niya, mahinahon silang nagsalita. “Carly, huwag ka magalit. Gagawa kami ng paraan para pabalikin si Dr. C. Magiging okay ka rin.” Naging matigas at nakakatakot ang gwapong mukhang ni Adam. Nakatitig siya sa corridor, sobrang malamig ang kaniyang tingin. … Umalis si Celine sa hospital, at lumabas na siya, may biglang tumawag sa pangalan niya. “Celine.” Napahinto siya at dahan-dahang tumalikod para makita si Lucy. Sinundan siya ni Lucy palabas. Lumapit siya at may inabot kay Celine. “Celine, para sayo ‘to.” Tumingin si Celine sa hawak niya. Isang check iyon na may halagang 20 thousand dollars. Sabi ni Lucy, “Celine, hindi ka gusto ni Adam. Huwag ka na kumapit sa kaniya. Hayaan mo na siyang makatuluyan ang kapatid mo. Bakit ba hindi mo kayang ipaubaya na lang siya kay Carly? Tapusin niyo na ni Adam ang divorce niyo, kunin mo ng pera, at bumalik ka na sa probinsya.” Sobrang natatawa si Celine. Kung hindi lang dahil sa DNA test na sikreto niyang ginawa kala Lucy at Carly, iisipin talaga niya na tunay na anak ni Lucy si Carly. Totoo na stepmother ni Carly si Lucy. Pero si Carly ang mahal niya. Hindi niya minahal si Celine na tunay niyang anak. Alam ni Celine na sobrang mahal ni Lucy si Hayden, at dahil doon, mahal niya ang lahat ng tungkol sa kaniya. Maliwanag at makinang ang mata ni Celine na nakatingin kay Lucy habang nakangisi. “Ganito lang ba ang halaga para sayo ng posisyon ng isang Mrs. Alvarez? O ito lang talaga ang halaga ko sa mata mo?” Napatigil si Lucy bago niya ipaglaban ang sarili niya, “Celine, ginagawa ko sa ikabubuti mo ‘to bilang nanay mo. Hindi ito ang lugar na para sayo…” Isang foreign ang salita sa kaniyang dila, at may mapait na ngiti na lumabas sa mukha ni Celine. “Dinala mo na ako sa probinsya dati. Ngayon gusto mo na pabalikin ako ulit? Ang galing mo namang ina!” Hindi na siya nagsalita ulit, tumalikod si Celine at umalis, tumawag siya ng cab. Tahimik na nakaupo si Celine sa backseat ng kotse. Kinuha niya ang candy mula sa bag niya at dahan-dahan itong binuksan, at kinain niya iyon. Nakasilip ang matandang driver sa rearview mirror, hindi niya napigilan na mapansin si Celine. Nakasuot siya ng simpleng dress, mukha siyang mahinahon at tahimik—may kakaibang tindig ang makikita sa kaniya. May maputi siyang balat, at sobrang delicate ng kaniyang katawan na parang mabilis siyang mababasag. Habang nakangiti ay nagsalita ang driver. “Gusto mo ng candy, huh?” Tumingin si Celine, hinahaplos ng hangin mula sa bintana ang kaniyang buhok papunta sa kaniyang mukha. Walang ekspresyon siyang ngumiti. “Oo, minsan ang kaunting sweet na ganito ay makakatulong na pagaanin ang pait ng buhay.” … Natigilan si Lucy habang tinitingnan ang kotse na umalis. Nang biglang may lumapit sa kaniya. “Mrs. Tate.” Tumalikod si Lucy, nakita niya si Samson Stone, ang director ng Haven Hospital. Mabilis na lumapit si Lucy sa kaniya. “Mr. Stone, hello. Meron ka talagang best connection. May iba pa bang paraan para masabi ko kay Dr. C na gamutin niya ang anak ko?” Ngumiti si Samson. “Mrs. Tate, kilala ko nang personal si Dr. C. Pwede kitang ipakilala sa kaniya.” Nagliwanag ang mukha ni Lucy. “Talaga? Salamat, Mr. Stone. Tiningnan ni Samson ang direksyon kung saan nawala si Celine, may nahihiyang ngiti ang nakatago sa kaniyang mukha. “Mrs. Tate, siya ba ang panganay mong anak? Hindi ko inaasahan na sobrang ganda niya. Para siyang angel!” Ngumiti si Lucy, at makikita ang lamig sa kaniyang walang ekspresyon na mukha.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.