Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content
Reseta sa HiwalayanReseta sa Hiwalayan
Ayoko: Webfic

Kabanata 3

Idiniin ni Adam ang manipis niyang labi. “Celine Tate, bumalik ka rito!” Tumawa si Celine. “Gusto mo akong bumalik dahil lang sinabi mo? Hiwalay na tayo, Adam. Hindi na ako susunod sa'yo.” Nagngalit ng ngipin si Adam. “Bibigyan pa kita ng isang pagkakataon para baguhin ang rason mo para sa divorce.” Lumaki ang ngiti ni Celine. “May mali ba sa isinulat ko? Kalahating taon ka nang gising pero hanggang ngayon, hindi mo man lang hinawakan ang kamay ko. “Tatlong taon kang naka-coma. Kahit na maayos na ang kalusugan mo ngayon, nagdududa ako kung gumagana ba ang pagkalalaki mo. Magpatingin ka sa doctor. Hinihiling ko na bumalik na ang pagkalalaki mo!” Walang masabi si Adam. Tumitibok na ang ugat sa kaniyang noo. Wala na talaga sa tamang pag-iisip ang babae na ‘to! “Ipapakita ko sa'yo kung gaano ako kagaling balang araw, Celine Tate!” sigaw niya. “Sorry, wala ka nang pagkakataon.” “Celine!” Tumunog ang ilang beep at agad na namatay ang tawag. Natulala sa galit si Adam. Pero bago pa siya makapagreklamo, ang narinig niya lang ay ang busy tone. Celine Tate! … Nakarating na si Celine sa apartment ng kaniyang best friend na si Robin Smith. Nang patayin niya ang tawag, tumawa si Robin at nag thumbs-up. “Tamang tama ‘yon, Celine! Paniguradong galit na galit siya ngayon na parang puputok ang ugat niya.” Pakiramdam ni Celine ay dahil naging mabait siya noon ay sobrang taas ng tingin ni Adam sa sarili niya. Kailangan munang mahalin ng mga tao ang sarili nila bago magmahal ng iba. Delikado na unahin ang kaligayahan ng iba. Idinagdag ni Robin, “Nang malaman ni Carly na na-coma si Mr. Alvarez three years ago, iniwan niya ito agad. Pero ngayon na gising na siya, hahabulin niya si Carly ulit. Sa totoo lang, mas mabuti na layuan ang lalaki na tulad niya.” Binuksan ni Celine ang isang candy at isinubo sa kaniyang bibig. Parang napapalitan ng tamis nito ang pait na nasa puso niya. “Robin, ‘yon ang pagkakaiba sa pagitan ng minamahal at hindi mahal.” Kayang umakto nang walang takot ng minamahal pero ang isa na hindi ay laging mag-iingat at kinakabahan. Tiningnan ni Robin si Celine na marami nang nakain na candy. Itinayo niya si Celine. “Cheer up, Celine! Kapag iniwan mo ang isang puno, mapapansin mo na magkakaroon ka ng buong kagubatan. Maghahanap ako ng walong escort at bibigyan kita ng singles’ party ngayong gabi!” Tumawa si Celine habang nakahawak sa noo niya. Sa oras na ‘yon, Lumapit si Robin at hinubad ang black-framed na salamin ni Celine. Tinapon niya ito sa basurahan. “Salamin ko!” balak na itong kunin ni Celine. Pinigilan siya ni Robbin. “Celine, masyado kang nasanay sa pagsuot ng salamin sa lahat ng ginagawa mo. Dapat matuto ka mula kay Carly at manamit nang maganda.” Naalala ni Celine kung paano siya tinawag na ugly duckling ng magulang niya habang si Carly ang swan. Mukhang hindi lang ang magulang niya ang nag-iisip non. Panigurado na ugly duckling din ang tingin sa kaniya ni Adam. Hinila ni Robin si Celine palabas ng pinto. “Tara na. Ilalabas kita para sa isang full makeover—buhok, kuko, pananamit, lahat. Gusto ko na imulat ang mata ni Adam at ng iba para makita nila kung gaano ka kaganda!” Habang palabas sila, may biglang naalala si Robin. “Nga pala, Celine, ayaw mo talaga ng pera ni Mr. Alvarez?” “May sarili akong pera,” sagot ni Celine. “Kung ganoon iniwan mo ang pera na ‘yon kay Carly. Siguro ay pasasalamatan ka niya.” Natahimik si Celine. “Nasaan ang card na ibinigay sa'yo ni Mr. Alvarez?” Mapagbigay si Adam at binigyan niya si Celineng gold-plated na black card pero hindi niya ito nagamit. Kinuha ni Celine ang card sa purse niya at sinabi habang nakakindat, “Si Mr. Alvarez ang sasagot sa bill ng shopping natin ngayong araw.” … Playground na ng mga mayayamang tao sa Mercity ang Club 1996, kung saan ginagastos nila ang kanilang pera nang walang pagda-dalawang isip. Nang gabi na ‘yon, tuloy-tuloy ang tugtog ng DJ at masigla na sumasayaw ang mga tao. Sa isa sa mga mamahalin na booth, nakaupo si Adam sa gitna, nakasuot ng itim na shirt at at itim na pants. Nakaangat ang sleeves niya para ipakita ang matikas niyang braso at relo na ilang milyon ang halaga. Kaakit-akit siyang tingnan at pinagtitinginan siya ng mga babae sa club. Nakaupo sa tabi niya ang kaniyang matalik na kaibigan, si Benjamin Goodwin—ang tagapagmana ng pamilyang Goodwin—kasama pa ang ilang mayayaman na tao. Malakas na tumawa si Benjamin. “Ano itong naririnig ko, Adam? Gusto ni Celine ng divorce?” Sumali ang iba sa tawanan. “Sinong hindi nakakaalam kung gaano ka kamahal ni Celine, Mr. Alvarez? Gusto niya nga na pakasalan ka kahit nasa coma ka,” sabi ng isa sa kanila. “Malabo na iwan ka niya ngayon!” “Magpustuhan tayo kung ilang araw matitiis ni Celine bago lumapit ulit kay Mr. Alvarez,” pakikisali ng isa. Sinabi ni Benjamin, “Pusta ko ay hindi siya tatagal ng isang araw. Panigurado na magpapadala siya ng mensahe kay Adam maya-maya lang. Haha!” Pero, madilim at seryoso ang mukha ni Adam, malinaw na pinapakitang galit siya. Inilabas niya ang kaniyang phone at binuksan ang chat niya kay Celine. Ang huling mensahe ay noong nakaraang gabi. Nagpadala si Celine ng picture ng bowl ng chicken bone broth na may mensahe, “Honey, kahit na ayos ngayon ang buto mo, kailangan mo pa rin uminom nang maraming chicken bone broth. Huwag mo kalimutan na umuwi nang maaga.” Habang inaangat niya, araw-araw ay may mensahe mula kay Celine. Hindi siya sumagot. Kahit isang beses. Pero ngayong gabi, walang mensahe mula sa kaniya at nararamdaman ni Adam ang inis sa dibdib niya. Biglang may tumunog na notification, senyales na may bagong mensahe. Biglang nagsalita si Benjamin, “Sabi ko na nga ba! Nagme-message si Celine kay Adam ngayon!” Paulit-ulit na tumutunog ang notification dahil mabilis na dumarating ang sunod-sunod na mensahe. Nagtawanan ang lahat. “Alam ko na hindi kayang magtiis ni Celine pero hindi ko inakala na ganito siya kakulit.” Pagpupumilit ni Benjamin, “Adam, dali, tingnan mo kung ano ang sinasabi niya. Baka umiiyak siya at nagmamakaawa na bumalik ka sa kaniya.” Gumalaw ang mata ni Adam. Nag-message si Celine? Kung gusto niyang makipag-ayos, para saan ang tapang nita kanina? Hindi ba't siya ang nagpapanggap na matapang kaninang umaga? Nang buksan ni Adam ang mensahe, natigil siya. Binasa ‘yon ni Benjamin. “Dear VVIP, your card ending in 0975 has been charged 800 dollars at Dazzling Nails.” Natahimik ang lahat, nagtataka na tumitig. Inangat ni Adam at nakita ang ilang transaction message. Gumastos si Celine ng dalawang libong dolyar sa Urban Glow Salon, 86 na libong dolyar sa Chanel at 24 libong dolyar sa Louis Vuitton. Walang mensahe na nakikipag-ayos, notification lang sa mga ginastos nito. Nagulat ang grupo. Parang sinampal sila ni Celine sa mukha. Nagdilim ang mukha ni Adam habang hinampas ang phone niya sa mesa. Hindi siya sa pera naiinis. Doon sa dumiretso siya na gastusin ang pera nito pagkatapos nilang maghiwalay. Ang babae na masunurin at umaasa sa kaniya sa nakalipas na tatlong taon ay biglang pinakita ang totoo nitong kulay. Nagsalita si Benjamin, “Anong ginagawa niya, Adam? Nagpaayos siya ng kuko at buhok at nag shopping para sa damit. Sinusubukan ba niya na manamit tulad ni Carly?” “Si Carly ang Scarlet Rose ng Mercity habang si Celine naman ay isa lang country bumpkin. Kahit ano pa ang gawin niya, hindi siya papantay kay Carly.” “Ang swan ay isang swan at ang ugly duckling ay habambuhay na mananatiling ugly duckling. Hindi ito magiging swan.” Patuloy na nagtawanan ang grupo kay Celine. Sa oras na ‘yon, nagkaroon ng kaguluhan sa club. Nakatutok ang atensyon ng lahat sa isang lugar. May sumigaw, “Guys, tingnan niyo! Isang anghel!”

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.