Kabanata 1
Nalaman ni Celine Tate na niloloko siya ng asawa niya na si Adam Alvarez.
Isang college student ang ibang babae.
Kaarawan ngayon ni Adam. Inilaan ni Celine ang buong araw para sa paghahanda ng espesyal na dinner para sa kaniya. Sa oras na ‘yon, tumunog ang nakalimutan nitong phone.
Kinuha niya ‘yon at nakita ang mensahe mula sa college student. “Nadapa ako habang kinukuha ‘yung cake. Sobrang sakit… Huhu…”
Nakalagay doon ang larawan—walang mukha, tanging hita lang.
Nakasuot ng pulled-up na puting medyas at itim na round-toed na sapatos ang babae. Inangat niya ang asul at puti niyang palda para ipakita ang mahaba at makinis niyang hita.
Namula ang maputi niyang tuhod mula sa pagkadapa. Ang kabataan na dala ng katawan niya, kasabay ng mapang-akit niyang salita ay nagdadala ng hindi nararapat na tukso.
Usap-usapan na ang mayayaman na negosyante ay pabor sa tipo niya kapag maghahanap ng kabit.
Humigpit ang hawak ni Celine sa phone hanggang sa mamuti ang kamao niya.
Hindi nagtagal, may panibagong mensahe ang dumating. “Mr. Alvarez, puntahan niyo ako sa Elysian Hotel mamayang gabi. Gusto ko i-celebrate ang birthday niyo.”
Kaarawan ni Adam at nagplano ng selebrasyon ang kabit nito para sa kaniya.
Habang hawak ang kaniyang handbag, pumunta si Celine sa Elysian Hotel. Kailangan niya makita mismo ang babae na ‘yon.
…
Nang makarating si Celine sa hotel, handa na siyang pumasok.
Pero bago pa man niya magawa, nakita niya ang kaniyang mga magulang na sina Hayden Tate at Lucy Garcia. Gulat siyang lumapit sa kanila. “Dad, Mom, anong ginagawa niyo rito?”
Natigil ang dalawa bago nagpalitan nang tingin. Kumukurap sila habang sinasabi, “Oh, Celine, nakabalik na mula sa abroad ang kapatid mo. Pumunta kami dito para ihatid siya.”
Carly Tate?
Mula sa kumikinang na floor-to-ceiling na bintana, nakita agad ni Celine si Carly. Agad siyang natigil.
Sa loob, nakasuot si Carly ng asul at puting palda katulad ng nasa larawan. Kaya, ang college na babae ay ang kapatid niya.
Sobrang ganda ni Carly, tinawag siya na “Scarlet Rose” ng Mercity. Lalo na ang hita niya na talagang tinitingala. Ito ang pinakamaganda sa lahat sa Mercity. Sinasamba siya ng mga kalalakihan.
Ngayon, ang sikat na hita na ‘yon ay naakit si Adam.
Halos matawa si Celine dahil doon. Tumingin siya sa kaniyang mga magulang. “Ako ang huling nakaalam.”
Naiilang na nag-iba ang mukha ni Hayden. “Celine, hindi ka kailanman nagustuhan ni Mr. Alvarez.”
Sumagot si Lucy, “Kaya nga. Alam mo ba kung gaano karaming babae sa Mercity ang papatay para lang makasama siya? Mabuti na nasa sa kapatid mo kaysa sa hindi mo kilala.”
Nang marinig yon, nagkuyom ang kamao niya. “Anak niyo rin ako!”
Pagkatapos non, tumalikod siya suot ang kaniyang heels para umalis.
Biglang narinig niya ang boses ni Lucy sa kaniyang likuran. “Celine, sabihin mo sa akin. Hinawakan ka man lang ba si Mr. Alvarez?”
Natigil si Celine.
Seryosong sinabi ni Hayden, “Huwag ka umakto na parang may utang na loob kami sa'yo. Noon, si Mr. Alvarez at Carly ang magkarelasyon sa mata ng mga tao. Sinabihan ka lang namin na pakasalan siya kapalit ni Carly pagkatapos niyang ma-coma mula sa car accident noon.”
Galit na tiningnan ni Lucy si Celine. “Tingnan mo ang sarili mo, Celine. Tatlong taon bilang housewife, ginagawa mo ang lahat para sa asawa mo. Samantala, si Carly na ang lead ballerina ngayon— isang totoong swan. Ikaw? Isa ka lang masungit na bibe. Maging makatwiran ka at ibalik si Mr. Alvarez kay Carly.”
Parang kutsilyo ang mga salitang ‘yon sa puso ni Celine. Pinigilan niya ang luha niya at tumalikod para umalis.
…
Nang makabalik si Celine sa Villa, gabing-gabi na. Binigyan niya ng day-off ang katulong niya na si Sofia Dotson. Walang tao sa bahay, wala ring nakabukas na ilaw, dahil dito ay nagmukha itong malamig at malungkot.
Mag-isang umupo sa dilim si Celine sa dining table.
Maraming pagkain ang nakahanda sa mesa pero malamig na ang mga pagkain. Hindi nagalaw ang ginawa niyang cake na may nakasulat na “Happy birthday, honey”.
Tiningnan ‘yon ni Celine, mahapdi ang kaniyang mga mata. Para itong malaking kalokohan, tulad ng buhay niya.
Si Adam at Carly ang kilala na magkarelasyon sa kanilang circle. Alam ng lahat na ang Scarlet Rose na si Carly ay ang puso at kaluluwa ni Adam. Pero tatlong taon na ang nakalilipas, na-coms si Adam dahil sa biglang car accident, at biglang nawala si Carly.
Dinala ng pamilyang Tate si Celine sa probinsya at pinilit siya na pakasalan ang comatose na si Adam.
Nang malaman niya na ang nakahigang lalaki sa hospital bed ay si Adam—ang lalaki na minamahal niya—hindi siya nagdalawang-isip. Pinakasalan niya ito nang walang pag aalintana.
Pagkatapos ng kasal, nanatiling nasa coma si Adam sa loob ng tatlong taon. Sa loob ng mga oras na ‘yon, inalagaan siya ni Celine, hindi ito umalis sa tabi niya. Binitawan niya ang paglabas at pakikisalamuha sa iba. Nakatuon siya sa paggaling ni Adam.
Naging housewife siya na walang ibang ginawa kundi magsilbi kay Adam. Sa huli, nagising si Adam dahil sa pagpupursigi niya.
Sinindihan ni Celine ang kandila ng cake gamit ang lighter.
Bahagyang nagliwanag, makikita ang kaniyang repleksyon sa salamin na nasa harap niya. Tiningnan niya ang kaniyang sarili—ang housewife na nakasuot ng itim at puting dress. Wala siyang buhay, boring, at walang dating.
Samantala, si Carly ay naging isang lead ballerina. Bata siya, kumikinang at maganda.
Si Celine ang ugly duckling habang si Carly ang swan.
Pagkatapos magising, iniwan ni Adam ang ugly duckling at bumalik sa swan.
Kaya, walang nangyari sa sakripisyo niya sa nagdaang tatlong taon.
Hindi siya mahal ni Adam pero minahal niya ito nang buong puso.
Sinasabi na talunan ang unang mahulog sa isang relasyon. At ngayon, tinanggal sa kaniya ni Adam ang lahat.
Puno ng luha ang mata niya at hinipan niya ang kandila. Bumalik sa kadiliman ang bahay.
Pagkatapos non, nagliwanag ang daan sa gabi habang tinatakahak ni Adam ang driveway gamit ang Rolls-Royce Phantom niya at pumarada doon.
Natigil ang pagtibok ng puso ni Celine. Nakabalik na siya. Akala niya ay hindi ito uuwi ngayong gabi.
Hindi nagtagal, bumukas ang pinto ng villa. Isang matangkad at gwapong lalaki ang pumasok, dala niya ang lamig ng hangin sa gabi. Nakauwi na si Adam.
Matagal nang tinitingala ang pamilya ng Alvarez sa Mercity. Si Adam, ang tagapagmana ng pamilyang Alvarez, ay isang business prodigy mula pagkabata.
Sa edad na 16, nakakuha siya ng dual master's degree mula sa tanyag na Haffard University. Nang tumanda siya, ang unang kumpanya niya ay lumikha ng alon sa Finance Street. Ngayon, nakaupo siya sa kapangyarihan ng Alvarez Group, kinikilala bilang pinakamayaman na lalaki sa Mercity.
Pumasok si Adam gamit ang mahaba niyang mga hita. Malalim ang boses niya at mabuti ngunit malamig. “Bakit hindi mo binuksan ang ilaw?”
Sa isang pitik ng kamay niya, binuksan niya ang wall light.
Naningkit si Celine sa biglang liwanag. Nang buksan niya ang kaniyang mata, tiningnan niya si Adam.
Nakasuot siya ng hand-tailored na itim na suit, lahat ng parte ay perpekto. Ang perpekto niyang tindig at dating ang dahilan kung bakit gusto siya nang maraming babae.
Tiningnan siya ni Celine. “Birthday mo.”
Nababalot ng lamig ang mukha ni Adam. Walang emosyon niyang tiningnan ang mesa. “Huwag mo na sayangin ang oras mo. Hindi ako nagsi-celebrate ng birthday.”
Ngumisi si Celine at tinanong, “Hindi ka nagsi-celebrate ng birthday o ayaw mo ako kasama na mag-celebrate?”
Hindi man lang siya tiningnan ni Adam na para bang ayaw nitong magsayang ng oras sa kaniya. “Isipin mo ang gusto mong isipin.”
Hindi na siya nagsalita, tumalikod siya at umakyat sa hagdan.
Ganito ang pagsasama nila. Kahit ano pa ang gawin niya, hindi siya mapalapit rito.
Tumayo si Celine at habang nakatingin sa malamig nitong likod, sinabi niya na, “Birthday mo ngayon. Gusto kitang bigyan ng birthday gift.”
Hindi tumigil si Adam o lumingon sa kaniya. “Hindi ko kailangan ‘yan.”
Ngumiti ulit si Celine. “Mag-divorce na tayo, Adam.”
Nakaangat na ang isang paa ni Adam sa hagdan nang matigil siya. Umikot siya, nakatitig siya kay Celine.