Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content
Reseta sa HiwalayanReseta sa Hiwalayan
Ayoko: Webfic

Kabanata 12

Nang makita ang caller ID, agad na napa-atras si Adam. Sa oras na ‘yon, sobrang dumi niya. Basa ang kaniyang damit, may mga marka ng halik ang kaniyang katawan, at naghahabol siya ng kaniyang hininga. Kanina ay puno ng pagnanasa ang kaniyang puso. Si Celine naman talaga ang gusto niya! Hindi naman siya gusto ni Adam. Sinisisi ni Adam ang katotohanan na isa siyang lalaki at hindi niya kayang tanggihan ang pang-aakit ng isang magandang babae. Pinindot niya ang button para sagutin ang tawag, nalulungkot siya para kay Carly. Mas naging mahinahon pa siya dahil nagsisisi siya, at halata na malambing ang kaniyang boses. “Hey, Carly.” Maririnig ang heavy metal music sa kabilang linya. Kasunod ang malambing na boses ni Carly, “Adam, nasa club ako ngayon.” Sumagot si Adam, “Huwag ka uminom. Sabihin mo kay Jordan na milk ang ibigay sayo.” Sumagot si Carly, “Got it! Nakikinig naman sayo lagi ang assistant ko. Adam, pumunta ka dito. Hihintayin kita.” Tumalikod si Adam, handa na siyang umalis. Sa oras na ‘yon, isang maliit na kamay ang humawak sa sleeve ng kaniyang shirt. Lumingon si Adam. Sa oras na ‘yon, sobrang basa na si Celine. Nakadikit sa kaniyang katawan ang manipis na dress na suot niya, mas naging halata pa ang kaniyang curve. Namumula ang mata niya, at mahigpit siyang humawak kay Adam, hindi siya bumibitaw. Bahagyang gumalaw si Adam, sinusubukan niya na kumawala sa pagkakahawak ni Celine. Pero matigas ang ulo ni Celine at nakahawak pa rin siya, nakatitig ang namumula niyang mata kay Adam at determinado. Binuksan ni Adam ang bibig niya para magsalita pero bago pa siya makasagot, lumapit si Celine at niyakap siya. Mahinahon ang boses niya nang bumulong sa tainga ni Adam, “Huwag ka umalis, please.” Malaki na si Celine pero na-realize niya na takot pa rin siyang naiiwan. Natatakot siya pag nakatayo siya mag-isa sa maingay na kalsada, napapalibutan ng mga tao. Nakapulupot si Adam sa mga hawak ni Celine, hindi niya alam kung ano ang gagawin niya. Maririnig ulit ang boses ni Carly sa phone. “Adam, nakikinig ka ba? Pumunta ka na dito.” Nakatayo si Celine at naka-tiptoe at mahinahon na sinabi, “Sir…” Sir? Kakaiba ang tawag na ‘yon mula sa isang babae dati. Pero ‘di ba si Carly ang babaeng ‘yon? Biglang lumingon si Adam. “Carly, may gagawin kasi akong importante. Hindi ako makakapunta.” Binaba niya ang tawag at tinulak niya si Celine sa pader. Nakatitig ang matalim at malalim niyang mga mata kay Celine at tinanong, “Bakit mo ako tatawagin nang ganyan? Celine, sino ka ba talaga?” Binalot ni Celine ang kamay niya sa leeg ni Adam at hinalikan niya ang labi nito. Hindi inaasahan na ang malambot at mapula niyang labi ay dadampi kay Adam, kumalat sa hangin ang delicate fragrance. Malambing ang halik at hindi inaakala. Hindi pinikit ni Adam ang kaniyang mata kundi nakatitig lang siya kay Celine. Hindi rin nakapikit si Celine; ang maliwanag at basa niyang mga mata ay nakatitig kay Adam. Doon lang napansin ni Adam ang nakakagulat na bagay—ang mata ni Celine ay tulad sa mata ng isang babae dati. Ilang sandali siyang hinalikan ni Celine. Nang walang reaksyon si Adam, bumitaw na si Celine at sumuko. Tumalikod siya para umalis. Pero sa pagkakataon na ‘yon, mahigpit siyang niyakap ni Adam, hinila niya ang maliit nitong katawan. Nabalot si Celine sa masculine na katawan ni Adam at kasabay nito ang kaniyang pagyuko at malalim na hinalikan si Celine. … Sa club, nakaupo si Carly sa counter kasama ang assistant niyang si Jordan Lawrence. Tinanong ni Jordan, “Carly, hindi ba pupunta ngayong gabi si Mr. Alvarez?” Nagsimulang magtaka si Carly. Sa phone call nila kanina, parang kakaiba ang tono ni Adam na parang may iba siyang kasama. Agad niyang tinawag si Benjamin. “Benjamin, kasama mo ba si Adam ngayon?” Sumagot si Benjamin, “Hindi, Carly. Pero tinawagan niya ako kanina. Tungkol sa babae na naka-droga.” Sa wakas ay may bigla siyang napagtanto. “Carly, pwede kayang si Celine ang nakainom ng droga?” Malinis naman ang private life ni Adam. Si Carly lang ang meron siya. Ngayon, kasama na si Celine kaya hindi mahirap na hulaan kung sino ang kasama niya ngayon. Kinuyom ni Carly ang kamao niya sa galit, naisip niya na kasama ni Adam si Celine. Pero agad niyang napigilan ang emosyon niya at masaya siyang ngumiti. Lumingon siya kay Jordan, sabi niya, “Pwede bang tulungan mo ako sa isang bagay?” Nagtaka si Jordan at tinanong, “Anong klaseng bagay?” Ngumisi ang mapulang labi ni Carly at nagsalita siya, “Aphrodisiac.” … Sa banyo ng villa, nanghihina ang tuhod ni Celine dahil sa mga halik ni Adam, at halos matumba na siya sa sahig. Nakabalot ang malalakas na kamay ni Adam sa malambot na bewang ni Celine, hindi siya nakakagalaw. Namumula ang pisngi ni Celine. Sa oras na iyon, may isang tunog ng notification ang gumambala sa kanila nang makatanggap ng video call si Adam mula kay Carly. Tumingin si Adam kay Celine, at sinagot niya ang video chat. Nakaupo si Carly sa bar counter at nasa harap niya ang glass ng alcohol. Makikita ang maliwanag niyang ngiti sa screen at tinanong, “Adam, kasama mo ba si Celine? Naka-droga siya, ‘di ba?” Hindi sumagot si Adam. Hawak ni Carly ang maliit na pakete ng powder, nilagay niya iyon sa kaniyang inumin at ininom nang isang tungga habang nanonood si Adam. Kumunot ang noo ni Adam. “Carly, anong ininom mo?” Ngumiti si Carly at nahihilo siya. “Aphrodisiac.” Nanginig ang maliit na katawan ni Celine sa mga narinig niya na sinabi Carly. Hindi niya inaasahan na iinom si Carly ng droga. Nagdilim ang gwapong mukha ni Adam. Malamig ang boses niya at sumigaw siya, “Carly!” Sa panahon na iyon, isang matangkad, at gwapong lalaki ang lumapit kay Carly sa bar at sinubukan na makipag-usap sa kaniya. “Hi, ganda. Pwede ba kita bilhan ng inumin?” Tinuro ni Carly ang video chat at pinakita niya si Adam, at sinabi sa lalaki, “Ayan ang boyfriend ko. Pero kung hindi siya pupunta dito sa loob ng 30 minutes, sayo na ako buong gabi.” Tinaas ng lalaki ang kilay niya, at nagtataka siya. Halata ang lamig sa tono ni Adam. “Carly, anong ginagawa mo?” Hindi maipaliwanag ang ekspresyon ni Carly, puno ng yabang ang mata niya nang sinabi, “Adam, ngayong gabi, may pagpipilian ka—ako o si Celine. Isang babae lang ang pwede sa buhay mo.” Matapos iyon, tinapos na ni Carly ang video call. Halata na galit si Adam, mahigpit ang hawak niya sa kaniyang phone at halata ang mga ugat sa likod ng kaniyang kamay. “Adam, isang babae lang dapat ang nasa buhay mo.” “Mom, isang anak lang ang dapat sayo.” Nag-echo sa isip ni Celine ang mga salitang iyon na parang isang sumpa, nagulat si Celine. Biglang nawala ang hatid na init ng presensya ni Adam. Binitawan siya ni Adam at umatras siya. Tinaas ni Celine ang tingin niya, pinanood niya si Adam habang nagpapalit ito ng bagong damit at tailored trouser. Tumingin si Adam sa kaniya, nakatitig sa mukha ni Celine ang malalim at maitim niyang mata. “Anong tipo mo?” Ano? Ilang sandaling nagulat si Celine sa tanong ni Adam. Nilinaw ni Adam, “Hahanapan kita ng lalaki, o kahit dalawa pa, kung mas gusto mo.”

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.