Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 8

Pinulot ni Lily ang dokumento sa lamesa para idiin ito sa mga bras oni Sarah bago niya ilabas ang kaniyang phone para kuhanan ito ng litrato. “Ibibigay ko na ito sa iyo kung ganoon, Ms. Lynde. Wala na akong kinalaman sa sandaling magkaroon ng problema si Xavier sa mga dokumentong iyan.” Naramdaman niyang ubos na ang kaniyang enerhiya o posisyon para harapin si Sarah. Walang dapat katakutan ang mga taong pinapaboran. Wala siyang halaga sa mga mata ni Xavier. Gumapang ang lamig sa kaniyang gulugod papunta sa kaniyang puso kahit na mainit ang temperatura sa loob ng opisina. Sumakay siya sa elevator pababa para maglakad palabas ng kumpanya. Nagbabad siya sa araw pero hindi pa rin nawawala ang panlalamig sa kaniyang katawan. Tumayo siya sa masiglang kalye. Nanginig nang bahagya ang magkabilang gilid ng kaniyang mga labi habang nagpapakita siya ng isang bagsak at sarcastic na ngiti. Mukhang paminsan minsan lang sila magbook ng room sa hotel dahil palagi nila itong ginagawa sa lounge ng opisina. Alam na niya ang mga kataksilang ginagawa ni Xavier kasama ni Sarah. Hindi na siya dapat pang masaktan ng ganito kahit na mas direkta na ang ebidensyang nakikita niya sa kaniyang harapan. Mas lumalim ang tama nito sa kaniyang puso kaysa sa mga bagay na napagtanto niya nitong mga nakaraang araw tungkol sa pagtataksil at sa kawalan ni Xavier ng pagmamahal sa kaniya. Bigla siyang nagising sa biglaang pagriring ng kaniyang phone. Agad niya itong kinuha para sagutin, “Hello?” “Umuwi ka na ngayundin, Lily.” Hindi makukwestiyon ng sinuman ang tono ng boses ng kaniyang ama. Nakaschedule siyang tumugtog ng piano sa restaurant mamayang hapon. Sabado rin ngayon kaya wala siyang interview na pupuntahan. Malulunod lamang siya sa emosyon sa sandaling wala siyang gawin na kahit ano kaya agad siyang pumayag kahit na ayaw niya talagang umuwi. “Sige po.” … Hindi pinospone ni Xavier ang meeting gaya ng kaniyang sinabi. At sa halip ay mas pinaaga pa niya ito. Inakala niya na matatauhan si Lily sa sandaling paghintayin niya ito. Umabot ng dalawang oras ang 50-minute niyang meeting. Magtatanghali na nang makalabas siya sa conference room. Inalis niya ang kaniyang salamin sa kaniyang nose bridge para hawakan ang kaniyang mga sentido bago siya dahan dahang maglakad papasok sa opisina. “Mr. Fulton, mayroon ako ritong dokumento na nangangailangan ng pirma ninyo!” Sabi ng isang manager mula sa finance department dala ang isang dokumento. Agad namang hinarang ni Timothy ang manager sa kaniyang daraanan. “Napakagaling mo talagang padaliin ang trabaho mo. Sinusubukan mo bang papirmahan ito kay Mr. Fulton habang umaattend siya ng meeting? Mayroon pang mga importanteng bagay na aasikasuhin si Mr. Fulton. Dalhin mo ito sa kumpanya mamayang hapon.” Bumagsak dito ang mukha ng finance manager. Sinusubukan niya lang pabilisin ang proseso. “Bakit ka nagmamadali?” Bigla namang huminto sa paglalakad si Xavier. Kinuha niya ang dokumento na kaniyang pinirmahan bago niya ito ibalik sa manager at magpatuloy sa paglalakad pabalik sa kaniyang opisina. Naisip niya kung gaano na kaawa awa ang itsura ngayon ni Lily. Hindi dapat siya umiyak sa mga sandaling ito. Naiinis siya sa mga babaeng umiiyak sa kaniyang harapan. Alam niya kung paano babalansehen ang lahat at kung kailan niya ihihinto ang mga bagay bagay. Naramdaman niya na nagtagumpay siya nang buksan niya ang pinto nang biglang mawalan ng emosyon ang kaniyang mga mata. Pero walang kahit na sino ang nakaupo sa sofa na kabaliktaran ng kaniyang inaasahan, o nakatayo sa floor to ceiling window ng opisina. Wala siyang matataguan sa opisinang ito kaya naging malinaw para kay Xavier na wala rito si Lily. Isang mahinang tunog ang kaniyang narinig mula sa lounge, dito na kumunot ang kaniyang noo. Hindi niya alam kung bakit nandito si Lily. Nagawa ba talaga nitong pumasok sa pribado niyang lounge nang walang pahintulot mula sa kaniya. Lubog siya sa trabaho nitong dalawang araw at hindi siya makatulog nang dahil kay Lily kaya napagdesisyunan niyang maginom doon. Siguradong iisipin nito na si Lily ang dahilan ng kaniyang pagiinom sa sandaling makita niya ang mga bote ng alak doon… “Xavier.” Labas ni Sarah sa lounge nang magulat siya sa naiirita nitong mukha kaya agad itong napatanong ng, “Anong problema?” Huminto ang kaniyang kamay sa pagabot sa pinto nang makarating ito sa taas ng dibdib ni Sarah. Agad niyang binawi ang kaniyang kamay habang ibinabalik niya sa dati ang kaniyang postura. “Wala. Ano ang ginagawa mo rito?” Nakangiti namang sumagot si Sarah. “Gusto ko lang masiguro na magiging maayos ang itsura mo. Mayroon kang press conference mamayang hapon kaya ipinadry clean ko na ang mga damit mo at kumuha na rin ako ng taong maglilinis sa lounge mo. Kailangan mong ingatan ang sarili mo kahit na abala ka pa sa trabaho. Inaasahan kita at ng kumpanya sa mga gagawin mong desisyon sa trabaho.” “Kanina ka pa nandito? Mayroon bang nagpunta sa opisina ko?” Balik ni Xavier sa kaniyang lamesa para umupo. Dito na tumama ang kaniyang paningin sa dokumento sa gilid ng kaniyang lamesa. Bahagyang nagdilim ang kaniyang paningin nang maisip niya ang isang bagay habang dumidiin ang kaniyang mga nguso. “Walang kahit na sinong nagpunta sa opisina mo. Pero nabanggit ng assistant ni Mr. Snyder na mayroon nagdala sa iyo ng dokumento. Nacheck ko na ito. Para ito sa magiging press conference mo mamaya.” Sinundan siya ni Sarah habang nakatayo ito sa kaniyang tabi. “Mukhang dinala ito rito ng kasambahay ng pamilya Fulton sa utos ni Tamara. Hindi nagpakita ng tamang etiquette ang staff nilang iyon para iwanan dito ang dokumento nang hindi ka hinihintay. Paano na lang kung may mangyari ritong hindi maganda?” Mukhang si Lily nga ang nagpunta rito para ihatid ang dokumento. Nabalot ng galit ang kaniyang dibdib. Masyadong matindi ang naging mga assumptions niya kanina. Naiimagine niya na kukumprontahin siya ni Lily sa kaniyang opisina habang nasa gitna siya ng meeting na nadelay ng dalawang oras. Dito na humigpit ang matalas at kapansin pansin niyang panga. “Nagkulang nga ito sa tamang decorum.” Pinakasalan niya si Lily dahil sa pagiging masunurin nito. Pero paulit ulit nitong inuubos ang kaniyang pasensya mula noong gabing iyon. Nakakagalit. Hindi na siya marunong umasal ng disente bilang kaniyang asawa! “Aattend ako ng press conference kasama mo mamayang hapon. Sa sandaling mahirapan ka sa pagsagot ng mga tanong nila, ipasa mo ito sa akin gaya ng itinuro ko sa iyo. Ako na ang bahala sa mga ito.” Binuksan ni Sarah ang dokumento para ilagay ito sa lamesa ni Xavier. “Magdinner tayo mamayang gabi.” Naging mahinahon ang kanyiang boses na nagtanggal sa parang robot niyang tono na kaniyang ginagamit sa trabaho nang magyaya siyang kumain. Inalis naman ni Xavier ang mga negatibong emosyon na binigay sa kaniya ni Lily. Naningkit nang bahagya ang matatalas niyang mga mata habang nahahaluan ng pagkahinahon ang kaniyang boses. “Sige, ikaw na ang bahala kung saan tayo kakain.” Sigurado pa rin siya na gagapang si Lily pabalik sa kanyia kahit na nagkaroon lang sila ng isang hindi pagkakaunawaan. Habang tumatagal ay mas naiintindhan nito ang salitang pagsisisi. Nagpakita si Sarah ng isang mataas na ngiti bago siya tumalikod para umalis ng opisina para hanapin si Timothy. “Mr. Snyder, puwede ka bang gumawa ng reservation para sa amin sa restaurant na kinainan namin ni Xavier at Mr. McKay dati?” Agad na nilabas ni Timothy ang kaniyang phone para gumawa ng reservation. “Maraming salamat sa mga pagsisikap mo nitong mga nakaraang araw. Puwede ka nang umuwi nang maaga mamamaya. Pupunta ako sa restaurant kasama si Xavier mamayang gabi.” Ipinosisyon ni Sarah ang kaniyang sarili habang nakalatag ang kaniyang mga kamay sa lamesa ni Mr. Timothy habang professional siyang nakangiti sa assistant ni Xavier. “Ano?” Itinaas ni Timothy ang kaniyang ulo para tingnan si Sarah. “Sinabi ito ni Mr. Fuller?” Iniling naman ni Sarah ang kaniyang uli. “Hindi, ako ang nagsabi nito. Masyado siyang workaholic kaya siguradong yayayain ka nito na magtrabaho ng late mamaya pagkatapos naming magdinner. Umuwi ka na. Ako na ang bahala sa sandaling hanapin ka niya.” Naging abala siya nitong mga nakalipas na araw kaya hindi na siya nakakakumpleto ng limang oras ng tulog gabi gabi. Agad naman siyang sumangayon dito. “Salamat, Ms. Lynde.” Kahit na direkta siyang nagrereport kay Xavier,alam niya na pa rin na nagkaroon ng hindi pangkaraniwang relasyon sina Xavier at Sarah kaya hindi na siya nagdalawangisip nang sabihin ni Sarah na siya na ang bahala rito. … Dating nakatira sa isang villa sa marangyang eastern district ang pamilya Joyner. Pero agad silang lumipat sa isang three story na duplex apartment nang bumagsak ang kanilang pamilya. Nagkakahalaga pa rin ng ilang milyon ang lugar na ito sa Jadeford dahil mahalaga ang bawat metro ng lupa rito. Pero malayo pa rin ito sa villa na dati nilang tinitirhan. Umuwi si Lily sa kaniyang pamilya pero natuon sa ibang bagay ang kaniyang isipan. “Lily.” Kinakausap siya ng kaniyang ina na si Hazel Johanson para lang masagot nito ng katahimikan. Hindi siya natuwa sa malayong iniisip ni Lily. “Nagaway ba kayo ni Xavier?” Pinilit niya ang kaniyang sarili na makinig habang umiiling siyang sumagot ng, “Hindi.” Agad naman siyang sinagot ni Hazel ng, “Kung ganoon, mayroon pa ring bagay na bumabagabag sa iyo.” “Hindi mo po ito maiintindihan kaya huwag niyo na po akong tanungin.” Nilabas ni Lily ang kaniyang phone para maiwasan ang mga tanong ni Hazel. “Puwede naman akong tumigil sa katatanong pero hindi pa rin nito maaalis ang bagsak mong mukha. Abalang abala si Xavier sa pagtatrabaho buong araw. Siguradong pagod siya paguwi. Masisira mo lang ang mood niya sa sandaling makita niyang bagsak ang mukha mo. Huwag mo siyang bigyan ng negativity na magpapainit sa kaniyang ulo kung wala itong kinalaman sa kaniya!” Agad na inagaw ni Hazel ang phone para ibato ito sa tabi. “Naririnig mo ba ako?”

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.