Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 6

Nakahanda nang tumanggap ng hindi si Lily dahil sa kakulangan niya ng experience pero hindi niya matatanggap ang pagreject sa kaniya nang dahil sa mabababaw na rason. Nasa resume na niya ang lahat ng impormasyong kakailanganin ng recruiter kaya bakit pa magiischedule ng interview ang mga ito kung magiging problema pala ito sa kanila? “Mayroong polisya sa paghihire ang aming kumpanya. Kasal ka pero wala kang anak. Maaari kang magplano na magsimula ng pamilya sa sandaling mahire ka namin. Maternity leave, parental leave… hindi magagawang isustain ng company ang mga empleyado na palaging wala sa trabaho.” Tayo ng interviewer bago niya senyasan ang kaniyang assistant na samahan palabas si Lily. Sinisi ni Lily ang kaniyang suwerte sa nangyari sa interview na iyon nang maisip niya na naroroon lamang siya para mapataas ang numbers ng interviewer. Dito na niya kinuha ang kaniyang mga gamit para umalis. Pero nareject siya sa kaparehong rason sa ikalawa at ikatlong mga kumpanya. Mas matindi pa ang nangyari sa ika apat at ikalimang kumpanya. Sinabihan lang siya ng receptionist na puno na ang role kaya hindi na siya hinayaan ng mga itong mainterview. Agad nitong winasak ang kaniyang confidence. Bumalik siya sa apartment ni Maryanne kinagabihan. Nalanghap niya ang mabangong amoy ng pagkain sa bahay nang humakbang siya papasok dito. Nagsasayaw si Maryanne dala ang isang maliit na chocolate sa kaniyang kamay. “Congratulations, Ms. Joyner! Para ito sa pagkakaroon mo ng trabaho at sa pagiging isang mahusay na designer! Pagsisisihan ni Xavier ang pagpapakawala niya sa iyo!” Napatigil si Lily habang nagpapalit siya ng sapatos habang nagpapakita ng hindi maganda at kahihiyan ang kaniyang mukha. Naramdaman ni Maryanne na mayroong mali kaya nilagay niya sa foyer ang cake sa lamesa bago niya lapitan ang kaniyang kaibigan. “Ano ang problema?” Pilit na ngumiti si Lily habang sinusubukan nitong ayusin ang kanyiang itsura nang umiiling niyang sabihin na, “Para sa wala lang ang pagbili mo ng cake. Wala akong nakuhang trabaho kanina.” “Paano ito naging posible?” nagugulat na tanong ni Maryanne. “Nakapasok ka sa mga interview! Nangangalahati ka na kanina. Graduate ka rin sa isang prestihiyosong college. Nagawa mo ring manalo ng award. Mayroon kang kakayahan kahit na kulang ka sa experience. Siguradong bulag ang mga kumpanya kanina para hindi ka kunin!” Isinuot ni Lily ang kaniyang tsinelas bago niya dalhin at paupuin ang kaniyang sarili sa lamesa. “Malas lang siguro ako ngayong araw. May dalawa pa akong interview sa lunes. Matagal talagang maghanap ng trabaho.” Pero hindi niya naiwasang mapanghinaan ng loob. Kaedad niya lang si Sarah pero ito na ang vice president ng Nova Group habang hirap na hirap siyang makapasok sa isang kumpanya. “Anong mga kumpanya ang magiinterview sa iyo sa Lunes?” Nagliwanag ang mga mata ng nacucurious na si Maryanne habang tumatayo siya para kunin ang maliit na cake mula sa foyer. “Voltis at Lupier.” Kilala ang mga kumpanyang ito sa Jadeford. Disente ang mga kumpanyang pinuntahan ni Lily ngayong araw pero walang wala ang mga ito sa lebel ng mga kumpanyang magiinterview sa kaniya sa lunes. Naramdaman niya na numinipis ang kaniyang pagasa nang maharap siya sa ilang mga rejection ngayong araw pero kailangan niyang panghawakan ang kagustuhan niyang magkaroon ng trabaho. Hindi niya napansin ang kakaibang ikinikilos ni Maryanne habang nadidistract siya sa nangyari ngayong araw. Dinala ni Maryanne ang cake habang nagkukunwari ito na walang problema habang pinapaganda niya ang mood ni Lily. Sumakay naman si Lily sa tawanan at sa small talk para masabi na okay lang siya. Dali daling kinuha ni Maryanne ang kaniyang phone para idial ang isang numero nang bumalik na siya sa kaniyang kuwarto. “Terence, kilala mo ba ang boss ng Voltis o Lupier?” Masyadong malalaki ang mga kumpanyang ito para maabot ng kaniyang mga koneksyon. Tumawag lang siya para humingi ng pabor. Sumagot naman ang isang mahinahon at inaantok na boses ng lalaki sa kabilang linya. “Maryanne, alas tres pa lang ng umaga rito.” Ngumuso naman si Maryanne. “Sino ba ang may gustong manatili ka jan sa abroad ng dalawang taon? Pareho sana ang oras natin kung hindi ka umalis dito. Dali na, tulungan mo na ako. Pupunta sa dalawang ito si Lily sa lunes para mainterview. Kaya mo ba ito gawan ng paraan?” “Sino?” Biglang naging alerto ang boses ni Terence Deveraux sa kabilang linya. “Si Lily? Naghahanap siya ng trabaho? Papayagan ba siya ni Xavier na gawin iyan?” “Huwag mo nang mabanggit banggit sa akin ang pangalan ng asong iyon!” Naiinis na sagot ni Maryanne. “Makikipagdivorce na sa kaniya si Lily. Kailangan niya ng trabaho.” Agad namang nagtanong si Terence ng, “Divorce? A…” Naubusan na rito ng pasensya si Maryanne. “Tumigil ka na sa katatanong! Sabihin mo sa akin kung matutulungan mo ako o hindi!” “Ako na ang bahala,” Buling ni Terence bago nito ibaba ang tawag. “Ano ang ibig niyang sabihin dito?” Naguguluhang tingin ni Maryanne sa nagdidimm niyang screen. Nangangahulugan ba ito na sumasangayon ito sa gusto niya? … Nagising si Lily ng isang tawag kinaumagahan ng Sabado. Hinawakan niya ang phone sa ilalim ng kaniyang unan para sagutin nang hindi tinitingnan kung sino ang tumatawag. “Sino ito?” “Lily, nasa harapan ako ngayon ng bahay ninyo. Gumawa ako ng soup para sa inyo ni Xavier. Kunin mo ito rito.” Napadilat ang kaniyang mga mata nang marinig niya ang boses sa kabilang linya. Tiningnan niya ang screen at napagtanto niya na ito pala ang ama ni Xavier na si Shane Fulton. “Hindi na po dapat kayo nagabalang dalhin iyan dito. Titikman po naming iyan ni Xavier pagpunta namin sa inyo mamayang gabi.” Dali dali siyang tumayo sa kama nang may magulong buhok habang inaayos niya ang magulo niyang isip. Nakaschedule na bumalik sila ni Xavier sa Manor ng mga Fultor para umattend ng family dinner kada Sabado. Mainit namang ngumiti si Shane. “Mayroon kaming pupuntahang dinner ni Tamara ngayong gabi, at wala rin sa bahay si Mom, kaya hindi niyo na kailangang pumunta ngayong araw. Hinanda ko ang soup na ito kanina kaya naisip ko na dalhin na lang ito sa inyo.” “Wala po ako sa bahay ngayon. Puwede niyo po bang iwan na lang ito sa pinto?” Tayo ni Lily sa kama para magpunta sa banyo, nanginginig pa ang kaniyang boses habang nagsisinungaling. Walang wala si Xavier sa kaniyang ama. Isang mahinahon, elegante at approachable na lalaki si Shane. Palagi sila nitong ipinagluluto sa bawat family dinner na dinadaluhan ng lahat kada Sabado. Sa kabilang banda, masyado namang istrikto ang hindi ngumingiting ina ni Xavier. “Sige. Nagiwan din ako ng dokumento na ipapadala ko sa iyo sa Nova Group. Paalalahanan mo si Xavier na alagaan ang kaniyang sarili kahit na gaano siya kabusy, at Lily, maraming salamat sa pagaalaga mo sa kaniya…” Detalyadong ipinaliwanag ni Shane ang lahat. Parang ito na ang naging ina ng pamilya na palaging nagaalala sa kalusugan ni Xavier. Naging maganda rin ang trato niya kay Lily. Naging maganda ang trato ng mga miyembro ng pamilya Fulton sa kaniya. Nasaktan siya nang maisip niya ang tungkol sa divorce. Hindi niya alam kung paano niya ito sasabihin sa kanila. Agad na humigpit ang kaniyang lalamunan nang mabanggit nito ang pagdadala ng isang bagay sa Nova Group. Hindi siya agad na pumayag dito. Masyado pang malinaw ang imahe nina Xavier at Sarah na masyadong intimate sa kaniyang isipan. Wala na siyang intensyon na makita ang dalawang ito muli. Pero hindi naman niya magagawang tanggihan ang ama ni Xavier ngayong ayaw niya ring maisip nito na mayroong problema sa kanilang pagsasama. “Lily, naririnig mo ba ako?” Tanong ni Shane nang mapansin niyang hindi siya sumasagot. Dali dali namang sumagot si Lily ng, “Oo, Shane. Narinig kita. Pupunta na ako ngayon sa Nova Group para dalhin ang dokumento.” Natahimik ng ilang segundo si Shane sa mga sinabi ni Lily bago ito magtanong ng, “Bakit ang aga mo gumising? Mayroon bang problema? Hindi mo ba kasama ngayon si Xavier?” “A… kinailangan lang po ng kaibigan ko ng tulong ko. Busy rin si Xavier kaya ayaw ko na po siyang abalahin.” Hindi niya inasahan na masyadong attentive sa detalye si Shane na muntik nang humuli sa kaniya. Pero mas nagulat siya nang marinig niya ang susunod na tanong nito. “Nandito ang sasakyan mo. Paano ka nakaalis dito?” Ninenerbiyos na napalunok si Lily bago siya dali daling sumagot ng, “Sinundo po ako ng kaibigan ko.” Dito na nabalot ng katahimikan ang linya. At sa wakas, nagsalita na rin si Shane pagkatapos ng isang sandali, “Sige. Hindi mo kailangang magpanic sa akin. Nagtatanong lang ako baka lang mayroon kang itinatagong bagay na hindi mo pa kayang sabihin sa amin.” “Okay naman po ang lahat.” Hingang maluwag ni Lily bago niya ibaba ang tawag. Pagkatapos niyang magpalit ng damit at magayos ng sarili, dali dali siyang nagpunta sa villa na dati nilang tinitirhan ni Xavier para kunin ang thermos at ang dokumento bago siya magpunta sa Nova Group. Sumakay siya ng taxi papunta roon. Hinintay siya ng driver sa labas ng villa bago siya nito ihatid sa Nova Group. Nakita ng driver na dala ni Lily ang thermos at ang dokumento kaya agad itong nagtanong ng, “Iha, katulong ka ba rito?” “Ganoon na nga po.” Naglaman ng pagbaba sa kaniyang sarili ang tonong ginamit ni Lily sa pagsasalita. Napansin niya na nakaparada sa bakuran ang sasakyan na madalas niyang ginagamit. Nababalot na ito ng alikabok kahit na ilang araw pa lang niya itong hindi nagagamit. Hindi magtatagal, magiging isang piraso na lang ito ng walang kuwentang scrap metal. Hahayaan itong kalawangin ni Xavier kaysa ibigay ito sa kaniya. Mukhang mas mababa pa sa katulong ang tingin nito sa kaniya. Nakarating sila sa Nova Group bago pa man niya ito mapagtanto.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.