Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 8

“Bantayan mo si Nellie, uuwi agad ako.” Binaba ni Joshua ang phone at tumayo siya para umalis. “Sandali lang, sandali!” Nang marinig ni Luna na binanggit si Nellie, agad na tumayo si Luna. “Anong nangyari kay Nellie?” Medyo nanginig ang kamay ni Joshua na nakahawak sa pinto. Lumingon siya at malamig niyang sinuri ang mukha ni Luna. Habang nakaharap sa naghihinalang mga mata ni Joshua, huminga ng malalim si Luna. “Ako ang personal na yaya ni Nellie; dapat lang na nagmamalasakit ako sa kanya.” Binuksan ng lalaki ang pinto at pumasok siya sa hallway. “Tara na.” Habang papunta sa Blue Bay Villa, sinubukang magtanong ni Luna tungkol sa sitwasyon ni Nellie. Tumingin sa kanya si Joshua at hinagis sa kanya ang kontrata, “Hindi ka pa niya personal na yaya.” Tinikom ni Luna ang kanyang mga labi, pinirmahan ang kontrata, at inabot sa kanya. “Pwede niyo na po bang sabihin sa akin ang nangyari kay Nellie, Mr. Lynch” Bahagyang sumimangot si Joshua. “Pinuntahan ni Aura si Nellie.” Naramdaman ni Luna na nabasag ang puso niya nang marinig niya ito. Pinuntahan ni Aura si Nellie! Bakit? Si Nellie ang pinakamaliit sa tatlong mga anak niya. Nakuha ng dalawang lalaking kapatid ni Nellie ang ang kalusugan mula sa tiyan ni Luna, kaya’t mukha siyang mallit at mahina nung pinanganak siya. Ito ang unang pagkakataon na humiwalay sa sa nanay niya sa loob ng anim na taon. Hindi mapakali si Luna sa kanyang upuan. Ginitgit ang kanyang ngipin at tumingin siya sa bintana, halata ang pagkabalisa sa kanyang mukha. “Pwede niyo po bang bilisan ang pag drive?” Sa tabi niya, dumilim ang tingin sa kanya ni Joshua. “Ms. Luna, mukhang mas nagaalala ka pa sa kanya kaysa sa pagpapahalaga ko sa kanya, kahit na ako ang tatay niya.” Napatigil si Luna. Napagtanto niya lang na higit pa ang pagpapahalaga niya kumpara sa ibang mga yaya nung pinunto ito ni Joshua. Tinikom niya ang kanyang mga labi. “Pinirmahan ko na po ang kontrata. Simula ngayon, si Nellie na po ang pinanggagalingan ng kita ko, kaya’t natural lang po na nagmamalasakit ako sa kanya.” Ngumiti ng malabo si Joshua habang nakatingin siya kay Luna. “‘Yun lang ba?” Hindi naging kumportable si Luna dahil sa malabong pag uugali ni Joshua. Tumango lang siya at sinabi, “Opo.” Hindi na nagsalita si Joshua tungkol dito. Hindi nagtagal, huminto ang kotse sa Blue Bay Villa. “Sir, nakauwi na rin po kayo!” sa sandali na makahinto ang sasakyan, mabilis na lumapit ang butler. “Kamusta ang sitwasyon sa loob?” ang tanong ni Joshua habang nakasimangot. “Sila po ay…” Bago pa siya matapos sa pagsasalita, biglang bumukas ang pinto ng passenger seat at mabilis na pumunta si Luna sa villa. Parang may amoy ng dugo ang hangin sa loob ng sala. Pagpasok dito ni Luna, nakaupo si Nellie sa isang sulok ng sofa, nakayuko siya, na tila walang buhay. Nakaupo sa harap niya si Aura na may mga mata na puno ng galit. “Nellie!” nawala na ang lahat ng iniisip ni Luna at mabilis siyang lumapit at niyakap ang munting babae. “Ayos ka lang ba?” Nanginginig ang boses ni Luna. “Ayos ka lang ba?” tahimik na yumakap si Nellie sa mga kamay niya. “Ayos lang po ako.” “Sino ka?” tumingin ng malamig at puno ng panlalait ang mga mata ni Aura, na siyang nakaupo sa harap nila. “Isang bagong katulong? Mukha kang isang malanding babae. Sino ang sinusubukan mong akitin?” Tinikom ni Luna ang kanyang bibig sa mga sinabi ni Aura, ngunit wala siyang oras o lakas para makipagtalo dito, kaya’t yumuko na lang siya at tinaas ang baba ni Nellie. “Patingin nga.” “Ayos lang po ako.” makulit na yumuko ang munting babae, ayaw niyang ipakita ito kay Luna. May masamang kutob sa puso ni Luna habang nagngangalit ang kanyang ngipin at muli niyang tinaas ang mukha ng bata. Tulad ng inaasahan. May bakas ng palad sa munting pisngi ng bata; pula at namamaga. Sa sobrang lalim ng bakas ay makikita ang mga detalye ng palad sa mukha ni Nellie! Halata na hindi ito ginawa ng isang bata, at malakas rin ang pagkasampal. Halos lumuha si Luna sa pagkabalisa niya. “Ayos lang po ako,” pinalubag ni Nellie ang loob niya. “Binigyan po ako ng yelo ng butler, kaya’t hindi na po masakit.” Dahil sa mabait na ugali ni anak niya, kumirot ang puso ni Luna na parang bang sinaksak ito. Tumingala siya at humigpit ang mga kamao niya habang tumitig siya kay Aura na nasa harap niya. “Sinampal ko siya.” humalukipkip si Aura na para bang walang pakialam. “Gusto mo bang maghiganti para sa bwisit na ‘yan?” “Sino ang tinatawag mong bwisit?” nagngalit muli kanyang ngipin. Binaba niya si Nellie, tumayo, at lumapit siya kay Aura. “Bata lang siya. Paano mo siya nagawang saktan?! Isang matandang babae na sinaktan ang isang limang taong gulang bata ng ganito, wala kabang konsensya?” Nanunuya si Aura, tumingin siya ng malamig kay Luna. “Hindi ko siya pwedeng saktan dahil bata lang siya? Nararapat lang ‘to sa tiyanak na yan dahil tinatawag niya na tatay ang kung sino sinong lalaki.” Pagkatapos niya magsalita ,lumapit si Luna at sinampal niya sa pisngi si Aura. Pak! May malutong na tunog na mariring sa loob ng sala habang natumba si Aura sa sofa mula sa lakas nito. Nanginig ang ulo niya habang nahirapan siyang tumayo ng ilang saglit. Kinagat ni Luna ang labi niya at tumitig siya ng malamig kay Aura. Noon, minahal niya talaga si Aura. Sa Aura ang batang kapatid niya, kaya’t binigay niya ang lahat para dito. Kahit na nung kinasal siya at walang mahanap na trabaho si Aura, nirekomenda niya ito na magtrabaho sa kumpanya ni Joshua. Biglang resulta, naging personal na secretary ni Joshua si Aura at nagtulungan sila na itulak si Luna sa kamatayan. At ngayon, sinaktan ni Aura si Nellie, at ang isang sampal sa mukha niya ay hindi sapat para mawala ang galit niya! “Ang lakas ng loob mo na saktan ako?!” tumayo si Aura mula sa sofa at galit siyang lumapit kay Luna. “Alam mo ba na ako ang nobya ni Joshua, ang magiging Madam ng pamilyang ito? Gusto mo pa bang magpatuloy sa pagtatrabaho sa bahay na ‘to?! Sige na, palayasin niyo siya!” Nanood ang mga katulong sa malayo, ngunit walang may lakas ng loob lumapit sa kanila. Sinumpa sila ni Aura sa loob at tinawag sila na basura bago siya lumapit para awayin si Luna. “‘Wag po kayong mag away…” narinig niya ang nakakaawang boses ni Nellie sa likod. Tumayo ang munting babae sa sofa at sinubukan siyang pigilan, ngunit dahil sa sobrang balisa niya, natumba siya sa carpet. “Nallie!” nataranta si Luna sa tunog ng pagbagsak ng anak niya. Nung tumalikod siya para tingnan ang sitwasyon, hinawakan ni Aura ang kamay niya at— Pack! Sa isang sampal, nanginig ang loob ng tainga ni Luna, at napuno ng lasa ng dugo ang kanyang bibig. Tumaas ang kamay ni Aura para sa isa pang sampal, ngunit dahil hindi pa siya nagtrabaho ng mabigat sa buong buhay niya, mas mabagal at mas mahina siya kay Luna. Hindi pinansin ni Luna ang katayuan niya bilang isang guest at tinulak niya sa sahig si Aura. Dinilaan niya ang dugo an tumulo sa sulok ng bibig niya. “Gusto mo pa ba?” Tinaas ni luna ang kamay niya at lumipad ito sa direksyon ng mukha ni Aura ng biglang may humawak sa braso niya. Si Joshua. Kasing lamig ng yelo ang ekspresyon niya. “Anong ginagawa mo?” “Joshua, sinaktan ako ng katulong mo!” Sinamantala niya ang posisyon ni Luna at nagmadaling tumayo si Aura at sinipa si Luna ng buong lakas niya. “Ang lakas ng loob mo na hawakan ako! Sino ka ba sa tingin mo?!” Ang matalim na takong sa sapatos ni Aura ay bumaon sa likod ni Luna, kumunot ang noo niya sa sakit nito. “Auntie!” gumapang si Nellie at nag alala itong lumapit at tinanggal ang kamay ni Joshua. “Auntie, ayos lang po ba kayo?” Lumingon si Joshua at may sasabihin sana siya, ngunit agad niyang nakita ang mukha ni Nellie. Halata ang bakas ng isang palad sa munting pisngi ng bata. Dinala niya sa mga braso niya si Nellie habang may malamig at nakakatakot na aura na nanggaling sa kanya. “Sino ang nanakit sayo?”

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.