Kabanata 7
Hindi makapaniwala si Luna at sumimangot siya. “Mr. Lynch, nakikipag biruan po ba kayo sa akin? Ang isang babaeng tulad ko, na kumilos ng nakaka panghinala sa inyo, na ang pangalan ay kinuha mula sa ex-wife niyo, sigurado po ba kayo na tatanggapin niyo ako?”
Alam ni Joshua ang ginawa niya bago siya nilait ni Luna.
Bahagyang kumunot ang mga kilay ng lalaki.
Kung hindi dahil umuwi si Nellie at hindi niya maintindihan ang ugali ng bata, hindi niya isusugal ang pride niya para tanggapin ang kakaibang babaeng ito.
Binasa niya ang tungkol sa babaeng ito habang papunta sa apartment na ito.
Bilang isang babae na umuwi mula sa ibang bansa, wala siyang problema sa pera, ngunit ang unang trabaho na inapplyan niya pagkauwi niya ay ang posisyon ng katulong sa Blue Bay Villa?
Kung hindi si Joshua o ang Lynch Group, sino ang puntirya ng babaeng ito?
“Wow.”
Habang walang progreso sa kanilang dalawa sa pintuan, may gulat na boses na narinig mula sa kapitbahay ni Luna na nasa corridor. “Siya… ay si Mr. Lynch, hindi ba?”
Isang mapalad na businessman si Joshua na laging lumalabas sa financial news. Ilang mga tao lang sa Banyan City ang hindi siya kilala.
Kumunot ang noo ni Joshua ng marinig niya ang boses ng lalaki sa likod niya. Sa sumunod na segundo, hinawakan niya ang braso ni Luna at hinila siya patabi habang pumasok siya sa pinto.
Bang! Sumara ng malakas ang pinto.
May boses ng kaptibahay na maririnig sa labas ng pinto, “Nagkamali ka lang ba?”
“Paano pupunta ang isang VIP na tulad ni Mr. Lynch sa mahirap na komunidad natin at tinanggihan pa siya papasukin ng isang babae?”
“May nobya si Mr. Lynch, at engaged na sila ng limang taon…”
Pakonti konti na nawala ang mga boses.
Nang mawala na ang mga ito, lumingon si Luna kay Joshua habang nakahalukipkip. “May punto sila, Mr. Lynch. Ang isang lalaking tulad niyo ay hindi dapat pumunta sa isang mahirap na komunidad namin.”
Tumingala si Joshua at tahimik niyang tiningan ang mga bagay sa loob ng apartment.
May mga painting sa pader, may mga halaman sa mesa, at may teddy bear na nakaupo sa aparador sa entrance.
Natulala siya at naramdaman niya na parang bumalik siya sa nakaraan—sa nakalipas na anim na taon.
Noong kinasal sila ni Luna, naging busy si Luna sa bahay.
“Dapat tayong magsabit ng mga painting para maging maganda ang lugar!” “May mga halaman dito para may sariwang hangin!” “Maglalagay ako ng maliit na teddy bear sa aparador sa entrance, para maramdaman mo na may bumabati sayo sa oras na pumasok ka ng pinto…”
Bumaba ang tingin ni Joshua at tumingin siya sa babae na may magandang mga mata na tulad ni Luna Gibson.
Ang babaeng io, na ang pangalan rin ay Luna, ay tila sadyang ginagaya si Luna. Mula sa paglalakad niya, sa hugis, sa paboritong mga dekorasyon; ginagaya niya ang lahat!
Madaling malaman ang mga bagay na gusto ni Luna Gibson.
Isang medyo sikat na artist si Luna Gibson at masaya niyang ipinapahayag ang buhay at mga inspirasyon niya sa mga social media sites.
Ang lahat ng lumabas sa internet ay mananatili sa internet. Kung gugustuhin niya, madali niyang malaman ang mga interes at uri ng pamumuhay ni Luna Gibson.
Napatingin si Joshua sa teapot.
Tumawa siya ng walang emosyon habang umupo siya sa sofa. “Mahilig din ba uminom ng kape si Ms. Luna?”
Sumimangot si Luna, tumango lamang siya para sumagot.
Tinaas ni Joshua ang kanyang tasa at sumipsip siya bago lumabas ang isang malamig na ngiti sa kanyang mukha.
Ito ay Arabica, ngunit ang paborito ng asawa niyang si Luna Gibson ay Robusta.
Tumingala si Joshua, dumaan ang mga daliri niya sa labas ng tasa. “Sayang naman, Ms. Luna. Hindi mo lang ginaya ang kilos at pag uugali ng asawa ko, dinisenyo mo rin ang lugar mo na gusto ng asawa ko...
“Pero, nagkamali ka sa kape. Mahilig uminom ng kape ang asawa ko, pero tulad ko, gusto niya ang Robusta. Hindi siya umiinom ng Arabica beans.”
Napahinto si Luna at naintindihan niya na ang ibig sabihin ni Joshua.
Tumawa siya. “Okay, mahilig pala ang ex-wife niyo sa Robusta.”
Noong magkasama sila, aksidente niyang nalaman na gusto ni Joshua ng Robusta, kaya’t sinabi niya na gusto niya rin ang Robusta.
Gayunpaman, hindi niya napansin na mas gusto pala ni Luna ang Arabica beans.
“Tulad ng inaasahan, sinasadya mo ang lahat ng ito.”
Nilapag niya ng malakas ang tasa sa mesa, nanginig ito ng malakas.
Tumitig ng malamig si Joshua sa mga mata niya. “Ginagawa mo ang lahat ng ito para gayahin ang asawa ko, ano ba ang gusto mo? ‘Idol ko siya, kaya’t gusto kong maging katulad niya.’ Ganun ba? ‘Idol kita, kaya’t gusto ko siyang gayahin para matuwa ka.’”
“Alin ba doon ang tama?”
Lumiit ang mga mata ni Joshua. “Kung gusto mo akong lapitan, masasabi ko lang na sumuko ko na.”
Humikab si Luna, tila wala siyang interes. “Dahil hindi mo siya minahal. Kahit gaano ko siya gayahin, hindi ka magiging interesado, tama ba?”
Tumitig ng malamig si Joshua, ngunit nanatili siyang tahimik.
Hindi siya tumigil sa pagtitig at sa halip ay bumukas ang bibig ni Luna at nagpatuloy siya, “Mr. Lynch, sabihin mo nga sa akin: kung gusto matuwa ka sa akin, hindi ba’t gagayahin ko na lang dapat ang nobya mo? Kung kaya ka niyang gawin na nobyo mula sa pagiging bayaw, siguradong malalim ang pagmamahal mo sa kanya.”
‘Malalim ang pagmamahal mo sa kanya.”
Kumunot lalo ang noo ni Joshua dahil sa mga salitang ito.
Pagkatapos ng ilang saglit, tumitig siya kay Luna at binigkas niya ng bawat salita, “Naengage ako kay Aura dahil ito ang huling hiling ng asawa ko.”
“Isa ba ‘tong espesyal na hiling bago namatay ang asawa mo?”
Nakapatong ang isang binti ni Luna sa kanyang tuhod, kalmado ang ekspresyon niya, ngunit sa totoo ay nanginginig siya sa loob!
Noong nakalipas na mga taon, trinato siya ng malupit, ngunit makalipas ang maraming taon, may lakas ng loob pa rin si Joshua na sabihin na ito ay ang huling hiling ni Luna!
Tinibayan niya ang pag hawak niya sa tasa at yumuko siya para sumipsip. “Sa sobrang bait ng asawa mo, kahit sa nalalapit niyang kamatayan, binigay niya pa rin ang asawa niya sa ibang tao.”
Naging malamig ang mga mata ni Joshua.
Tumingin siya ng malamig kay Luna. “Tandaan mo ang lugar mo. Ayaw ko nang marinig ang mga ito sa susunod.”
Pagkatapos sabihin ito, nilabas niya ang kanyang phone at nagdial ng numero.
Hindi nagtagal, pwersahang binuksan ang pinto mula sa labas at pumasok si Lucas at inilapag ang isang dokumento sa mesa. “Ms. Luna, ito ang inyong contract of labor. Kung may bagay na hindi mo gusto, sabihin niyo sa amin, at gagawin namin ang lahat para makinig sayo.”
Kinuha ni Luna ang kontrata at binasa niya ito.
“Ang pagiging katulong ay isang part-time na posisyon ko lang.” tumuro siya sa kontrata at sinabi niya ng mahina, “Pero sa ngayon, ibubuhos ko ang lakas at oras ko sa pag aalaga sa Little Princess.”
Pagkatapos ay tinuro niya ang ilang detalye sa kontrata at nagbigay siya ng solusyon.
Busy sa pag uusap sila Luna at Lucas.
Nanatiling nakaupo si Joshua sa isang sulok, tumingin siya sa nalalayo, hindi siya sigurado sa iniisip niya.
Lumayo ang tingin niya, hindi niya alam kung ano ang iniisip niya.
Makalipas ang kalahating oras, natapos na ang negosasyon sa kontrata.
Kinuha ni Luna ang pen at seryoso niyang isinulat ang kanyang pangalan.
Pagkatapos magsulat, masasabi na nagtagumpay siya sa pagpasok sa Blue Bay Villa.
Pagkatapos pirmahan ang kontrata, tumayo si Joshua para umalis nang nagring ang kanyang phone.
“Sir,” tila balisa ang butler, ang boses nito ay nanggaling mula sa kabilang linya ng phone, “Nandito po si Ms. Aura Gibson! Hinila niya po palabas ng kwarto si Miss Nellie, sinasabi niya na peke daw po siya! Bumalik na po kayo agad!”