Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 5

Sumimangot si Joshua at pinalabas niya si Nellie. “Lucas, dalhan mo siya ng dessert.” Nung sumara ang pinto, pumasok siya sa banyo. Kahit na sinabi niya na pwedeng pumili ng katulong si Nellie, isang bata pa lang siya—ang kakayahan niyang humusga ng mga tao ay hindi kasing talim ng matatanda. Sadyang umuwi ang nag aalalang Joshua para tingnan ito. Sa loob ng banyo, natapos na maglinis ng lababo si Luna at tumalikod siya, napansin niya na may dalawang puting tuwalya sa rack. Tumalikod siya at binuksan niya ang aparador at nakita niya ang isang pink towel na nakasabit. Mahilig sa pink si Nellie. Puno ng singaw at hamog ang banyo, kumilos siya ng pamilyar sa banyo habang busy siya. Naramdaman ni Joshua na parang nananaginip siya dahil sa hugis at mga kilos ni Luna. “Lulu…” sinabi ito ni Joshua at agad na napahinto si Luna. Sa mga sandaling ito, tumalikod si Luna at tumingin siya kay Joshua ng nakangiti. “Hello po, Mr. Lynch.” Bumalik sa katotohanan ang isip ni Joshua nang makita niya ang mukha ng babae. “Ikaw?” Ang babae sa department store kagabi. Bahagyang ngumiti si Luna. “Hello po, ako po si Luna.” Kumunot ang noo niya at tumitig siya kay Luna ng naghihinala. “Anong pangalan mo?” “Ako po si Luna.” “Ano? Luna?” lumiit ang mga mata ni Joshua. Matapos ang ilang saglit, napunta ang kamay niya sa leeg ni Luna at tinulak niya ito sa malamig na pader ng banyo. “Sinasabi mo ba na ang apelyido mo ay Gibson, at ikaw si Luna Gibson?” Tumingin siya ng malupit, malamig ang kanyang boses. “Sadya mo akong binangga kagabi para kausapin ako, at hindi lang ikaw ang yaya ng anak ko ngayong araw, pero ginamit mo rin ang pangalan ng asawa ko? Isang taong tulad mo?” Hindi makapagsalita si Luna dahil sa higpit ng pagsakal ni Joshua sa leeg niya. Nahirapan si Luna, ngunit sa loob, nanunuya siya. Naalala pa rin ni Joshua na siya si Luna Gibson. Inisip ni Luna na nakalimutan na siya ni Joshua pagkatapos mamuhay nito kasama si Aura nitong mga nakalipas na taon! “Daddy!” bumukas ang pinto ng banyo at mabilis na lumapit si Nellie. Kumapit siya at hinila ang binti ni Joshua. “Bitawan mo po siya! Nasasaktan na po siya! Kapag nasaktan po siya, masasaktan din po ako!” Mahina ang katawan ng batang babae, ngunit puno ng galit at pag aalala ang boses niya. Huminto si Joshua bago niya binitawan si Luna. Nang makahinga na si Luna, bumagsak siya sa sahig habang hawak niya ang kanyang leeg at umubo. “Ayos lang po ba kayo?” mabilis na lumapit si Nellie at balisa niyang hinawakan ang dibdib ni Luna. “Malala po ba? Kukuha ako ng doctor!” Pagkatapos, tumalikod si Nellie at tumingin siya ng galit kay Joshua. “Kumuha ka ng doctor!” Tumulo ang malamig na pawis ni Lucas, na siyang nakatayo sa tabi. Sa Banyan City, parang isang Diyos na si Joshua Lynch. Kahit ang karamihan sa mga nakatatanda sa pamilya Lynch ay hindi nagsasalita sa kanya ng ganito, ngunit ginamit ng maliit na babaeng ito ang pagkakakilanlan niya bilang anak ni Joshua para kausapin niya ito na para bang isang katulong o alipin. Bahagyang sumimangot si Joshua, tumalikod siya at tumingin siya kay Lucas. “Kumuha ka ng doctor.” Tahimik na nabigla si Lucas. “Hindi na po kailangan.” Huminga ng malalim si Luna bago siya tumayo. “Hindi po ako mahina para kumuha ng doctor dahil lang dito.” Pagkatapos, lumingon siya at tumingin kay Joshua. “Mr. Lynch, ang pangalan ko po ay Luna. Lu—na. Pasensya na po at pareho kami ng pangalan ng ex-wife niyo, pero wala na po akong magagawa dito. “Para naman po sa nangyari sa department store, aksidente ko lang po talaga kayong nabangga. Para naman po sa pagkuha niyo sa akin bilang katulong…” Tumingin siya ng mahinahon kay Joshua. “Gusto ko lang po ng trabaho na kung saan magaling ako, at nagkataon lang po na napili po ako ng Little Princess. Wala po akong ibang intensyon. Sana po ay hindi niyo na pag isipan ng masyado.” Pagkatapos nito, yumuko siya at nagsalita siya ng mahinay, “Akala ko ba bumaba ka para kumuha ng dessert?” Pagkatapos sabihin ito, kumunot ang mukha ng batang babae. “Masyado pong matamis ang mga dessert dito. Ayaw ko po sila.” “Gusto mo ba ng cookes?” “Opo!” “Magb-bake ako para sayo.” “Okay po!” Hinawakan ng Little Princess ang kamay ni Luna at hinila niya ito ng mayabang. Nang makaratin na sila sa pinto, tumalikod si Nellie at tumingin siya ng seryoso kay Joshua. “Daddy, kapag kinanti niyo po ulit si Auntie… Hindi lang po ako lalayas, irereport ko rin po kayo sa pulis sa pagiging bayolente at mapang abuso!” Sumimangot si Joshua habang nakatingin siya sa direksyon ng dalawang babae—isang matanda at isang bata—habang naglalakad sila palabas ng kwarto. “Ibigay mo ang lahat ng meron tayo kay Luna.” “Opo, Sir.” kabadong tumango si Lucas, ngunit tinawag siya ni Joshua bago pa siya makaalis. “Ang itsura ko ba kanina…” napahinto siya. “Iisipin ba ni Nellie na masama akong tao?” Natutuwa at nalilito si Joshua dahil sa anak niya na lumitaw mula sa langit. Natutuwa siya na malaman na buhay pa si Luna at may anak siya, ngunit nalilito pa rin siya... Hindi niya alam kung paano siya kikilos kasama ang isang batang babae. Ang gusto niya lang malaman ay ang tunay na pagkakakilanlan ng babaeng ‘yun, ngunit nakalimutan niyang mabigay ang mabuting impresyon kay Nellie. “Medyo, oo…” pinunasan ni Lucas ang pawis sa kanyang noo. “Pinili ng Little Princess ang katulong na ‘yun. At nakikita ko na natutuwa siya kay Luna…” Kumunot lalo ang mga noo ni Joshua. Galit siyang tumayo at bumaba ng hagdan. Sa maliit na restaurant sa baba, tahimik na nakaupo ang batang babaeng nakasuot ng pink princess dress habang nakatitig siya sa direksyon ng kusina. “Anong tinitingnan mo?” “Sa cookies ko po.” dinilaan ni Nellie ang mga labi niya, matamis at malambing ang boses niya. “Ang sabi po ni auntie, kailangan pa daw po maluto ang cookies sa oven ng lagpas thirty minutes bago po namin pwede ilabas ‘yun.” Nung binanggit ng anak niya si Luna, sinuri ni Joshua ang paligid. “Nasaan siya?” “Sino?” Tumagilid ang ulo ni Nellie at tumingin siya kay Joshua gamit ang malaki niyang mga mata. “Tinutukoy niyo po ba si Auntie?” Sa cute na ekspresyon niya, hindi napigilan ni Joshua na himasin ang ulo niya. “Oo, siya.” “Si auntie po, siya ay…” Tinikom ni Nellie ang kanyang mga labi bago siya suminghot at umiyak, “Wala na po si Auntie!” Tumulo ang mga luha niya na para bang binuksan ang gripo. “Sinabi niya na ayaw daw ni Daddy sa kanya, kahit na kailangan niya po talaga ang trabahong ‘to, ayaw niya pong mabuhay na pinaghihinalaan at pinapahiya. Kaya’t umuwi na po siya! Uhu, uhu, uhu, uhu!” Pumikit si Joshua. Ang babaeng ‘yun… umalis lang ng ganun? Yumuko siya habang nakatingin ng tahimik kay Nellie, tinanong niya, “Gusto mo ba siyang bumalik?” “Opo!” Suminghot ang babae. “Mali daw ang pagka intindi niyo sa kanya, at kung hindi daw humingi ng tawad sa kanya si Daddy, hindi na daw po siya babalik.” Pagkatapos, tinikom niya ang kanyang bibig. “Kahit na gusto ni Nellie si Auntie, mas importante ang pride ni Daddy.” “Daddy, pwede mo po akong paglutuan ng tanghalian ngayon. Ayaw ko pong kumain ng pagkain na ginawa ng mga katulong. Gusto ko lang po kumain ng mga pagkain na gawa ng mga taong gusto ko. Sa bahay na ‘to, ikaw lang po ang gusto ko, Daddy.” Pumintig ang ugat sa noo ni Joshua. Gusto niya na personal na magluto si Joshua para sa kanya? “Daddy, sobrang gwapo at talino mo po. Madali lang po para sayo na paglutuan po ako, hindi po ba?” Pumikit ang batang babae at tumingin ng seryoso kay Joshua. Napahinto si Joshua, nirolyo niya ang kanyang manggas at pumunta siya sa kusina matapos lamang ang mahabang sandali, Habang nakahiga siya sa mesa, palihim na nilabas ni Nellie ang kanyang phone at kinuhanan niya ng litrato ang lalaking nakatayo sa kusina, sinend niya ito kay Luna.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.