Kabanata 2055
"Gagawin ko ang sinabi mo."
"Ihahatid ko na kayo." Agad na sumakay sa sasakyan si Theo na kanina pa gustong umalis. "Babalik kami ni Bonnie sa bahay ni Joshua sa oras na maihatid ka namin sa lugar ninyo, Sean."
Sumulyap si Sean kay Theo at tumango. "Salamat."
Sumakay na silang tatlo sa sasakyan.
Matatagpuan ang bahay ni Sean sa isang liblib na bahagi ng bayan, napakalayo sa lungsod kaya hindi maiwasan ni Bonnie na isipin na ang lugar na ito ay magiging isang perpektong lugar para kunan ng pelikula ang isang horror film.
Tahimik ang gabi bukod sa mahinang huni ng mga ibon at kaluskos ng mga dahon. Sa wakas, sa direksyon ni Sean, nakarating sila sa kanyang bahay, at ipinarada ni Theo ang sasakyan.
Bumalot sa kanila ang amoy ng kabulukan at amag pagkabukas pa lang nila ng pinto. Nagsalubong ang kilay nina Bonnie at Theo dahil sa pagkasulasok.
Pinisil agad ni Bonnie ang ilong niya. "Paano ka nabubuhay sa ganitong lugar, Sean?"
Tsaka hindi ba sinabi ni Sean na may sakit ang kapatid
Naka-lock na chapters
I-download ang Webfic app upang ma-unlock ang mas naka-e-excite na content
I-on ang camera ng cellphone upang direktang mag-scan, o kopyahin ang link at buksan ito sa iyong mobile browser
I-click upang ma-copy ang link