Kabanata 17
Hindi natakot si Luna sa malamig na tingin ng lalaki habang siya ay tumango. “Naiintindihan ko po.”
Pagkatapos ay umakyat na si Luna, ngunit tumigil siya nung nasa taas na siya ng hagdan. “Pumunta po si Ms. Gibson kaninang umaga at sinira ang mga litrato. Buong araw pong malungkot si Ms. Nellie. Kung hindi niyo po maayos ang relasyon niyo ni Ms. Gibson, at hindi natupad ang mga hiling ni Ms. Nellie, magkakaroon po ng sitwasyon na hindi masaya ang parehong babae.”
Tumingin si Joshua sa likod ni Luna, mas malamig pa ang boses niya kaysa sa hangin, “Sinusubukan mo ba akong turuan kung paano ko harapin ang mga problema ko?”
“Isang payo lang po.” kalmado at walang emosyon ang boses ni Luna. “Kung sabagay, kung hindi po masaya si Ms. Nellie, dadami lang po ang trabaho ko.”
Pagkatapos sabihin ito, nagpatuloy na siya sa pag akyat, ang likod niya na lamang ang nakita.
Nakasimangot ang lalaki habang nakaupo sa sofa at nakatingin sa paalis na hugis ni Luna.
......
Umagang umaga, nakatanggap ng tawad si Aura mula kay Lucas bago pa siya gumising. “Ms. Gibson, nasa baba po ako. Sinabi po ni Mr. Lynch na sunduin ko daw kayo. Gusto niya po kayong makita.”
“Gusto akong makita ni Joshua?!’ tumalon pababa ng kama si Aura sa pagka sabik. Ito ang unang beses sa ilang taon na nilapitan siya ni Joshua ng ganito kaaga.
“Sandali lang. Bababa na rin ako pagkatapos kong maglagay ng makeup!”
Makalipas ang isang oras, si Aura, na may makeup sa mukha at may suot na mahabang dress, ay lumabas at binuksan ang pinto ng kotse.
Sa back seat ng kotse, nakasuot si Joshua ng itim at nakaupo siya habang nakasara ang kanyang mga mata para magpahinga. Nung pumasok si Aura sa kotse, sa sobrang gulat niya ay nanginig ang kanyang boses, “Joshua, hindi ko inaasahan na personal kang pupunta…”
Kalamado siyang siningitan ng lalaki, “Lucas, pumunta tayo sa restaurant.”
Sa loob ng restaurant...
Yumuko si Joshua habang kumakain ng agahan at nagsimula siya, “Sa darating na kalahating buwan, plano kong dalhin ka sa birthday party ni lola. Kung sabagay, anim na taon na kitang nobya. Panahon na para magbago ang katayuan mo.”
Lumiwanag ang mga mata ni Aura.
Tama nga, pinuntahan siya ng maaga ni Joshua dahil may magandang balita!
Natuwa si Aura sa loob, ngunit kumilos pa rin siya ng nahihiya. “Walang problema… I do.”
Tumingin lamang si Joshua ng walang emosyon. “Ia-announce ko sa araw ng birthday party ng lola ko na tapos na ang engagement natin.”
Clang!
Biglang bumagsak sa mesa ang tinidor ni Aura habang nakatingin siya ng gulat kay Joshua. “Joshua, anong ibig sabihin mo?”
Kumain lang ng matikas si Joshua. “Pinangako ko na magpapatuloy ang relasyon natin bilang hindi kasal na magkasintahan, una ay para matupad ang huling hiling ni Luna Gibson. Ikalawa, nung namatay siya, wala na tayong kinalaman sa isa’t isa, kaya’t kailangan mo ng bagong pagkakakilanlan para maprotektahan kita.”
“Sinabi ko rin nung una na kapag may nakilala tayo na mahal natin, pwede nang matapos ang kalokohang engagement na ito.”
Kinagat ni Aura ang kanyang labi. “Pero Joshua, wala pa naman tayong nakikilala na taong mahal natin.”
“Pero bumalik na si Nellie.”
Nilapag ni Joshua ang kanyang kutsilyo at tinidor at tumingin siya ng malamig sa mukha ni Aura. “Dahil nandito si Nellie, ibig sabihin ay hindi namatay si Luna noong nakalipas na anim na taon. Dahil buhay pa ang asawa ko, hindi na dapat magpatuloy ang relasyon natin.”
“Bukod pa doon.” yumuko ang lalaki para uminom ng sabaw. “Hindi kayo nagkakasundo ni Nellie. Sinabi ng katulong kahapon na buong araw na malungkot si Nellie, kaya’t tapos na ang kontrata ngayon.”
Binaba ni Joshua ang mangkok na walang laman. “Sa kaarawan ni lola, inaanounce ko muna ang pagkakakilanlan ni Nellie, at pagkatapos ay iaanounce ko na tapos na ang engagement natin.”
Pagkatapos sabihin ito, tumayo si Joshua at umalis na siya.
Nanatiling nakaupo si Aura, humigpit ang kanyang mga kamao.
Nang makita niya na walang awang umalis ang kotse ni Joshua, nagwala na si Aura at hinagis niya ang lahat ng gamit sa mesa!
Bang! Shing! Clang!
Iniisip niya nung una na isang magandang simula ito dahil nakipagkita sa kanya ng maaga si Joshua, ngunit biglang gusto palang tapusin ni Joshua ang engagement dahil kay Nellie, ang bwisit na batang ‘yun!
Naningkit sa galit ang mga mata ng babae. Kasalanan ito lahat ng bwisit na batang ‘yun!
Hindi siya tratratuhin na ganito ni Joshua kung hindi siya bumalik! Tatlong araw pa lang bumalik ang bata, at ayaw na agad ni Joshua sa kanya!
Kung hindi niya haharapin ang bwisit na batang ‘yun, hindi na siya si Aura Gibson!
Walang lakas ng loob magpakita si Luna Gibson, at sa halip ay pinadala niya ang isang batang babae bilang isang sakripisyo. Eh di sige!
......
Tanghali.
May dalang lunch box si Aura sa gusali ng Lynch Group.
Nung pumasok siya sa opisina ni Joshua, kakatapos lang nito sa isang morning meeting.
Sumimangot ang lalaki. “Anong ginagawa mo dito?”
Ngumiti si Aura at binaba niya ang lunch box. “Para dalahan ka ng pagkain, bayaw.”
Nabigla si Joshua sa salitang ito.
Sumimangot siya. “Bakit ‘yan ang tawag mo sa akin?”
“Dahil buhay ang kapatid ko at matatapos na ang engagement natin, tatawagin na kitang bayaw simula ngayon, tulad ng dati.” ngumiti si Aura at inabot niya ang pagkain kay Joshua. “Pagkatapos natin mag usap kaninang umaga, pinag isipan kong mabuti. Tama ka, hindi ko na nagagawa ang mga tungkulin ko.”
“Kahit na matapos ang engagement natin, bayaw pa rin kita, at pamangkin ko si Nellie, tama ba?”
Tumango si Joshua.
“Sayang nga lang na hindi ako gusto ni Nellie…”
Nagbuntong hininga ang babae at inabot niya ang tinidor kay Joshua. “Bayaw, gusto kong igala si Nellie bukas ng hapon para magbonding kami. Kung sa bagay, nasa isang pamilya lang tayong lahat. Sana hindi magalit sa akin si Nellie,” ang sinabi ni Aura ng tapat.
Nagdalawang isip siya ng ilang saglit, pagkatapos ay tumango siya.
Mabuti naman.
Mula sa pag uugali ni Aura, pinagsisisihan niya na ang mga ginawa niya. Siya si Nellie—ang isa sa kanila ay kapatid ni Luna Gibson, at ang isa ay ang anak niya. Hindi dapat sila nag aaway sa simula pa lang.
“Salamat, bayaw!” sandaling napuno ng kasamaan ang mga mata ni Aura. “Paghahandaan ko na pala!”
Pagdating ng hapunan, sinabi ni Joshua kay Nellie ang desisyon niya.
“Ayaw ko pong sumama sa kanya!” gumulong ang mga mata ni Nellie, makikita sa ekspresyon niya na ayaw niya talaga. “Malupit po siya!”
Nagbuntong hininga si Joshua. “Nellie, tita mo pa rin naman siya.”
Kung nandito si Luna Gibson, hindi niya magugustuhan na makitang mag away sina Nellie at Aura, hindi ba?
Ngunit sa mga mata ni Luna, iba ang ibig sabihin ng kabaitan ni Joshua.
Paulit ulit na sinaktan ni Aura si Nellie, ngunit sinusubukan pa rin ni Joshua na magkasundo si Nellie at si Aura...
Sa puso ng lalaking ito, hindi niya alam kung gaano kahalaga si Nellie, ngunit alam niya na si Aura ang pinakamahalaga para kay Joshua.
Napuno ng kalungkutan ang puso ni Luna.
“Luna.” nawala sa malalim na pag iisip si luna sa biglang pagtawag sa kanya ng lalaki.
Tumingin sa kanya ng kalmado si Joshua. “Sasamahan mo si Nellie bukas. Magpapadala rin ako ng mga ilang gwardya para sundan kayo.”
Nagbuntong hininga si Luna. “Kailangan ko po ba?”
“Hindi dapat ‘to isipin ng isang katulong na tulad mo, alagaan mo lang ng mabuti si Nellie.”
“...Opo, Sir.”
Pagkatapos ng hapunan, bumalik si Nellie sa kanyang kwarto at gumulong siya sa kanyang kama. “Ayaw ko po sumama sa babaeng ‘yun! Konti lang po ang maibibigay kong pagmamahal, at pagkatapos kong ibigay ‘yun kay Mommy, hindi ko na po pwedeng ibigay sa iba!”
Naaliw si Luna sa pag uugali niya, at habang pinapaglubag ang loob ni Nellie, nagtext siya kay Neil.
Isa pang araw ang lumipas ng hindi niya makita ang lalaking anak niya, at namiss niya ang batang ‘to.
[Mommy. ‘Wag po kayong pumunta sa gala ni Aura bukas.]
Habang nakatingin sa laman ng mga message sa phone ni Aura sa kanyang tablet, klaro ang nakalagay dito, [Patayin ang hayop na ‘yun.]
Kahit na walang plano, kinilabutan pa rin ang dibdib ni Neil nang mabasa niya ito.
[Mommy, ‘wag kayong pumunta, naiintindihan niyo ba?!]