Kabanata 16
Hindi nagtagal pagkatapos umalis ang nurse, pinapasok na si Aura sa opisina ni Anne.
“Mag ingat ka sa pagtahi sa sugat ko. Ayaw kong magkaroon ng peklat!” ang malamig na pag uutos ni Aura habang nakasandal siya sa upuan at nanonood ng mga video sa kanyang phone.
Hindi natuwa si Anne sa pag uugali ni Aura, ngunit doctor pa rin siya sa huli. Yumuko siya at nagsimula na siya sa pagtatahi ng sugat ni Aura ng seryoso.
Nang magsisimula na sa pagtahi si Anne, habang nanonood ng drama si Aura sa kanyang phone, aksidenteng natumba si Neil kay Anne.
“Aray!”
Napunta ang daliri niya sa sugat ni Aura. Ginamit niya ang pagkakataong ito para ipahid ang asin na nasa daliri niya, sa sugat ni Aura—
“Argh!” sa sobrang sakit ng naramdaman ni Aura ay namilipit ang mukha niya, at halos napatalon na siya sa upuan. Nagulat si Anne dahil dito.
“Pasensya na po…” mabilis na yumuko si Neil at inamin niya ang pagkakamali niya, “Magandang Auntie, hindi ko po sinasadya. Kasi po… aksidente po akong natumba…”
Namilipit sa sakit ang mukha ni Aura habang nakatitig siya ng malupit kay Neil. “Aksidente? ‘Yun lang?”
“Aksidente lang po talaga.” tinikom ni Neil ang mga labi niya at tumingin siya ng nakakaawa kay Aura. “Magandang Auntie, kung galit po talaga kayo… Pwede niyo po akong bagsakan.”
Malaki ang mga mata ni Aura dahil sa galit. Matanda na siya! At babagsakan niya ang isang bwisit na bata?”
“Pasensya na po, inaanak ko siya. Mahilig po talaga maglaro ang mga bata,” humingi ng tawad si Anne at nagsimula na siya sa pagdisinfect ng sugat ni Aura gamit ang alcohol. “Medyo masakit po ‘to, magtiis lang po kayo.”
Mas lumala ang mga sigaw ni Aura sa loob ng opisina.
Natapos na sa paglinis ng sugat si Anne at nagsimula na siya sa pagtatahi.
Nakatingin pa rin si Aura sa kanyang phone, ang atensyon niya ay nasa palabas. Nasa isang mahalagang eksena na siya sa istorya nang biglang tumunog ang phone niya at sinabi nito na mali daw ang Wifi password niya.
Sumimangot si Aura. “Anong nangyari?”
Sa tabi niya, lumapit si Neil. “Magandang auntie, tulungan ko na po kayo para makuha ang password. Bilang paghingi po ng tawad sa ginawa ko kanina.”
Sinuri ni Aura ang bata, inisip niya na hindi magsisinungaling ang isang bata, kaya’t binigay niya ang kanyang phone.
Nilabas ni Neil ang kanyang phone, mabilis siyang nag log-in sa mobile account ni Aura gamit ang isa pa niyang phone, at kinuha niya ang lahat ng mga message ni Aura.
Nang matapos na siya, dinelete niya ang lahat ng verification information sa phone ni Aura at nilagay niya na ang Wifi password na binago niya para dito.
Mabilis kumilos ni Nigel, at dahil sa edad ng bata, walang malay si Aura sa mga nangyayari.
Kinuha ni Aura ang phone at ngumiti siya ng mayabang. “Sige, pinapatawad na kita!”
Bumalik ng tingin si Neil at ngumiti siya ng kakaiba. “Magandang auntie, ang bait niyo po!”
Dahil sa papuri na binigay ni Neil, umalis na rin ng masaya si Aura.
Nang umalis na si Aura, mabilis na sinara ni Anne ang pinto at dinala niya sa isang sulok si Neil para magtanong, “Bakit ka naglagay ng asin sa sugat niya? At noong nasa restaurant siya, ikaw rin ang rason kung bakit matagal siya sa banyo, tama ba? May problema ka ba sa kanya?”
Humiga ng komportable si Neil sa maliit na kama. “Hulaan niyo po.”
...
Nung gabing ‘yun.
Pagkatapos patulugin ni Luna si Nellie, palihim siyang tumawag kay Neil.
“Sige po. Alam ko na inaalagaan niyo si Nellie, kaya’t hindi ko po kayo inabala.” sa kabilang linya ng phone, parang kalmado lang si Neil. “Ayos lang po ako kasama si ninang.”
“Kayo po ni Nellie…”
Naalala niya kung ano ang nabasa niya sa phone ni Aura—ang pag uusap nila ng kaibigan niya.
Nagbuntong hininga ang batang lalaki. “Mag ingat po kayo dyan. Hindi po mabuting tao ang kabit na ‘yun.” kahit na nakikita niya sa monitor ang laman ng phone ni Aura, hindi nakalagay ang buong buhay nito sa phone, at hindi mokokontrol ni Neil ang lahat ng bagay.
“Alam ko.” nagbuntong hininga si Luna. “Habang nandyan ka sa bahay ng ninang mo, ‘wag kang gumawa masyado ng gulo, naiintindihan mo ba?”
“Alam ko po, hindi na ako isang bata.”
Gumulong ang mga mata ni Neil. “Gusto po ako ng mga nurse sa hospital ni ninang, ‘wag po kayong mag alala.”
Naaliw si Luna sa mature na tono ni Neil na para bang isang matanda nang lalaki, at napangiti siya. Pagkatapos kausapin si Neil ng ilang saglit pa, binaba niya na ang phone at bumalik na siya sa villa.
Sa itaas ng mesa sa sala, may mga piraso ng wedding photos na sinira kanina ni Aura. Sumimangot siya.
Umupo siya sa sofa at maingat niyang inayos ang mga piraso nito. Kahit na ayaw niya itong aminin, ito ang pinakamasayang alaala na meron siya.
Sayang naman...
Habang pinagsasama niya ang mga piraso ng litrato, may mababang boses ng lalaki siyang narinig mula sa hagdan, “Anong ginagawa mo?”
Inalis ni Luna ang mga kamay niya at tumingin siya sa direksyon ng boses.
Nakasandal sa hagdan si Joshua habang nakatingin siya ng malamig sa mga kamay ni Luna.
Mabilis na yumuko si Luna na para bang inaamin niya ang pagkakamali niya, “Pasensya na po. Nakita ko lang ang mga piraso sa mesa. Inisip ko na gusto niyo pong ayusin ang mga piraso, kaya…””
Sumimangot ang lalaki at lumapit ito sa kanya, inagaw nito ang mga piraso ng litrato sa kamay niya. “‘Wag mo nang hawakan ang mga gamit ko sa susunod.” nilapag ni Joshua ang mga piraso sa mesa. “‘Wag mong isipin na matutuwa ako dahil diyan.”
Lumiit ang mga mata ni Luna na parang humihingi ng tawad, ngunit napangiti siya sa tuwa.
Gusto niyang maramdaman ni Joshua na may mga masama siyang intensyon dito. Sa ganito lang hindi pagdududahan ni Joshua ang tunay na pagkakakilanlan niya.
“Aalis na po ako, Mr. Lynch.”
Pagkatapos sabihin ito, tumalikod siya at umakyat.
“Nellie...” umupo si Joshua sa sofa at sumandal siya dito. “Ayos lang ba siya kanina?”
SInabi sa kanya kahapon ng batang babae na isabit ang wedding photo ni Joshua at ni Luna, ngunit sinira ito ni Aura. Nalungkot kaya siya?
“Hindi naman po.” tinalikuran ni Luna si Joshua, bahagyang kumibot ang mga labi niya. “Mr. Lynch, mukhang gusto niyo talaga ang anak niyo.”
Tumaas ang mga kilay ng lalaki at tumingin siya sa babae na palayo, hinintay niya ito na magpatuloy.
Ngumiti si Luna. “Hindi ko po nakita ang litrato ng ex-wife niyo noon, pero bigla po silang dumami. Ginawa niyo po siguro ‘to para pasayahin si Little Princess, tama po ba?”
Lumiit ang mga mata ni Joshua dahil sa mga sinabi ng babae. Tumitig siya ng malamig. “Mukhang interesado ka talaga sa amin ng asawa ko, hindi ba?”
“Talaga po.” ngumiti si Luna. “Ang layunin ko po dito ay pagsilbihan kayo, kaya’t natural lang po na may interes ako sa relasyon niyo.”
Suminghal ng malamig si Joshua. Syempre!
Totoo na pumunta dito ang babaeng ito para maging katulong dahil may layunin siya kay Joshua!
Tumingin siya ng malamig kay Luna. “Tandaan mo, katulong ka lang. ‘Wag mong sabihin ang mga hindi mo dapat sabihin, ‘wag mong gawin ang mga hindi mo dapat gawin. Ang posisyon sa tabi ko ay hindi basta basta makukuha ng kahit sinong may gusto nito.”