Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 15

“Gusto ko pong kumain ng cake ngayong araw!” Sa loob ng kwarto ni Nellie, binuksan ni Nellie ang pinto gamit ang isang kamay at hawak naman ang kamay ni Luna sa kabila. “Yung ube flavor na natikman ko po dati.” Ngumiti si Luna at tumango siya. “Okay.” Bumaba ng hagdan ang mag-ina, babad sila sa pag uusap. Nang makarating sila sa tuktok ng hagdan, nakita ni Luna ang litrato na nasa pader sa tabi ng hagdan. Napahinto siya. Nakita sa litrato ang dati niyang itsura. Nakatayo siya sa tabi ni Joshua habang suot ang wedding dress at nakatingin sa lalaki, puno ang mga mata niya ng pagmamahal sa litrato na ito. Ang mukha naman ni Joshua, ay tulad pa rin ng dati—walang laman at walang ekspresyon. Habang nakatingin sa litrato, naramdaman ni Luna na umakyat ang lahat ng dugo niya. Naalala niya kung paano niya pinili ng maingat ang mga wedding photo nila ni Joshua. Binuhos niya ang lahat ng lakas niya sa kanyang munting proyekto at sinabit niya ito sa lahat ng lugar na pwedeng makita. Inisip niya na isang araw, maiintindihan ni Joshua ang mga damdamin niya para sa lalaking ito. Sa huli, sinampal siya ng katotohanan. Hindi lang nawala sa kanya ang lahat, pero kahit ang… kahit ang itsura niya ay nasira. “Auntie…” nang mapansin niya na napahinto si Luna, kinagat ni Nellie ang kanyang labi at mas naging sigurado siya na ang babaeng nasa wedding photo ay ang Mommy niya. Ganito ang dating itsura ni Mommy. Mukhang kayang tumawa ng masaya ni Mommy... Maingat na pinagmasdan ng batang babae ang reaksyon ni Luna, may bahid ng lungkot sa kanyang puso. Ibang iba ang itsura ni Mommy. Kaya pala hindi siya nakilala ni Daddy. “Ms. Gibson, sinabi ni Sir na hindi na kayo pwedeng pumunta dito.” Sa mga sandaling ito, mariring ang nakakaawang boses ng butler sa baba ng hagdan. “Pinapahirapan niyo po ako.” “Bakit hindi ako pwedeng pumunta dito?” mapagmataas ang boses ni Aura. “Pwede silang tumira dito ng walang problema, pero hindi ako pwede pumunta?” Sinubukang magsalita ng matatag at neutral ng butler at sinagot niya, “Kapag hindi po kayo umalis, wala po akong magagawa kundi tawagin pauwi si Mr. Lynch.” Biglang tumaas ang mga kilay ni Aura. “Anong ibig sabihin mo? Ginagamit mo ba si Joshua para takutin ako? ‘Wag mong kalimutan na ako ang nararapat na Madam sa bahay na ‘to! Kapag napunta ka sa masamang panig ko, pangako ko na pagbabayaran mo ‘to!” Dahil sa mga sinabi ng babae, yumuko ang butler at hindi na siya nakipagtalo kay Aura. Kahit na hindi masaya si Mr. Lynch kay Aura, siya ay ang nobya na higit pa sa limang taon. Hindi magtatagal at ikakasal na rin sila. Nang makita ni Aura na hindi na siya pinipigilan ng butler, muling hinila ni Aura ang wedding photo sa pader at hinagis ito ng malakas sa sahig. “Anim na taon nang patay ang babaeng ‘to, at malas lang ang idadala ng pagsabit ng mga litrato niya!’ “Tigilan mo ‘yan!” Galit na bumitaw si Nellie sa kamay ni Luna at nagmadali siya pababa ng hagdan. Ang sahig ay puno ng mga piraso ng wedding photos. Nabasag ng maraming piraso ang salamin ng photo frame, at inapakan pa ni Aura ang mukha ni Luna Gibson sa mga litrato hanggang sa hindi na ito makita. Habang nakatingin sa kaguluhan, nagsimulang umiyak si Nellie. Gusto niyang lumapit, ngunit pinigilan siya ni Luna. Niyakap ni Luna si Nellie at maingat silang bumaba ng hagdan. Dahil puno ng bubog ang sahig, baka masugatan si Nellie kung hindi siya nag ingat. “Oh, hindi niyo ba matiis tingnan ‘to?” humalukipkip si Aura at tumingin siya ng malamig kay Luna habang karga nito si Nellie. “Hoy, ikaw maliit na bwisit ka, napunta sa pader ang mga litratong ‘to simula nung bumalik ka. Ikaw ba ang nagsabi kay Joshua na isabit ito?” Tumitig ng malupit si Nellie mula sa mga braso ni Luna. “Sinabi ko kay Daddy na isabit ‘yan. Anong problema? Sinabi ni Daddy na si Mommy daw ang Madam ng bahay na ‘to. Mali po ba na isabit ang litrato ng Madam ng bahay?” Muling lumiyab sa galit si Aura dahil sa mga salita ng bata. Kung si Luna Gibson ang Madam ng pamilyang ito, ano naman siya?! Tumitig siya ng malupit kay Nellie. “Inuuto ka lang ni Joshua. Ako ang magiging Madam ng pamilyang ito!” Kinagat ni Nellie ang mga labi niya. “Hindi ikaw! Si Mommy!” “Ako!” Habang nakikinig sa pakikipagtalo ni Aura, tila natawa si Luna sa eksenang ito. Isang anim na taong gulang bata lang si Nellie, ngunit walang tigil na nakikipagtalo sa kanya si Aura. Siya ang nobya ni Joshua, siya ang pinapaboran, at pwede niyang gamitin ito para kumilos siya kung paano niya gusto. Bakit siya nakikipagtalo ng balisa kay Nellie? Kung sabagay, anak lang ni Joshua si Nellie. Paano kokontrolin ng isang bata ang emosyon ng mga matatanda? Habang iniisip ito, ngumiti siya ng maliit, tinaas ang kanyang kamay, at inayos niya ang buhok ni Nellie dahil nagulo ito sa pakikipagtalo. “Hindi ba’t gusto mong kumain ng cake? Dadalhin kita doon.” Nabigla si Nellie, naintindihan niya agad ang ibig sabihin ni Luna na ayaw nito na magpatuloy siya sa pakikipagtalo. Tinikom ni Nellie ang kanyang mga labi. “Okay po.” Pagkatapos nito, tumalikod si Nellie at tumingin siya sa butler na nasa tabi. “Mr. Butler.” mahina ang boses ng batang babae habang nagsasalita, “Sabihin niyo po kay Daddy na ang nobya niya ang sumira sa wedding photo nila ni Mommy. Sabihin niyo po kay Daddy na magprint ng dalawa pa para mapalitan sila!” Mahinahon at cute ang boses ng batang babae, at mabilis na tumango ang butler. “Okay po!” Habang nakatayo sa pwesto, tumingin si Aura sa mukha ng butler. Habang iniisip na pinapalayas siya nito kanina, hindi niya na maitago ang galit sa kanyang puso. Mabilis siyang lumapit kay Luna para pigilan ito sa paglalakad at tumingin siya kay Nellie na para bang nanalo siya. “Ano sa tingin mo ang mangyayari sa akin kapag sinabi mo kay Joshua na sinira ko ang mga litrato na ‘to? Ako ang pinakamahal niya!” “Oh.” mabagal na tumango si Nellie. “Kung mahal ka ni Daddy, bakit hindi siya nagsabit ng litrato niyo sa bahay?” Nabigla si Aura at natulala siya ng ilang saglit. Sinamantala ni Luna ang pagkabigla ni Aura at umalis na siya kasama si Nellie. Ayaw niya na makipagtalo masyado si Nellie kay Aura, hindi dahil natatakot siya dito, kundi dahil ayaw niyang mapahamak si Nellie; kahit na isang hibla ng buhok. Sumara ang pinto ng may malakas ng tunog, umalis si Luna habang nasa mga kamay niya si Nellie. Bumalik sa sarili si Aura at napagtanto niya kung anong nangyari. Galit siyang pumadyak, tumama ang takong niya sa mga bubog sa sahig. “P*ta!” Zip! Tumalsik ang piraso ng bubog at tumama ito sa paa niya, napaaray siya sa sakit. Tumingin siya ng masama sa butler na nakatayo sa tabi. “Dali na at tulungan mo ako!” Mabilis siyang tinulungan ng butler. Nang makapasok siya sa kotse, maingat na tumingin si Aura sa sugat sa kanyang paa at sumimangot siya. “Pumunta tayo sa cosmetic surgery clinic.” May malaki siyang sugat sa paa, at ayaw niyang mag iwan ito ng peklat. ... Sa Cosmetic Surgery Clinic. “Dr. Zimmer!” Nagtatalo sina Anne at Neil tungkol sa kakainin nila para sa tanghalian nang biglang pumasok ang nurse sa opisina ni Anne. “May pasyente po na may sugat sa paa. Nagrequest po siya na ang pinakamagaling na doctor ang gumamot sa kanya.” Tila natatawa si Anne. “Isa akong plastic surgeon.” sinasabi ba nila na gawin ni Anne ang isang simpleng paggagamot ng sugat? “Pero…” tila naging awkward ang nurse. “Mayabang at mapagmataas po ang pasyente, sinabi niya po na siya ang nobya ni Mr. Joshua Lynch at dapat daw po siyang gamutin ng pinakamagaling na doctor sa hospital natin…” Bahagyang sumimangot si Neil. Nobya ni Joshua? Hindi ba’t yung ang kabit na si Aura? Kumurap siya at tinaas niya ang kanyang kamay para hilahin ang manggas ni Anne. “Ninang, wala naman din po kayong gagawin. Bakit hindi niyo po siya papasukin para magpagamot? ‘Wag niyo na pong pahirapan ang nurse.” Tumingin siya ng naghihinala kay Neil. “Kailan ka ba naging mabait, ikaw makulit na bata ka? Tumawa si Neil. “Sabihin na lang po natin na gusto kong pasayahin ang magandang nurse natin!” Pagkatapos itong sabihin, mabilis na ngumiti ang nurse at sinabi, “Salamat, Neil pogi!” Dahil sa pagpipilit nila, wala nang magawa si Anne. Nagbuntong hininga siya, “Papasukin mo na siya.” Tumalikod siya para sulyapan si Neil at nakita niya na kinakalkal ng bata ang kanyang school bag. “Anong hinahanap mo?” “Naalala ko po na may garapon ng asin sa bag ko.” Nabigla si Anne. Bakit nagtatago ng kung ano anong bagay ang batang ‘to sa school bag niya?

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.