Kabanata 12
Nilampasan lamang siya ni Luna at nagpatuloy ito sa pagpunta sa bus stop. “Wala na tayong dapat pag usapan.”
“Walang dapat pag usapan, o natatakot kang makipag usap?” binuksan ni Aura ang pinto at lumabas siya ng pinto, hinawakan niya ang braso ni Luna. “‘Wag mong isipin na hindi ko alam ang iniisip mo!”
“Mas bata ka dapat sa akin. Bata ka pa rin naman para magkaroon ng anak, hindi ba? Ang isang babae na hindi pa nanganak, ngunit desperado na magpaalipin sa isang anim na taong gulang na babae para lang sa ilang libong dolyar sa isang buwan?”
Hinila ni Luna palayo ang braso niya. “Sabihin mo pala sa akin: bakit ko ginagawa ito?”
Lumiit ang mga mata ni Aura.
Magulo ang sitwasyon kahapon kaya’t hindi niya pinansin ang itsura ng babaeng ito. Ngayon at malapit sila sa isa’t isa, nakita niya na makinis ang mukha ng babaeng ito na para bang hinulma ng isang artist.
“Maganda ka, pero dapat mo ring malaman na si Joshua ang nobyo ko. Maipapayo ko lamang sayo na ‘wag ka maging walang hiya at ilayo mo ang tingin mo sa kanya!”
Ngumiti si Luna.
Inisip ba ni Aura na si Joshua ang asawa niya noong nanghimasok siya sa relasyon nila?
Ngayon at baliktad na ang posisyon nila, may lakas ng loob siya na pagbantaan si Luna na ‘wag maging walang hiya?
Kung pagiging isang walang hiya ito, edi matagal nang wala ang pride at dangal ni Aura!
Habang iniisip ito, tumingin siya ng malamig sa mga mata ni Aura. “Paano kapag nagpatuloy lang ako? Anong magagawa mo sa akin?”
Tumingala siya at tumingin siya sa araw sa kalangitan. “Kaya mo ba akong patayin ngayon, sa ilalim ng sinag ng araw?”
“Imposible ‘yun,” nanuya si Aura at pinakita niya ang voice recorder sa kanyang bulsa. “Hindi lang ikaw ang kayang mag record ng mga bagay.”
Lumiit ang mga mata ni Luna. Mabilis siyang matuto.
“Ipaparinig ko kay Joshua ang recording na ‘to. Maghintay ka lang na masisante!”
Pagkatapos, bumalik siya sa kotse habang may mayabang na ekspresyon sa kanyang mukha, pinaandar ang makina at nagdrive na ito palayo, iniwan si Luna na nakatayo at nakasimangot.
Hindi niya inaasahan na nagplano si Aura na magrecord para kay Joshua.
Ngunit, wala lang ito sa kanya. Nagsisimula pa lang ang mga bagay, at wala rin namang tiwala sa kanya si Joshua.
......
Nagmamadaling dinala ni Aura ang recording sa opisina ni Joshua.
Sa loob ng opisina, may hawak na isang transnational international conference ang isang lalaki habang nakaharap sa computer.
“Joshua!”
Kahit na anong subok ni Lucas na pigilan siya, nakapasok pa rin si Aura.
Nagmamadali siyang pumasok. “Alam ko na may mali sa katulong na ‘yun noong unang beses ko pa lang siyang nakita kahapon! May ebidensya rin ako!”
Kumunot ang noo ng lalaki, kasing lamig ng boses niya ang kanyang mga mata, nahirapan huminga ang lahat ng tao sa loob ng kwarto. “Lumabas ka.”
“Joshua, kasi…” magpapatuloy sana siya, ngunit ang mga boses ng mga executive ay narinig niya mula sa computer, “Mr. Lynch, kung hindi ito naaangkop sa oras, pwede nalang natin itong pag usapan sa susunod.”
Napagtanto ni Aura. Siya ba ay… naka abala sa trabaho ni Joshua?
“Sa susunod na lang natin pag usapan.” pinatay ng lalaki ang computer ng may malamig na ekspresyon sa kanyang mukha at tumingin siya sa maputlang mukha ni Aura. “Magsalita ka.”
Tinikom ni Aura ang kanyang mga labi at nag aatubili niyang plinay ang recording.
“Maipapayo ko lamang sayo na ‘wag ka maging walang hiya at ilayo mo ang tingin mo sa kanya!”
“Paano kapag nagpatuloy lang ako?”
“Anong magagawa mo sa akin?”
“Kaya mo ba akong patayin ngayon, sa ilalim ng sinag ng araw?”
...
Nang matapos na ang recording, tumingin si Aura kay Joshua ng tapat. “Joshua, makasarili ang babaeng nag aalaga kay Nellie. May masasama siyang intensyon sayo! Hindi ba’t sinabi mo na hindi mo hahayaan na magtagal ang mga nakakapanghinala na tao sa tabi mo?”
Kinagat ng babae ang kanyang labi at dinagdag niya, “Kahit na ginagawa niya ang nakakabuti kay Nellie, hindi siya tapat na nagmamalasakit kay Nellie. Hindi pwedeng manatili ang ganitong tao.”
“Alam ko.” sumandal si Joshua sa kanyang upuan. “Pero umaasa talaga si Nellie sa kanya. Kakabalik niya lang sa akin, at ayaw ko siyang makita na malungkot. Bukod pa doon, mabuti ang pag aalaga niya kay Nellie.”
Tumahimik ng ilang saglit si Aura. “Sa totoo lang… kaya kong alagaan si Nellie. Kahit anong mangyari, anak si Nellie ng kapatid ko, at magkadugo kami…”
“Ikaw, aalagaan mo si Nellie?” ngumiti si Joshua ng mapanglait. “Paano mo siya aalagaan gamit ang sampal mo?”
Bumalik sa lalamunan ang mga salita na sasabihin dapat ni Aura.
Matapos ang ilang saglit, suminghot siya, “Joshua, tungkol sa kahapon, alam ko na mali ang pagka intindi mo… Pero noong una, hindi ko talaga alam na anak niyo talaga ng kapatid ko si Nellie. Akala ko ay peke lang siya, kaya’t sinampal ko siya…”
Pagkatapos itong sabihin, yumuko siya at tumulo ang kanyang luha. “Tita niya ako, kaya’t kahit gumawa ako ng pagkakamali dahil sa maling pagka intindi, hindi mo pwedeng gawin ‘to sa akin…”
“Kung buhay pa ang kapatid ko, pipiliin niya ako, ang tita ni Nellie, na alagaan ang bata imbis na ang isang manggagaya…”
Talagang malakas at peke ang pag iyak niya, at hindi natuwa dito si Joshua.
Tumingin si Joshua sa kanya. “Marami namang tao na may masamang intensyon sa akin,” ang pangungutya niya. “Noong magkasama kami ni Luna, hindi ba’t may mga lihim na intensyon ka rin? Hindi ba’t hinayaan kitang manatili?”
Pagkatapos sabihin ito, agad na tumigil sa pag luha si Aura. Binuksan niya ang bibig niya at sinubukan niyang magsalita, ngunit walang lumabas.
Nang mabanggit ni Joshua ang insidente, alam niya na patunay ito na hindi kikilos si Joshua base sa mga hiling niya.
Matapos ang mahabang sandali, nagbuntong hininga si Aura, tumalikod, at umalis dahil sa inis.
“Sir.” pag alis ni Aura, kumatok si Lucas sa pinto at pumasok siya, nilapag niya ang isang makapal na dokumento sa harap ni Joshua. “Ang mga impormasyon na ito po na tungkol sa kanya ay nakuha namin mula sa ibang bansa.”
Binuksan niya ang dokumento.
“Mukhang totoo ang lahat ng impormasyon tungkol kay Luna.”
Yumuko si Lucas at pinaliwanag niya ng mahina, “Talaga ngang lumaki, nagaral, at nagtrabaho siya sa ibang bansa, at pumunta lang siya sa bansang ito nung ilang araw na nakalipas. Pero, kilala siyang jewelry designer sa ibang bansa, at kahit na hindi siya isang master, magaling pa rin siya dito.
“Bakit pupunta ang isang tao dito at pumayag na magtrabaho para sa atin bilang isang katulong para kay Little Princess Nellie?”
Lumiit ang mga mata ni Joshua.
Maraming detalye tungkol kay Luna sa file na ito. Masyadong marami.
Sa sobrang detalyado ay kasama rin ang mga importanteng saksi sa bawat pag laki niya, ngunit habang naging mas perpekto ito, mas nakita niya na tila may tinatago ito.
Bahagyang sumimangot ang lalaki. “Magpatuloy kayo sa pag imbestiga. Sinabi niya na kulang siya sa pera, pero medyo malaki ang sahod niya sa pagiging designer sa ibang bansa. Hindi siya kulang sa pera at hindi rin siya mababaw na babae.”
Nagsama ang dalawang kamay ng lalaki at tumingin siya ng malamig sa nalalayo. “Kung ako lang ang personal na pinuntahan niya, edi ayos lang.”
“Natatakot ako na…”
Natatakot siya na may ibang layunin si Luna.
Alam niya na ang babaeng nagngangalang Luna ay hindi isang simpleng tao.