Kabanata 1
Nang bumagsak ang gabi sa California, napuno ang Assex’s residence ng maliwanag na ilaw at masasayang mga ingay.
Ngayon ang kaarawan ni Madame Claire ng pamilya Assex. Sa kabila ng kanyang edad, siya pa rin ang sagisag ng kagandahan at kagandahan. Higit na kapansin-pansin, ang kagandahan at tikas ng kanyang dalawang anak na babae. Ang isa sa kanila ay itinuring na pinakamaganda sa California; at ang isa ay sinabing pinakamaganda sa kanyang college. Hindi mabilang ang mga kalalakihan na naglalaway sa kanilang kagandahan ang sinamantala ang pagkakataon, at binati ng maligayang kaarawan si Madame Claire.
"Madame Claire, pinapakita ko sa iyo, Ang Pearl of the East Sea. Makakatulong ang pagsuot nito sa kutis mo. Maligayang kaarawan!"
“Madame, inihahandog ko sa iyo, isang pares ng mga jade scepters. Hinahangad ko ang walang hanggang pagkabata mo at nawa'y matupad ang lahat ng iyong mga kahilingan."
Habang isa-isang hinandog ang mga regalo sa kanya, hindi maitago ang kasiyahan sa mukha ni Madame Claire. Pakiramdam niya ay sobrang saya niya.
Laking gulat ng lahat, isang binatang nakasuot ng isang sira-sirang maong ang sumugod sa villa na mukhang balisa. Sinabi niya kay Madame Claire, “Ma’am, malubha ang sakit ng aking ina at nangangailangan ng agarang atensyon. Maaari mo ba akong pahiramin ng kalahating milyong dolyar?"
Nagulat ang lahat at napatingin sa binata. Kitang-kita ang pagkasuklam sa kanilang mga mukha. Ang tapang niyang hindi lamang pumunta doong walang dala, ngunit para humingi pa ng kalahating milyong dolyar. Nababaliw na ba siya?
Isang mahinang boses sa madla ang nagtanong, "Sino ang taong ito?"
Mayabang na sinabi ng isang lalaking naka-suit, “Sino pa iyan? Siya si Alex Rockefeller, ang live-in son-in-law ng pamilya Assex. Ang walang kwentang asawa ni Lady Dorothy! Asawa lamang siya sa pangalan, si Lady Dorothy ay isang virgin. Kung hindi, wala sa atin ang makakarating dito ngayon!"
Tumatawa ang lahat ng nasa villa habang tinatapos ang kanyang sinasabi.
Isang magandang binibini ang nakaupo sa sofa at tumingin kay Alex nang may pagkadismaya. Siya ang asawa ni Alex, si Lady Dorothy Assex. Halos isang taon na silang kasal, ngunit ang status ni Alex sa pamilya ay mas masahol kaysa sa isang yaya. Hindi man siya pwedeng pumasok sa kwarto ng asawa niya.
Isang taon na ang nakalipas, sa araw ng kanilang kasal, nasangkot ang mga magulang ni Alex sa isang traffic accident. Ang kanyang ama, si William Rockefeller, ay agad binawian ng buhay; ang kanyang ina ay na-coma hanggang ngayon. Para palalain ang sitwasyon, na-frame ang kanyang ama para sa katiwalian, at ang kanyang kumpanya pati na rin ang lahat ng mga pag-aari nila ay nasamsam. Pinatalsik si Alex mula sa house of Rockefeller. Ang lalaking dating tinatratong isang prinsipe ay nawalan ng saysay sa isang iglap. Natural na kinamuhian siya ng kanyang mother-in-law na mukhang pera hanggang sa kanyang kaibuturan.
Para mabayaran niya ang medical bills ng kanyang ina, kinailangan niyang ibenta ang nag-iisa nilang bahay na legal niyang pagmamay-ari, at hindi pa rin ito sapat para mabayaran ang mga napakataas na fees ng gamutan ng kanyang ina. Sinabihan lamang siya ng ospital na kailangan niyang magbayad ng kalahating milyong dolyar para sa isang kritikal na operasyon kaagad, kung hindi, tatlong araw na lang ang itatagal ng kanyang ina. Naubos na ni Alex ang lahat ng meron siya, wala siyang magagawa kundi pumunta at magmakaawa para humingi ng pera sa pamilya Assex.
Nang makita ang desperadong pagmamakaawa ni Alex, at pinapahiya siya sa harap ng kanyang mga panauhin sa kanyang kaarawan, namula ang mukha ni Madame Claire sa sobrang galit. Kumuha siya ng isang piraso ng kanyang birthday cake at itinapon kay Alex at sinabin, “Basura ka talaga, alam mo lang mamalimos ng para araw-araw. Sa palagay mo ba ay tumutubo ang pera namin sa mga puno? Hindi pa ba sapat na binibigyan ka namin ng stipend na sampung libong dolyar kada buwan? Ang kapal ng mukha mong pumunta dito at mamalilos ng kalahating milyong dolyar? Parang malalim na hukay ang mga medical expense ng ina mo. Hindi na kailangan ng operasyon, maghanda ka na lang para sa kanyang burol!"
Agad na pinakawalan ni Alex ang mahigpit niyang pagkakahawak sa mga kamay.
Sa wakas ay tumayo si Lady Dorothy at nag-abot ng tissue kay Alex. Sinabi niya pagkatapos, "Mom, dapat maging mas sibil ka dito, hindi mo kailangang maging pisikal."
Sa sandaling ito, sinabi ni Beatrice, ang nakababatang kapatid na babae ni Dorothy, na nakangisi, "Ate, bakit mo pa rin pinagtatanggol ang basurang ito? Tingnan mo siya. May na-ambag ba siyang sentimo mula nang dumating siya sa pamilya natin? Nakapagbigay na ba siya ng regalo sa akin ay kay Mom? Wala! Ano pang magagawa niya bukod sa mamalimos ng pera sa ating pamilya? Sa palagay ko ay dapat mo siyang iwan sa lalong madaling panahon. Maraming mga bata, talentado, at mas eligible na mga lalaki dito ngayon. Kahit sino sa kanila dito ay isang libong beses na mas mahusay kaysa sa kanya."
Habang naririnig nila ang mga sinabi ni Lady Beatrice Assex, hindi makapaghintay ang mga binatang nandoon na magsalita.
"Sumasang-ayon ako! Nakakapanghinayang at kinasal si Lady Dorothy sa talunang ito, mas mabuti pang ma-annul na ang kasal!" sabi ng isang binata. "Handa akong pakasalan agad si Lady Dorothy, magbibigay ako ng dote ng mansion sa Beverly Hills na nagkakahalaga ng tatlumpung milyong dolyar at dalawampung milyong dolyar na cash."
Agad na sigaw ng isa, “Tatlumpung milyong dolyar na mansyon sa Beverly Hills? Mukhang iyan ang pinakamurang bahay dito! Handa akong magbigay ng mansyon na nagkakahalaga ng walong pung milyon sa Beverly Hills kung pakakasalan mo ako, Lady Dorothy!"
Sigaw ng Isa pa, “Ako, ako, ako! Basta’t pakakasalan ako ni Lady Dorothy, magiging iyo ang lahat ng bilyun-bilyong assets ng pamilya Jones."
Namutla ang mukha ni Alex sa kahihiyan. Namumutla rin ang mukha ni Dorothy. Nanlumo siya dahil sa mga sumunod na salitang sinabi ng kanyang ina.
Natuwa si Madame Claire na makita ang lahat na nag-aalok ng mga napakataas na dote para pakasalan ang kanyang anak at sinabi, "Mga ginoo, huminahon kayo at makinig sa sasabihin ko. Sa totoo lang, kamakailan lang ay nagka-problema ang anak kong si Dorothy at hindi sinasadyang masagasaan si Sir Gaston Gates ng Thousand Miles Corporation. Nagbanta si Sir Gaston na palulugiin ang aming Assex Construction. Kung sinuman ang handa at kayang tulungan si Dorothy sa gulong ito, bibigyan ko siya ng aking basbas para pakasalan ang aking anak."
Hindi niya binanggit na nais makasama ni Sir Gaston ni Lady Dorothy, kung hindi, itataboy niya ang pamilya Assex palabas ng bayan.
Namuo ang galit ni Alex at malakas na sinigaw, "Hindi ako papayag diyan, asawa ko si Dorothy..."
Sinampal ni Madame Claire si Alex sa kanyang mukha at sinabi, "Sinong asawa mo? Hindi mo ba namamalayan na wala kang saysay? Wala kang karapatang magsalita. "
Tanong niya ulit, "Mga ginoo, ano sa palagay niyo?" Matapos marinig ang tungkol sa banta ni Gaston Gates, ang lahat na nagpapaligsahan para pakasalan si Lady Dorothy ay binago nang husto ang kanilang ugali at hindi na umimik pa. Ang Thousand Miles Conglomerate ay ang nangungunang korporasyon sa California. Nagkakahalaga ng trilyun-trilyong dolyar ng kanilang mga assets. Isang salita lang mula sa pamilya Gates ay maaari nitong baguhin ang mundo. Ang higit na nakakatakot ay si Lex Gunther, ang may-ari ng Thousand Miles Conglomerate, na kilala bilang Lord Lex, at ang Don ng underground world ng California, na may hindi mawaring kapangyarihan at impluwensya. Wala sa kanila ang baliw na kakalabanin ang Thousand Miles Conglomerate para lamang mapangasawa si Lady Dorothy.
Nang masaksihan ang katahimikan ng sandaling ito, bahagyang lumubog ang puso ni Madame Claire at hindi mapakali.
Bigla, may isang nagsabi, "Sige, aayusin ko ang bagay na ito sa Thousand Miles Conglomerate, at kapag tapos na ito, pakakasalan ko si Lady Dorothy."
Nabaling ang mga mata ng lahat sa isang binatang nakasuot ng Giorgio Armani suit na may hindi pangkaraniwang ugali na nakatingalang naglalakad.