Kabanata 7
Hindi natakot si Peter at inambahan niya ng kamao niya si Frank habang sinasabing, "May lakas ng loob ang isang walang kwentang katulad mo na sagutin ako?! Ako na ang magtuturo ng leksyon sayo para sa kapatid ko!"
Biglang sinipa ni Frank ang tiyan ni Peter noong sandaling iyon, dahilan upang tumalsik siya ng parang isang bala.
"Argh!" Namutla sa takot ang girlfriend ni Peter at nagmadali siyang lumapit sa kanya. "Ayos ka lang ba, darling?!"
Sa malapit, ngumiti ng malamig si Vicky.
Sinubukan niyang saktan si Frank? Ang tapang talaga ng hayop na ‘to.
Pagkatapos nun, mas naging interesado si Vicky sa 'Helen' na binanggit ni Frank.
"Hayop ka..." Namilipit ang mukha ni Peter dahil sa sakit ng tiyan niya—pakiramdam niya ay isusuka niya ang mga lamanloob niya!
Nanlilisik ang tingin niya kay Frank, at sinabi niya na, "A-Ang lakas ng loob mo na saktan ako!"
Nanatiling kalmado si Frank. "Palalampasin ko ang ginawa mo alang-alang sa ate mo. Pero ngayong pinutol ko na ang ugnayan ko sa pamilya mo, papatayin kita sa susunod na guluhin mo ulit ako."
Napahinto si Peter nang makita niya ang nakakatakot na mga mata ni Frank at nilunok niya ang lahat ng masasamang salita na sasabihin niya.
Sa halip, bumaling si Peter kay Vicky at sinabi niya na, "Anong ginagawa mo?! Guest ako dito, at sinaktan ako ng lalaking ‘yun! Hindi ba ikaw ang lobby manager?! Kumilos ka na!"
Napatingin sa kanya si Vicky at maya-maya ay napailing si Vicky sa inis.
Kung ganun, mukha siyang lobby manager para sa kanya?
Kung ganun, makikipaglaro siya sa kanya sa pagkakataong ito.
Tinawag ni Vicky ang mga security guard, at sinabing, "Paalisin niyo siya dito."
"Anong ginagawa niyo?! Bitawan niyo ako! Mula ako sa Lane family!" Nagsisigaw si Peter. "Hindi pa tayo tapos! Maghintay ka lang!"
"Ang Lane family? Hindi ko sila kilala. Kahit ang lolo mo kailangang mag-ingat sa mga kilos niya sa harap ko," suminghal si Vicky sa galit. "At wala kang kwenta para sa’kin. Itapon niyo siya sa labas."
Pagkatapos nun, agad na hinagis ng dalawang security guard si Peter palabas ng entrance na para bang isa siyang bag ng basura, dahilan upang masubsob ang mukha niya.
"Kapag nanggulo siya ulit dito, binibigyan ko kayo ng permiso na bugbugin siya," ang sabi ni Vicky sa staff bago siya humarap kay Frank. "Pasensya na sa nangyari, Mr. Lawrence. Ipinapangako ko sayo na hindi na ito mauulit."
Umiling si Frank. "Hindi, wala kang kasalanan."
Ngumiti si Vicky at tumango. "Punta na tayo sa kwarto mo?"
Dinala siya ni Vicky sa elevator at sinamahan niya siya papunta sa kanyang penthouse suite, at umalis si Vicky kasama si Yara pagkatapos nilang kunin ang mga contact details niya.
Tumayo si Frank sa tapat ng glass wall kung saan matatanaw ang buong Riverton.
Bagaman hindi niya inaasahan na maghihiwalay sila ni Helen pagkatapos ng tatlong taon, nagawa na niya ang hiling ng kanyang guro.
At ngayon, oras na upang tuparin ang sarili niyang mga plano.
Noong sandaling iyon, nagsimulang tumunog ang phone ni Frank, at inilabas niya ito at nakita niya na isa itong tawag mula kay Henry Lane, ang head ng Lane family.
Nag-alinlangan siyang sumagot, hindi siya sigurado kung alam ba ni Henry ang tungkol sa paghihiwalay nila ni Helen.
Gayunpaman, hindi nagtagal ay sinagot niya rin ang tawag—-gaano man kababa ang tingin sa kanya ng ibang mga Lane, itinuring pa rin siyang apo ni Henry.
"Hello, Lolo. Kamusta?" Tanong ni Frank.
"Hoy, Frankie!" Ang masayang sinabi ni Henry mula sa kabilang linya. "Nasaan ka ngayon?"
"Ako...? May ginagawa pa ako ngayon. May problema ba?" Ang tanong ni Frank.
Base sa tono ni Henry, hindi pa niya alam ang tungkol sa paghihiwalay nila ni Helen, kaya hindi ito binanggit ni Frank.
"Ganun ba... Pumunta kayo ni Helen dito sa bahay ko mamayang gabi. May maganda akong balita sa inyo!" Ang masayang sinabi ni Henry.
Bumilis ang tibok ng puso ni Frank. “Yung totoo, busy talaga si Helen nitong mga nakaraan,” ang nahihiyang sinabi ni Frank. "Sa ibang araw na lang kaya?"
“Naku, hindi siya busy,” tumawa si Henry. "Ako na mismo ang tatawag sa kanya mamaya. Duda ako na hihindi siya—pumunta ka na lang dito kapag tapos ka na sa ginagawa mo."
Huminga ng malalim si Frank at tumango. "Sige. Pupunta ako diyan kapag tapos na ako."
Sasabihin niya ang totoo kay Henry ngayong gabi pagdating ni Helen!
-
Samantala, sa wakas ay kaharap na nina Helen at Sean si Walter, at agad na sinubukan ni Sean na kaibiganin si Walter sa drawing room.
Noong sandaling maisip niya na nai-set na niya ang tamang mood, ipinaliwanag niya ang dahilan ng pagbisita nila, "Mr. Turnbull... Alam mo kasi, sinabi sa’kin ng isang kaibigan ko na nagkaroon ng malubhang kondisyon ang anak mong babae, kaya bumili ako ng isang 100-year old panacea cap upang gamutin siya."
Noong narinig ni Helen ang sinabi ni Sean, agad niyang inilabas ang velvet box at inilagay niya ito sa harap ni Walter.
Dahan-dahan niya itong binuksan, at agad na kumalat ang mabangong aroma mula sa panacea cap.
Makikita rin sa kintab at hipo nito na hindi ito isang pangkaraniwang halaman.
Gayunpaman, kalamadong tumango si Walter.
Siguro ay magiging masayang-masaya siya noon dahil dito, ngunit ngayong magaling na ang anak niya, wala nang halaga ang panacea cap na ito sa kanya.
Higit pa rito, malinaw na may dahilan kung bakit binisita siya ni Sean kasama ang babaeng ito.
Natural, nagulat si Sean sa naging reaksyon ni Walter nang mapansin niya na hindi interesado si Walter sa panacea cap!
Samantala, masyadong kinakabahan si Helen para magsalita—natatakot siyang magkamali sa harapan ng isa sa mga bigatin ng Riverton.
Gayunpaman, ayaw ni Walter na mag-aksaya ng oras sa kanila at nagtanong siya, "Salamat sa pag-aalala niyo, Ms. Lane. Paano kaya kita mapapasalamatan?"
Agad namang itinaas ni Helen ang mga kamay niya. "Gusto ko lang tumulong. Wala akong balak humingi ng kahit anong kapalit."
Ngumiti si Walter. "Please, huwag ka nang mahiya. Pwede mong sabihin kung ano ang kailangan mo."
Tumawa ng malakas si Sean. "Salamat sa pag-unawa mo, Mr. Turnbull. Ganito kasi ‘yun, nalaman ni Helen na ang pamilya mo ang mamumuno sa isang development project sa kanluran ng lungsod, at gusto sana ng Lane Holdings na magkaroon sila ng partnership sa mga Turnbull."
Sumama ang ni Walter—kailanman ay hindi pa niya narinig ang Lane Holdings!
May kakayahan ba sila upang kunin ang project na ‘yun?
Gayunpaman, nanatili siyang mahinahon habang sinasabi niya na, "May karanasan ba ang Lane Holdings para sa project na ‘to?'
Mukhang natuwa si Helen sa tanong. "Oo naman. Tatlong taon nang partner ng kumpanya namin ang Zurich International."
Namangha si Walter—may partnership ang kumpanya ng babaeng ito sa kumpanya ni Trevor?
Sino ba ang babaeng ‘to? Isa kaya siya sa mga tauhan ni Trevor?!
Natural lang na nagpakita ng paggalang si Walter sa puntong ito—nakaratay pa rin sana ngayon ang anak niya sa kama kung hindi dahil kay Trevor.
Pagkatapos niyang pag-isipan ang tungkol dito, sinabi niya na, "Bakit hindi natin pag-usapan ang mga detalye bukas? Magkakaroon ng isang salo-salo sa Verdant Hotel at magiging masaya ako kung makakadalo ka rin, Ms. Lane."
"Salamat, Mr. Turnbull." Tuwang-tuwa si Helen—malinaw na nagustuhan siya ni Walter!
Pagkatapos nun, nagkwentuhan silang tatlo, at gabi na noong umalis sina Helen at Sean sa Turnbull Villa.
Gayunpaman, hindi maitago ni Helen ang pananabik niya, at nagpapasalamat siya nang husto kay Sean. "Maraming salamat, Mr. Wesley. Sa tingin ko hindi magiging interesado si Mr. Turnbull sa Lane Holdings kung hindi mo binili ang panacea cap na ‘yun."
"Masyado mo naman akong binobola, Helen. Natuwa sayo si Mr. Turnbull dahil nagpakita ka ng tapang," marahang sumagot si Sean. "Gabi na, at nag-book na ako ng matutuluyan natin sa Riverton Tower. Ayos ba sayo ang dinner at movie?"
Agad na nag-alinlangan si Helen.
Dinner at movie? At silang dalawa lang?
Parang date na ‘yun!
Kakahiwalay lang nila ni Frank at wala pa siyang planong magsimula ng isang bagong relasyon…
Nagsimulang tumunog ang phone niya noong sandaling iyon, at agad itong sinagot ni Helen.
"Hello, Lolo... Oh? Oo naman, sige."
Medyo natuwa si Helen pagkatapos niyang ibaba ang tawag. "Pasensya na, Mr. Wesley, pero gusto akong makita ng lolo ko ngayong gabi—sabi niya importante daw, kaya kailangan ko nang umalis. Sa susunod na lang natin pag-usapan yung dinner."