Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 4

Pow! Pow! Pow! Bumugso ang hangin sa kwarto. Malakas at puno ng determinasyon ang mga pag-atake ni Yara, nakipagpalitan siya ng atake kay Frank sa loob ng maikling panahon. Walang intensyon si Frank na saktan si Yara, gayunpaman, sapat lamang ang ginagawa niya upang depensahan ang sarili niya. Bagaman hindi pa naibabalik ni Frank buong lakas niya, hinding-hindi siya matatalo ni Yara. "Tumigil ka na, Yara," ang sabi ni Vicky mula sa kama. Sinunod ni Yara ang sinabi ni Vicky, bagama't tumingin din siya kay Yara ng may sama ng loob. "Yung walanghiyang yun..." "Tama na," ang sabi ni Vicky. "Magpakita ka naman ng respeto—nandito si Mr. Lawrence para tulungan ako." Yung totoo, masama din ang loob ni Vicky kay Frank, dahil guro niya ang tatay ni Yara. Gayunpaman, bilang tagapagmana ng legasiya ng kanyang pamilya at bilang isang martial arts prodigy, dapat siyang manatiling kalmado sa lahat ng oras. Higit pa dito, napansin niya agad na pambihira ang kakayahan ni Frank noong nakipagpalitan siya ng atake kay Yara, at malinaw na hindi niya ginamit ang buong lakas niya. Iyon ang dahilan kung bakit pinatigil niya si Yara—siguradong matatalo si Yara kapag ginamit ni Frank ang buong lakas niya. Natural, hindi sinuway ni Yara ang utos ni Vicky, at tahimik siyang umatras. Pagkatapos ay lumingon si Vicky kay Frank at nagtanong, "Tutal nabanggit mo na ang naging sanhi ng kondisyon ko, Mr. Lawrence, anong klaseng treatment ang gagamitin mo para tulungan ako?" Lumingon din sina Walter at Trevor kay Frank, ngunit nakita lamang nila na yumuko si Frank, hinihimas niya ang baba niya habang nag-iisip at nakakunot ang noo. "Mr. Lawrence, may problema ba?" Ang nahihiyang tanong ni Trevor. "Wala naman, isa lang itong simpleng kondisyon na madaling gamutin," Ang sagot ni Frank habang dahan-dahan niyang inangat ang tingin niya at lumingon siya kay Vicky. "Hindi ko inaasahan na basura pala talaga ang technique na pinag-aralan mo. Makakalakad ka ulit, pero mawawala ang lahat ng pinaghirapan mo... Pero, naayos ko na ang technique na ‘yun, kaya magsanay ka lang sa paraan na ituturo ko sayo at maaabot mo ang peak form mo sa loob ng taong ito." Humigpit ang mga kamao ni Yara habang nakatingin siya ng masama kay Frank. "Kahit na basura ‘to, wala kang laban sa technique ng angkan ko." Maging si Trevor ay nailang—masyadong prangka si Frank! Sana man lang binigyan niya ng kahit kaunting dignidad ang heiress ng Boltsmacker dahil nakatayo siya mismo sa harap nila! Gayunpaman, lumingon si Frank kay Yara at diretsong sinabi na, "Minsan ko lang ito ipapakita. Manood kang mabuti." Habang iniipon niya ang kanyang Ki papunta sa magkabilang kamay niya, nagsimulang pumagaspas ng malakas ang kanyang mga damit. Boom. Humakbang paharap si Frank at bigla siyang sumugod kay Yara na parang isang bala! Ngumiti si Yara—si Frank ang unang umatake. Hindi niya siya pinilit! Inipon niya ang Bolstmacker sa kanyang palad, at agad niyang sinalubong ang pag-atake ni Frank! "Huwag mo siyang saktan, Yara!" Sigaw ni Walter. "Please kontrolin mo ang sarili mo, Mr. Lawrence!" Ang sigaw ni Trevor. Kasabay nito, nakatingin ng maigi si Vicky kay Frank, at napanganga siya. "Y-Yung Boltsmacker ba ‘yun?!" Hindi siya maaaring magkamali lalo na’t mahigit isang dekada siyang nagsanay nito. Ginamit ni Frank ang isang lihim na technique ng mga Quill—ngunit kailan niya ito natutunan?! At habang inoobserbahan ni Vicky si Frank, malinaw niyang nakita na mahigit sa isang libong beses na mas mahusay ang paggamit ni Frank dito kaysa kay Yara! Pow. Sa kabilang banda, namilipit ang mukha ni Yara nang maramdaman niya ang sakit sa kanyang braso noong sinalubong niya ang palad ni Frank. Mistula itong isang napakalakas na alon na kasing bigat ng isang bundok, at tila wala itong katapusan—tumalsik si Yara at sumalpok sa pader sa likod nila! Bang! Namula ang mga pisngi niya habang nagwawala ang kanyang Ki, at halos isuka na niya ang mga lamanloob niya. Dahan-dahang lumingon si Walter kay Trevor na tila nagtatanong kung ano ba talaga si Frank. Napansin ni Trevor ang pagtataka sa mukha ni Walter, ngunit hindi rin niya alam kung ano ang isasagot niya. Gayunpaman, pinunasan niya ang pawis sa kanyang noo at bumuntong hininga siya, nagpapasalamat siya na pinigilan ni Frank ang kanyang sarili. Kung sakaling nasaktan niya malubha si Yara, siguradong magkakaroon sila ng samaan ng loob! Habang nakasandal si Yara sa pader ng may pagkagulat at pagkalito sa kanyang mukha, nagsalita siya, "K-Kailan mo ninakaw ang technique ng angkan ko?" "Noong ginamit mo ‘yun kanina lang," sagot ni Frank. Gulat na gulat si Vicky—isang tingin lang ang kailangan niya? At mas napalakas niya ito sa loob ng napakaikling panahon! Higit na mas mahusay si Frank sa martial arts kaysa sa kanya! Samantala, halos mablanko ang isip ni Yara. Inabot si Vicky ng isang taon, at inabot naman siya ng limang taon upang matutunan ang Boltsmacker, tapos natutunan ito agad ng lalaking ‘to?! Nakakainis! "Hahaha!" Biglang humalakhak si Walter. Hindi siya isang martial artist, ngunit maging siya ay nakita kung gaano kadaling natalo ni Frank si Yara. At nang makita ni Walter na hindi pangkaraniwang tao si Frank, hindi na niya siya minaliit ng gaya ng ginawa niya noong unang dumating si Frank. "Isa kang kamangha-manghang manggagamot at martial artist, Mr. Lawrence! Kita mo, Yara? Hindi mo makikilala ang isang tao hangga't hindi ka nakikipagpalitan ng suntok sa kanya, ngunit makakapaghintay ‘yun sa ngayon... Mapapagaling mo ba ang kondisyon ni Vicky ngayon, Mr. Lawrence?" "Kailangan ko ng acupuncture needles para tanggalin ang mga bara sa ugat ni Ms. Turnbull," sagot ni Frank. "Walang problema—mayroon kami ng lahat ng klase ng mga medical equipment na posible mong kailanganin." Ngumiti si Walter at agad na inutusan ang isang katulong na kunin ito. Pagkatapos makuha ni Frank ang kahon, sinabi niya, "Ngayon, please hubarin niyo na ang mga damit ni, Ms. Turnbull." "Ano?" Nanigas ang ekspresyon sa mukha ni Vicky sa sobrang gulat. "S-Sandali lang," agad ding nagsalita si Walter. "Bakit? Kailangan ba talaga niyang maghubad?" "Kailangan kong buhayin muli ang Ki ni Ms. Turnbull gamit ng forty-nine na acupuncture needles," paliwanag ni Frank. "Hindi ko ‘yun magagawa kung suot niya ang damit niya." Kumunot ang noo ni Walter. "Wala na bang ibang paraan?" "Pwede kong palabasin ang Ki niya, pero hindi ‘yun makakalabas kung suot niya ang damit niya," sagot ni Frank, habang umiiling. "Posibleng dumaloy ito pabalik sa loob ng katawan niya, at mawawalan ng silbi ang panggagamot ko sa kanya." "Walter, tinutulungan ni Mr. Lawrence si Ms. Turnbull," katwiran ni Trevor. "Bilang isang manggagamot, wala siyang gagawing masama sa anak mo." "Sige." Sumang-ayon si Walter ngunit nag-aalinlangan pa rin siya. "Pero engaged na si Vicky..." "Tama na ‘yan," ang sabi ni Vicky habang nakasimangot. "Walang kinalaman ang panggagamot sa'kin ni Mr. Lawrence sa engagement ko." Ayaw na ayaw niya kapag binabanggit ng kanyang ama ang tungkol sa engagement, at ginagawa niya ang lahat upang makawala sa engagement na iyon. Sa katunayan, lalo lang sumama ang loob niya dahil sa mga pagtatangka ng pamilya niya at ng tatay niya na ituro sa kanya ang tungkol sa mga mabuting maidudulot ng isang strategic marriage. At sa ngayon, gusto niyang gumaling sa lalong madaling panahon sa halip na manatiling nakaratay o hayaan ang ibang tao na magdikta sa buhay niya. "Umaasa ako sayo, Mr. Lawrence," sabi niya at lumingon siya kay Yara. "Tulungan mo akong maghubad." Hindi na kumontra pa si Walter, dahil alam niya na masama ang loob ni Vicky. Napabuntong-hininga siya, at tahimik niyang inakay si Trevor palabas ng silid. Lumapit naman si Yara kay Vicky, dahan-dahan niyang inalis ang kanyang kumot—halos hindi naitago ng manipis na puting pajama ni Vicky ang perpektong hubog ng kanyang katawan. Matapos hubaran ni Yara si Vicky, nanlaki ang mga mata ni Frank noong nakita niya si Vicky na nakahiga ng hubo't hubad sa harap niya. Hindi niya mapigilang humanga sa perpektong katawan ni Vicky, at kahit na marami na siyang nakitang katawan ng babae noon, hindi niya maiwasang mapatitig sa kanya...

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.