Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 12

Agad namang nainis si Sean sa sinabi ni Vicky. "Sige na, ganda. Bigyan mo naman ako ng konting credit." Siya ang tagapagmana ng Wesley family, at sinabi sa kanya ni Vicky na hindi siya maikukumpara sa isang basurang tulad ni Frank? Gayunpaman, bumuntong hininga lang si Vicky sa inis. "Bakit ko naman gagawin ‘yun?" Itinikom ni Sean ang mga labi niya, naglabasan ang mga ugat niya habang nakakuyom ang mga kamao niya. "Sasabihin ko ‘to sayo—wala ngang trabaho ang bwisit na ‘yan! Sa tingin mo bakit siya hihiwalayan ni Helen? Ano bang kaya niyang ibigay sayo?! Ni hindi nga siya ganun kagwapo." Tumingin lang si Vicky kay Frank at nagkibit-balikat. "Kailangan lang ni Mr. Lawrence ng panahon. Kailangan lang niya ng isang buwan, at siguradong mahihigitan niya ang pamilya mo." "Haha! Nakakatawa ka talaga!" Tumawa si Sean. Magsisimula siya sa wala at hihigitan niya ang kanyang pamilya sa loob ng isang buwan?! Mangarap siya! Ngumiti si Vicky. "Hindi ako nagpapatawa. Bakit hindi tayo magpustahan? Kapag nahigitan ni Mr. Lawrence ang pamilya mo sa loob ng isang buwan, luluhod ka at hihingi ng tawad." Naningkit ang mga mata ni Sean, interesado siya sa pustahang sinasabi ni Vicky. "Paano kung hindi niya ‘yun magawa?" "Kung ganun, luluhod ako at hihingi ng tawad," ang sagot ni Vicky. "Deal," agad na sinabi ni Sean, para bang nag-aalala siya na baka bawiin ni Vicky ang mga sinabi niya. Tumalim ang mga mata ni Frank kay Vicky at tumalikod siya upang pumunta sa loob ng banquet hall. Pinapalaki niya ang isang maliit na bagay, at wala siyang balak na madamay sa kalokohan nila. "Sandali lang, Mr. Lawrence..." agad na hinabol ni Vicky si Frank at hinawakan ang braso niya. "Pumusta ako sayo. Hindi ba dapat lumaban ka ng konti para sa’kin?" "Hindi ako interesado sa pustahan niyo," ang sagot ni Frank. "So mas gusto mong lumuhod ako sa harap ng baboy na ‘yun?" Ang malungkot na sinabi ni Vicky. Para sa iba, mukha silang nagliligawan. "Frank, pwede ba kitang makausap?" Ang biglang tanong ni Helen. "Sabihin mo na dito." "In private. Tayong dalawa lang." Tumawa ng malamig si Frank. "Kalimutan mo na ‘yan. Mas gugustuhin kong hindi ako pag-usapan ng iba." Pagkatapos nun, tumalikod si Frank para umalis nang hindi lumilingon. Nagulat si Helen dahil napakalamig ni Frank—gagawin niya ang lahat para matupad ang anumang kahilingan ni Helen noon kahit gaano pa iyon kaliit! Ngumisi si Vicky. "Mukhang hindi interesado si Mr. Lawrence na kausapin ka! Mabuti pa sumuko ka na at ituon mo na lang ang atensyon mo sa pag-secure ng project na ‘yun sa Turnbull family." Nagngitngit ang mga ngipin ni Helen sa inis. "Hindi mo kailangang alalahanin ang tungkol diyan." Nagkibit-balikat si Vicky at nagpakita siya ng kampanteng ngiti. "Sa totoo lang, nag-aalala talaga ako na baka hindi mo ito makuha at sa halip ay ipahiya mo lang iyong sarili." Pagkatapos niyang sabihin ang mga salitang iyon, tumalikod siya at sinundan si Frank habang nakatingin si Helen. Yung totoo ay masama ang loob niya at kinuyom niya ang kanyang mga kamao ngunit hindi niya mailabas ang kanyang galit. Hindi man lang tumingin sa kanya si Frank, hindi rin siya nagpaliwanag ng kahit ano tungkol sa babaeng kasama niya. Nakalimutan na ba niya ang tungkol sa tatlong taon nilang pagsasama? Gayunpaman, kampanteng lumapit sa kanya si Sewn. "Huwag kang mag-alala, Helen. Sisiguraduhin ko na luluhod at hihingi ng tawad ang babaeng ‘yun sa loob lamang ng isang buwan." Higitan ang kanyang pamilya sa loob ng isang buwan?! Kalokohan! Gayunpaman, nanatiling tahimik si Helen, dahil pakiramdam niya ay may kakaiba sa nangyayari. Ang kanyang kampanteng ngiti at mahinahon na poise ay tumatak sa isip ni Helen. Hindi niya kayang dalhin ang kanyang sarili nang may ganoong lakas ng loob base sa okasyong ito—talaga bang isa lang siyang p*ta?! "May masama akong kutob tungkol dito..." Bulong ni Helen. - Maraming mga business elite ang nagtipon sa unang banquet hall ng Verdant Hotel. At bilang bida nv gabing ito, hindi maaaring manatili si Vicky sa tabi ni Frank. "Pakiusap maupo ma, Mr. Lawrence. Babalik ako agad pagkatapos kong batiin ang ilang mga bisita." Umiling si Frank. "Gawin mo na lang ang kailangan mong gawin. Huwag mo akong alalahanin." Nagsimula siyang kumain nang walang pakialam—hindi pa niya nakilala ang iba pang mga business elite, kaya wala siyang dahilan para makipag-usap sa kanila. Biglang pumasok sina Helen, Gina, at Sean sa sandaling iyon. Maraming mga business elite ang agad na lumapit sa kanila, at nag-aalok ng mga toast. "Congratulations, Ms. Lane. Ito ang moment mo—siguradong aangat ang Lane Holdings ngayong magaling na si Ms. Turnbull." "Tiyak na makukuha mo ang proyektong iyon ng West City." "Oo, basta wag mo kaming kakalimutan ha?" Inilagay ni Helen ang isang kamay niya sa kanyang labi, itinago niya ang ngit niyai sa ilalim nito. "Naku, masyado niyo naman akong pinupuri. Wala naman talaga akong naitulong." Tuwang-tuwa siya sa loob niya—sa sandaling nakatanggap siya ng balita na gumaling na si Ms. Turnbull, ipinadala niya ang kanyang sekretarya para ipakalat ang balita. Ngayon, ang lahat ay nagkakagulo sa kanya. At sa tulong ng halo ng pagliligtas kay Ms. Turnbull, sino ang magnanakaw ng spotlight mula sa kanya? Gayunpaman, habang sinusundan siya ng mga tao sa front roll, napatingin si Helen sa isang taong nakaupo roon na parang tinik sa kanyang lalamunan. Agad na nagsalita si Sean, "Sino ang nagpaupo sa'yo diyan?! Umalis ka!" Iyon ang pangunahing mesa kung saan uupo ang mga Turnbull, at tanging si Helen lang ang maaaring umupo doon! Ibinaba ni Frank ang buttered rib na hawak niya at pinunasan ang mantika sa kanyang labi. "Sinabi ni Ms. Turnbull umupo ako dito. May problema ka ba dun?" "Hah! Ganun ba?!" Suminghal si Sean sa sa inis. "Marunong ka talagang gumawa ng kwento, ano?" Pinagmasdang maigi ng mga business elite sa likod nila sa Frank. "Sino siya?' "May karapatan ba siyang makilala si Ms. Turnbull?" Agad na sumagot si Sean, "Iyan ang dating asawa ni Ms. Lane, walang kwentang umasa sa kanya ng tatlong taon at ngayon ay narito para manggulo pagkatapos niyang hiwalayan siya!" Agad na nagkagulo ang mga tao, agad silang pumanig sa mga Lane ngayong nasa spotlight sila. "Ano?! May ganun talaga kasamang tao dito?" "Huh, at napaisip pa naman ako kung sino siya." "Halatang isa siyang mahirap. Ni hindi siya marunong gumamit ng kutsilyo at tinidor? Siguradong hindi niya karapatdapat kay Ms. Lane!" Nang makitang galit na galit ang mga tao kay Frank, mabilis na lumapit si Helen at bumulong, "Umalis ka na lang, Frank." Dahan-dahang tumingala si Frank. "Ano, pinapalayas mo rin ba ako?" Kumunot ang noo ni Helen. "Hindi pa ba sapat na ipinahiya mo ang sarili mo?" "Ipinahiya ang sarili ko?" Napabuntong-hininga si Frank. "Sa tingin ko natatakot ka lang na ipahiya ko ang pamilya mo. Naipahiya ko na nang husto ang sarili ko habang kasama kita sa loob ng tatlong taon!" Agad na hinawakan ni Gina si Helen at hinila. "Huwag mo nang sayangin ang oras mo sa kanya! Si Ms. Turnbull na ang bahala sa kanya pagdating niya." Kasabay nito, mayabang na lumapit si Sean kay Frank. "Ang kapal mo talaga bata. Gusto ng lahat na umalis ka na, pero kalmado ka pa ring nakaupo diyan. Maghuhukay na ako ng mapagtataguan ko kung ako sayo." Tiningnan siya ng masama ni Frank. "Hindi kita sasaktan bilang paggalang sa mga Turnbull. Ngayon, umalis ka na." "Haha! Ikaw, sasaktan ako?! Sa tingin ko wala kang lakas ng loob na gawin ‘yun!" Malamig na tumawa si Sean, at lumapit siya para magsalita nang may sapat na lakas upang sila lang ni Frank ang makakarinig ng sinasabi niya, "Hindi ako magsisinungaling sa’yo—nag-book ako ng kwarto sa Spring Spring Hotel para magdiwang kasama si Helen ngayong gabi. Anh ibig kong sabihin, kahit kailan wala pang nangyari sa inyo ni Helen sa loob ng tatlong taon, hindi ba? Hindi ka naman baog, 'di ba? Ayos lang ‘yun. Pwede akong magrecord ng video kapag ginawa namin ‘yun ngayon gabi—" Pak! Biglang tumalim ang mga mata ni Frank, nag-aalab ang kanyang hangaring pumatay nang bigla niyang sinampal si Sean sa mukha! "Wargh!!!" Sumisigaw si Sean habang umikot ang mundo sa paligid niya—tumilapon siya dahil sa sampal ni Frank! Nanahimik ang mga tao at napanganga sila. Hindi nila inaasahan na talagang sasaktan ni Frank si Sean sa banquet ng mga Turnbull! "F*ck!" Namilipit sa galit ang mukha ni Sean habang nagmamadali siyang tumayo, pakiramdam niya ay medyo nakatagilid ang kanyang bibig. "Ayos ka lang ba, Mr. Wesley?!" Ang sabi ni Gina habang namumutla sa gulat, bago siya lumapit kay Frank at inaway niya siya, "Baliw ka ba?! Paano mo nagawang saktan si Mr. Wesley!" Iginalaw lang ni Frank ang kanyang pulso. "Dapat matuwa ka na hindi ko siya pinatay." Nagulat din si Helen sa ginawa ni Frank, at nagalit siya, "Paano mo ito nagawa, Frank?! Humingi ka ng tawad kay Mr. Wesley ngayon din!" Huminto si Frank at humarap sa kanya ng hindi makapaniwala. "Gusto mong humingi ako ng tawad sa kanya? Sinabi mo ba sa kanya ‘yun noong sinulsulan niya ang mga sumisipsip sa'yo na insultuhin ako?" Iniwas ni Helen ang kanyang mga mata, ngunit nagalit pa rin siya, "Nagkamali siya, pero hindi mo rin dapat gawin iyon!" "Pasensya na, pero lagi kong sinosolusyonan ang mga problema ko gamit ng dahas," ang malamig na sagot ni Frank. "Kung hindi mo gusto ‘yun, gumawa ka ng paraan." "Ikaw... Wala ka nang pag-asa," tiningnans siya ng masama ni Helen ng may pagkadismaya. "Dumating na si Ms. Turnbull!" May biglang sumigaw sa karamihan ng mga tao. Habang ang lahat ay agad na tumabi upang magbigay daan, nginingitian at sinisinghalan ni Sean si Frank. "Katapusan mo na. Walang magpoprotekta sa’yo pagkatapos ng ginawa mo..." Gayunpaman, natulala siya nang lumingon siya at nakita kung sino ang nakatayo sa gitna ng karamihan.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.