Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 1527

Ano pa bang hindi kayang harapin ni Madeline pagkatapos ng mga pinagdaanan niya? Naisip din niya kung ano ang sinabi ni Ada sa nanay ni Carter. Totoo nga, biglang nagtanong ang nanay ni Carter, “Ikaw ba ang kabit na tinatago ni Carter sa mundo na pinili niya mismo?” Nagulat si Madeline noong narinig niya ito. Gusto niya sanang sabihin na wala siyang kinalaman sa pagiging kabit ng kung sino o sa pagpili na binanggit ng babae. Subalit, pagkatapos niyang mag-isip ng maigi tungkol sa paninira sa kanya ni Ada, ngumiti lamang si Madeline at tumango. “Oo, Aunty. Sinabi ni Carter na girlfriend niya ako.” “Sinong tinatawag mong ‘Aunty’? Huwag mo na lang basta tawagin ng kung anu-ano ang mga tao!” Ang sabi ng nanay ni Carter. Kahit na mukha siyang galit na galit, makikita pa rin na may pinag-aralan siya sa bawat kilos niya. Kahit na galit siya, mahinahon pa rin siyang tingnan. “Miss, wala akong pakialam kung anong relasyon mo kay Carter, pero bilang nanay niya, hindi ako papayag na pakasa

Naka-lock na chapters

I-download ang Webfic app upang ma-unlock ang mas naka-e-excite na content

I-on ang camera ng cellphone upang direktang mag-scan, o kopyahin ang link at buksan ito sa iyong mobile browser

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.