Kabanata 1 Ikulong Siya
“Hindi ako may gawa niyan. Maniwala ka sakin!” Nakatitig ng maigi si Jane Dunn sa taong nasa kotse. Ang malakas na buhos ng ulan ay tumalsik sa bintana ng kotse, ngunit hindi niya gaanong maaninag ang mukhang nasa kabila ng basang bintana. Nanginig ang katawan ni Jane habang nakatayo sa labas ng pinto, sumisigaw sa kanya sa kabila ng bintana, “Sean! Pakinggan mo naman ako!”
Biglang bumukas ang pintuan, ngunit bago pa matuwa si Jane, siya ay walang pasintabing hinagis papasok sa kotse . Siya ay bumagsak sa kanyang katawan, biglang nabasa ang kanyang malinis na puting damit.
“Sean, hindi ako ang siyang nagutos sa mga taong iyon na saktan si Rosaline...” Ng sinabi ni Jane ang mga salitang iyon, isang mahabang manipis na daliri ang dumikit sa kanyang baba. Ang kanyang kakaibang malalim at nakakaakit na boses ay nagsalita sa taas ng kanyang ulo.
“Ganoon mo ba talaga ako kagusto?”
Ang kanyang malamig na boses at ang mahinang amoy ng sigarilyo—ang kanyang amoy.
“Ano?” Nataranta si Jane ng kaunti. Ang lahat at ang kanilang mga magulang ay alam na gusto niya si Sean, kaya bakit naman siya biglang tinanong tungkol dito ngayon?
Hawak niya sa isang kamay ang baba ni Jane, habang ang kanyang kabilang manipis at malakas na kamay ay papalapit sa kanya. Ang kanyang mga daliri ay dahan-dahang dumampi sa kanyang mga pisngi, basa at malamig dahil sa ulan. Si Jane ay nalunod sa kanyang mga mainit na mga mata, tuluyan ng nawala sa kanyang sarili. Halos marinig na niya na tinatanong siya, “Nilalamig ka ba?”
Subalit, ang lalaki ay biglang nagpakita ng malamig at masamang aura, sinabi ng walang pakialam, “Jane Dunn, talaga bang ganun mo ako kagusto? Na kaya mong patayin kahit si Rosaline?”
Isang pakiramdam ang gumapang mula sa ilalim ng kanyang puso, kumalat papunta sa kanyang mga paa’t kamay. Nagising bigla si Jane at hindi niya mapigilan na pabirong ngumiti sa sarili niya… Siyempre, siyempre hindi niya ito pagmamalasakitan tulad ng ganito. Hindi ito paglambing o ano pa man, tanging isa lang itong pakitang kilos.
“Hindi ko sinasadyang patayin si Rosaline...” Gusto niyang ipagtanggol ang kanyang sarili.
“Tama ka diyan. Hindi mo sinadyang patayin si Rosaline, inutusan mo lang ang ilang tao para magahasa siya at mapagdiskitahan siya.” Galit at irita ang nagsimulang lumitaw sa mga mata ng lalaki. Hindi man lang binigyan ng oras na magpaliwanag, hinablot niya ito at pinunit ang kanyang mga damit.
“Ah~!”
Dahil sa sigaw na iyon, si Jane ay bayolenteng tinulak palabas ng kotse. Nalaglag siya ng malakas sa ulan, habang ang malamig na boses ng lalaki ay talagang rinig niya lalo na dahils sa lamig ng ulan.
“Jane Dunn, o Miss Dunn, gagawin ko mismo ang ginawa mo kay Rosaline. Ano ngayon ang pakiramdam ng halos nakahubad na?”
Swoosh!
Itinaas ni Jane ang kanyang ulo ng mabilis, nakatingin sa kotse ng puno ng pagkagulat. Ang lalaking nakaupo sa loob na nakatingin sa kanya mula sa itaas. Kumuha ito ng panyo at pinunasan ang kanyang mga daliri ng mabagal, sinasabi, “Talagang pagod na ako ngayon, Miss Dunn. Iwan mo na ako.”
“Sean! Pakinggan mo naman ako! Hindi ko talagang...”
“Kung gusto mo talaga akong makinig, sige.” Malamig na itinaas ng lalaki ang kanyang tingin at lumingon sa kanya. “Kung handa ka na lumuhod sa harap ng Stewart Manor ng buong gabi, Miss Dunn, Maaari kong ikunsidera na bigyan ka ng sampung minuto ng aking oras. Kung ako ay nasa magandang kalagayan, siyempre.”
Ang pintuan ng kotse ay sumara at ang panyo ay itinapon palabas ng kotse, umikot ang kotse sa harapan ni Jane at nabasa siya ng tuluyan sa tubig ng ulan.
Binaba ni Jane ang kanyang ulo at kinuha ang panyo sa ulan, mahigpit na hinawakan ito sa kanyang kamay.
Ang kotse ay nagtungo papunta sa Stewart Manor at ang magandang bakal na gate ay sumara sa harapan niya ng walang anumang bahid ng awa.
Sa ilalim ng ulan, namutla si Jane. Matagal na siyang nandoon bago determinadong itinaas ang kanyang ulo, naglakad patungo sa main gate ng Stewart Manor. Ang kanyang mga labi ay mahigpit na magkadikit, pagkatapos ay nalaglag siya sa kanyang mga tuhod ng malakas.
Siya ay nakaluhod!
Ngunit hindi para magbayad sa isang krimen!
Ito ay dahil lamang si Rosaline Summers ay kanyang kaibigan! Dahil namatay ang kanyang kaibigan, natural lamang para sa kanya na lumuhod. Hindi ito dahil sa siya ang pumatay kay Rosaline tulad ng inaakala ng lahat!
Siya ay nakaluhod!
Nagmamakaawa siya sa lalaking ito na bigyan siya ng sampung minutos, para pakinggan siya!
Ang kanyan damit ay punit-punit. Tinatakpan niya ang kanyang katawan gamit ang kanyang mga kamay, ngunit ang kanyang likod ay diretso. Marangal siya at mananatili siyang marangal kahit na nakaluhod pa! Mayroon siyang pride at dignidad. Siya ay si Jane Dunn of the Bund!
Matigas na ulo siyang nakaluhod, para lang sa pagkakataon na makapagpaliwanag. Hindi niya ginawa ang kahit na anong binibintang nila sa kanya at hindi niya kailanman aaminin ang bagay na hindi niya naman ginawa!
Subalit, talaga ba na magkakaroon siya ng pagkakataon na iyon?
Talaga bang maipapaliwanag niya ang kanyang sarili?
At saka… Mayroon kayang maniniwala sa kanya?
Ang ulan ay lumakas pa lalo, hindi man lang humihinto kahit saglit.
…
Dumaan ang gabi.
Si Jane ay nananatiling nakaluhod sa labas ng Stewart Manor sa gitna ng malakas na pagbuhos ng ulan.
Nabasa na ng tuluyan ng ulan ang kanya damit. Nakaluhod na siya sa labas ng isang buong gabi.
Lumitaw na ang araw at ang mansyon ay nagbalik na muli sa buhay matapos ang gabi ng katahimikan. Ang matandang puting buhok na butler ay lumabas na sa bakuran, may hawak na lumang payong.
Ang mga bakal na pintuan ay nagbukas ng maingay matapos ang isang gabi ng hindi kumikilos, ang dalawang hati nito ay nagpakita ng agwat sa gitna. Si Jane ay kumilos na sa wakas, itinaas ang kanyang nakayukong ulo at binigyan ang matandang butler sa pagitan ng mga pintuan ng isang maputlang ngiti.
“Miss Dunn, hinihiling ni Mr. Stewart na umalis ka na dito.” Ang buhok ng butler ay maayos na nakasuklay, walang kahit isang hibla na wala sa lugar kahit na sa gitna ng maulang panahon. Siya ay strikto at maayos tulad ng mga halaman sa hardin, inaalagaan at inaayos ng isang propesyonal na hardinero. Ang matandang butler ay nagbato ng isang set ng damit kay Jane.
Iniabot ng mga kamay ni Jane ang mga ito, nakababad ng isang gabi sa ulan at umiling siya habang sinusuot ang mga damit. Naghiwalay ang walang mga dugong labi niya at sinabi sa magaspang ngunit determinadong boses, “Gusto ko siyang makita.”
Ang matandang butler ay hindi man lang natinag, inulit ang mga sinabi ng may-ari ng mansyon, “Sinabi ni Mr. Stewart na ang presensya mo dito, Miss Dunn, ay nakakadumi sa hangin sa paligid ng mansyon. Gusto niyang umalis ka sa kanyang paningin.”
Hindi kailanman nagpakita ng kahit anong bahid ng kahinaan si Jane simula ng mangyari ang mga masasamang bagay. Ngayon, gayunpaman, hindi na niya mapanatili ang kanyang pagpapakitang tao. Ang kanyang mga balikat ay nanginig, sumuko na sa sakit na nararamdaman ng kanyang puso.
Pinikit ni Jane ang kanyang mga mata, ang mga patak ng ulan sa kanyang mukha ay ginagawang mahirap malaman kung ito ay iyak o ulan na nagmumula sa gilid ng kanyang mga mata. Ang matandang butler ay nakatingin sa kanya ng walang pakialam. Binukas ni Jane ang kanyang mga mata at itinaas ang kanyang ulo, nakatingin sa butler sinabi niya. “Mr. Summers, hindi ko alam kung ano ang iniisip mo, ngunit sinusumpa ko hindi ko kailanman inutusan ang mga taong iyon para atakihin si Rosaline. Kahit ano pa man, hindi ko matatanggap ang iyong galit ng walang rason.”
Kahit na pagod na si Jane, sinabi pa din niya ang bawat salita ng malinaw at eksakto… Ito ay isang babae na mayroong pride, kahit na handa niya itong baliin ng pansamantala.
Ang matandang butler ay nagkaroon na ng reaksyon maliban sa pagtingin sa kanya na parang wala siya doon. Ang kanyang grey na kilay ay nakakunot at nakatingin siya kay Jane na puno ng galit. “Anak ko si Rosaline at siya ay mabait at masunuring babae. Hindi siya kailanman pumunta sa isang lugar na kasing gulo at dumi tulad ng isang nightclub, ngunit ano pa man ang nangyari nauwi siya sa isa sa mga lugar na iyon na may mga walang kwentang tao, kung saan inatake siya sa kanyang kamatayan.”
“Miss Dunn, tinignan namin ang kanyang messages. Bago ang pangyayari, tinawagan ka niya at nagpadala ng text, na nagsasabi, ‘Dumating na ako sa Nightlight. Asana ka, Jane?’.”
Ang tingin ng matandang butler kay Jane ay puno ng matinding galit. “Miss Dunn, Hindi isang pusa o aso ang iyong pinatay. Isang buhay na nilalang iyon! Patay na siya ngayon, ngunit tinatanggi mo pa din na aminin ito! Alam ng lahat na gustong-gusto mo si Mr. Stewart, samantalang si Mr. Stewart ay nakatingin lang sa anak kong si Rosaline. Ayaw niya sayo ng tuluyan! Ikaw ay malinaw na naiinggit kay Rosaline at nahuhumaling kay Mr. Stewart. Iyon ang dahilan bakit mo gustong magahasa si Rosaline. Wala talagang hangganan ang kasamaan mo, Miss Dunn!”
Wala ng masabi pa si Jane sa mga salitang iyon. Si Rosaline Summers ay anak ni Mr. Summer at minamahal na tunay ni Sean, samantalang si Jane mismo ay isa lamang maliit na karakter na nagkagusto kay Sean. Ngayon na patay na si Rosaline, kaya si Jane ay lalong naging maliit na karakter kaysa noon. Isa na siyang maliit na kontrabida.
“Pakiusap umalis ka na, Miss Dunn,” Sabi ng matandang butler. “Ay, oo nga pala, sabi nga pala ni Mr. Stewart na sabihin ko sayo ito.”
Biglang napatingin si Jane sa matandang butler.
“Sabi ni Mr. Stewart, ‘Bakit hindi na lang ikaw ang namatay?’”
Nakaluhod pa noon si Jane sa lapag, ngunit ngayon ang kanyang katawan ay nagsimulang manginig din. Mayroong matalas at matinding sakit sa kanyang dibdib.
Tumalikod ang matandang butler, ang kanyang tuyo at kulubot na mga labi ay napangiti sa isang gilid. Ito ay nagbigay sa kanyang konserbatibong itsura na magmukhang masama at walang awa.
Pinatay ni Jane si Rosaline at ito ay nagpagalit sa kanya. Galit siya sa kawalang-awa ni Jane.
Itinayo ni Jane ang kanyang katawan, na siyang nanginginig na sa lamig. Nakatayo na siya, nabigla, ngunit nang makatayo na, ang kanyang manhid na mga paa ay bumigay at lumagapak siya ng malakas sa aspaltong kalsada, una ang pwet. Binigyan ang kanyang sarili ng isang makasariling ngiti… ‘Bakit hindi na lang ikaw ang namatay?’
Mukha nga na ang bagay na iyon ay sasabihin ng taong iyon. Ngumiti si Jane, ngunit mukha itong mas malala kaysa sa mapangutyang ngiti. “Rosaline, o, Rosaline... Ang iyong kamatayan ay ginawa akong public enemy number one.”
Sa ikalawang palapag ng Stewart Manor, isang lalaking may mahaba at matipunong katawan ang nakatayo, ang kanyang mga malalapad na balikat at manipis na balakang, Ang kanyang itim na balabal ay nakabalot sa kanya at nakatayo ng nakayapak, ang kanyang matangkad at matipunong katawan ay nakatayo sa harapan ng bintana. Ang kanyang malamig na titig ay nakatungo sa anino ng isang likod sa labas ng mansyon.
“Mr. Stewart, inulit ko ang iyong bawat salita kay Miss Dunn, tulad ng iyong hiling.” Ang matandang butler ay nakatayo ng tahimik sa labas ng kanyang pintuan papunta sa master bedroom matapos niyang paalisin si Jane.
Inikot ni Sean ang baso ng red wine sa kanyang kamay. Matapos lamang niyang marinig ang ulat ng butler na malamig niyang binigay ang sumunod na mga utos, “Sabihin mo sa mga Dunn na kailangan nilang mamili. Kung pipiliin nila na panatilihin siya, magpaalam na sila sa kanilang negosyo. Kung gusto nilang panatilihin ang kanilang negosyo, kinakailangan nilang itakwil siya.”
“Masusunod, sir.”
“Sunod, sabihan ang S University na wala silang taong nagngangalang Jane Dunn sa kanilang mga talaan. Sabihan ang No. 1 High na si Jane Dunn ay expelled dahil sa pakikipag away habang nag aaral siya doon. Ang kanyang pinakamataas na qualipikasyon ay ang kanyang junior high graduation.”
“Masusunod, sir.”
“Huli sa lahat...” Malamig na sinabi ni Sean Stewart, “Ipakulong siya.”
Biglang itinaas ng matandang butler ang kanyang ulo, mukhang nagulat sa sinabi niya, “Mr. Stewart?”
“Buhay para sa buhay. Inutusan niya ang iba para pumatay ng isang buhay na nilalang, kaya ipapakulong ko siya at panatilihin siya sa likod ng rehas ng tatlong taon. Anong problema? Tingin mo ba mali ang desisyon ko, Summers?” Ang sentensya ng tatlong taon ay ang bagay na napagdesisyunan ni Sean ng magisa. Wala silang sapat na ebidensya sa ngayon, ngunit sigurado si Sean dahil sa kanyang galit.
“Hindi, tama ang iyong nagawang desisyon, Mr. Stewart. Sa katunayan… Maraming salamat, Mr. Stewart. S-Salamat sayo...” Ang mukha ng matandang butler ay napuno ng luha. Talagang umiyak siya. “Kung hindi dahil sayo, Mr. Stewart, ang ginawa ni Jane Dunn kay Rosaline ay hindi mapaparusahan. Siya ay isang Dunn, kaya naman wala akong magagawa sa kanya. Maraming salamat, sir, maraming salamat… Waaaa...”
Tumalikod si Sean at nakatayo sa harap ng kanyang bintana, nakatingin pababa sa tao na lumiko sa isang kanto at naglakad paalis sa kanyang tingin. Ang kanyang mga mata ay puno ng mga anino at ang kanyang mga daliri ay hinawakan ng mahigpit ang baso ng alak. Sa wakas, tumingala siya at inubos ang kulay dugong likido, nilagok itong lahat.
“Summers, tinuturuan ko si Jane Dunn ng isang leksyon, hindi dahil sa si Rosaline ay iyong anak, ngunit dahil siya ang babaeng pinili ko,” mabagal na sinabi ni Sean.
…
Hinatak ni Jane ang kanyang pagod na katawan pabalik sa kanyang bahay.
Subalit, hindi man lamang siya nakapasok sa bahay ng mga Dunn. Ang matandang butler na naglilingkod sa mga Dunn buong buhay niya ay inulit ang eksaktong mga salita ni Sean Stewart sa kanya at si Jane ay mabait na “pinakisuyuang umalis ” sa bahay ng mga Dunn. Hindi man lamang niya nasilayan ang kanyang sarili mga magulang sa pangyayring ito.
Ganoon ba sila katakot kay Sean Stewart? Nangiwi ang gilid ng labi ni jane.. Pagkatapos noon inalis na niya ang kanyang titig. Ang mga magandang bakal na pintuan ay naguhit ng linya sa pagitan niya at ng mga Dunn, pinutol siya mula sa lahat ng kanyang pagmamay-ari dati.
Hindi magawang mailarawan ni Jane kung ano ang nararamdaman niya ngayon. Sa sandali na tumalikod siya, dalawang lalaki na naka asul na uniporme ng pulis ay nagpahinto sa kanya. “Miss Dunn, sinusupetya namin na ikaw ang nagutos sa mga tao upang gahasain si Miss Rosaline Summers, na nagdulot sa kanyang aksidenteng kamatayan. Maari bang sumama ka samin.”
Bago siya ihatid patungo sa kulungan, nakita ni Jane si Sean, nakatayo ng diretso sa tabi ng bintana.
Umiling si Jane at determinadong sinabi, “Wala akong kahit anong ginawa kay Rosaline.”
Sadyang nilakad ni Sean ang kanyang mahaba at matipunong katawan sa kanya. Sinabihan ni Jane ang kayang sarili na maging matapang. Kung sabagay, inosente siya. Wala siyang ginawang masama.
Ang kanyang maliit na mukha ay nakataas ng walang takot at sinusubukan niya ang lahat para manatiling kalmado, ngunit ang kanyang nanginginig na mga balikat ay nagpakita ng kanyang kaba… at ang matalas na pares ng mga matang iyon ay walang pinapalampas na kahit ano.