Kabanata 1787
Sa sobrang pagkagulat ng babaeng disipulo na nangmaliit kay Fane ay halos malaglag na ang kanyang panga sa lupa pagkatapos niyang makita ang eksenang ito. Hindi siya makapaniwala sa kanyang nakita.
“Takbo! Maikukumpara sa isang fifth o sixth-grade ultimate god-level fighter ang lakas ng lalaking ‘yan. Bwisit! Bakit may taong may ganito katinding lakas sa gubat na ‘to!” Agad na napasigaw sa gulat ang isang lalaki na nasa third-grade ultimate god-level at sinubukan niyang tumakas.
Subalit, sa sobrang bilis ng pagsugod sa kanya ni Fane ay tanging ang anino lamang niya ang naiwan sa orihinal niyang pwesto. Sumulpot si Fane sa harap ng lalaking iyon at inatake niya siya.
Whoosh whoosh whoosh!
Kasabay nito, nagsimula na ring sumugod si Nash at ang iba pa. Isa-isa silang sumugod. Walang laban sa kanila ang ilang dosenang disipulo na iyon at napatay silang lahat sa loob lang ng ilang segundo.
“Malayo-layo na ang nilakbay natin sa loob ng gubat na ito kagabi bago tayo nagtago upang magsana

Naka-lock na chapters
I-download ang Webfic app upang ma-unlock ang mas naka-e-excite na content
I-on ang camera ng cellphone upang direktang mag-scan, o kopyahin ang link at buksan ito sa iyong mobile browser
I-click upang ma-copy ang link