Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 4 Kailangang Kalabanin si Heaton Fudd

Pagkaraan ng tatlong taon, may balitang ipinapalabas sa hall ng North City Airport. “North City’s latest financial news: Nabili ng Fudd Enterprise and lupa sa kahabaan ng Navy Road at nagpaplano itong magtayo ng large-scale entertainment center sa lugar. Naibalita rin na napapalibutan ng mayayamang kabahayan ang Navy Road. Magiging hamon ang demolisyon dahil sa dami ng high-class residential villas sa nasabing lugar. Ngayon, ikinararangal naming makapanayam ang CEO ng Fudd Group na si Heaton Fudd. Alamin natin kung paano niya reresolbahin ang isyu.” Naakit sa malaking screen sa hall si Verian Mont pagkababang-pagkababa niya ng eroplano. Isang lalaking nakasuot ng gray na suit at itim na kurbata ang lumabas sa screen. Makinis ang balat niya pero ‘di siya mapagkakamalang tila babae. Napakagwapo rin niya at kapansin-pansin ang pagmumukha. ‘Di rin malilimutan ang mapanlamig niyang aura. Magkadaup ang palad ng lalaki sa binti niya at kalmado siyang nakaharap sa camera. May bahagyang ngiti sa manipis niyang mga labi. “Wala namang nakakaramdam na mayroon silang masyadong maraming pera, ganun din kahit pa ang mga mayayamang nakatira doon sa Navy Road. Kung hindi mareresolba ng pera ang mga isyu, ibig sabihin lang noon ay ‘di sapat ang pera.” Kuminang ang mga mata ng host sa pagkamangha at pagkagulat. Magalang na ngumiti ang host pabalik at nagtanong, “Kung ‘di niyo po mamasamain ang tanong, President Fudd, gaano po katagal bago makumpleto ang ganito kakumplikado at kalaking demolisyon?” Diretso ang tingin ng lalaki sa camera na may bakas ng talas at talino sa kanyang mga mata, “Magagawang asikasuhin at kausapin ng Fudd Group ang mga residente at makumpleto na rin ang demolisyon sa loob ng isang linggo.” Biglang naputol ang palabas. Mula sa pagpokus sa isang gwapong mukha ay ipinakita ng screen ang Navy Road. Tila isang malaking sakuna. Marami nang residente ang nakaalis at karamihan din ng mga bahay any na-demolish na gamit ang mga excavator. Sirang-sira na ang lugar. Nanginginig ang mga mata ni Verian sa likod ng suot niyang salamin. Nakatutok sa Mont Villa ang titig niya sa screen. Ibig sabihin nito ay madadamay sa demolisyon ang Mont Villa dahil nasa Navy Road din ito! Pinakita ng umaalog na camera ang isang reporter na pinipigilan ang isang nakapustura at mayamang babae na may kaedaran na rin. Nagtanong ang reporter, “Mrs. Sheen, kayo po ang may-ari ng villa na ito. Nabalitaan po namin na nagkasundo na po kayo ng mga Fudd sa presyo at mga kundisyon, tama po ba?” Ang babaeng ‘yun ay walang iba kung ‘di ang stepmother ni Verian na si Queena Sheen! Ngumiti si Queena Sheen sa camera at sumagot, “Napakalaking presyo ang inalok ng Fudd Group. Kaya wala naman kaming intensyon na salungatin pa ang desisyon nila. Mag-iimpake na kami, maghahandang lumipat, at iaabot ang susi sa kanila ngayong araw. Namuti ang mga kamay ni Verian habang mahipit niyang niyakap ang lagayan ng abo na may nakataling piraso ng itim at silk na tela. May bakas ng panlalamig sa mga mata ni Verian. Sa nakalipas na tatlong taon ay ‘di siya nakauwi; pero ngayon ay wala nang makakapigil sa kanya na ibalik ang Papa niya sa Mont Family! Hindi lang ‘yun basta isang villa sa kabahayan ng mga mayayaman. ‘Yun ang huling angkla ng ama niya. Humigpit ang pagkakasara ng kamao ni Verian. Hinila niya nag kanyang maleta at agad na umalis sa airport. Nitong Hunyo, ibang-iba na ang maliwanag at bughaw na langit sa North City at ‘di na tulad ng napakalamig at nagyeyelong gabi noong una siyang umalis sa lugar na ‘to. Tumingala siya sa direksyon ng napakainit na araw at hinaplos niya ang lagayan ng abo. ‘Papa, maiuuwi na rin kita pagkatapos ng tatlong taon.’ Bumusina ang isang kotse at inilabas ng may-ari ng putting Polo ang ulo nito mula sa bintana ng kotse habang sabik na kumakaway kay Verian. “Rainie, andito na ‘ko!” Umangat ang sulok ng mga labi ni Verian sa pagngiti. Hila-hila ang kanyang maleta, mabilis siyang naglakad patungo sa sasakyan. Inasar naman kaagad ni Guin Yellen si Verian pagkaupong-pagkaupo nito sa kotse at pagkatapos mag-alis ng salamin. “Napaka-loyal mo ring kaibigan eh ‘no! Mag-best friend pa ba tayo?! Pumunta ka bigla sa Paris three years ago nang wala man lang pasabi. Ang lungkot ko tuloy buong panahong ‘yun!” Napayuko si Verian nang mabanggit ni Guin ang trahedya na naganap tatlong taon na ang nakalipas. May bakas ng kalungkutan sa mga mata niya pero ngumiti siya at sumagot, “Bumalik na nga ako ‘di ba? May pinagdaanan lang ako noon.” Tinignan siya ni Guin na may halong awa. “Sigurado ngang may pinagdaanan kang mabigat noon. Ikaw ang anak ng Mont Family pero napunta sa ka sa sitwasyong ‘yun dahil sa stepmother at stepsister mo. Ang laki pa ng ipinayat mo.” Bahagyang ngumiti si Verian at umiling. “Mabuti na lang narealize ko na may naiwan palang isang milyon sa account ko si Papa. Siguro nga natakot siyang may masamang mangyayari. Kahit ‘di naman kalakihan ang one million, sapat na ‘yun para makapag-aral ako ng Arts sa Paris. Pumasok din ako sa mga part-time job at kumita rin naman ako sa kakasubmit ko ng mga sketches sa iba’t-ibang mga kumpanya. Sapat na ‘yun para makaraos ako.” Habang nagmamaneho, nagtanong ulit si Guin, “By the way, hula ko wala ka pang mauuwian kasi kakabalik mo lang. May nirerentahan akong two-bedroom unit pero solo lang ako. Kung gusto mo akong samahan, pwede tayong maghati sa renta.” Alam ni Guin na sasama ang loob ni Verian kapag tumanggap siya ng alok na hindi mangongolekta ng bayad. Sa pagsabi ni Guin na maghahati sila sa renta, hindi siya tatanggihan ni Verian. “O sige, pero kailan pa nangailangan si Miss Yellen na maningil ng renta? Sabihin mo nga sa’kin, may ‘di ba kayo napagkakasunduan sa pamilya mo?” Tumingin lang si Guin sa daloy ng trapiko sa harap niya. Nakasimangot siyang sumagot, “Ha ‘wag mo nang banggitin. Pinipilit ako ng Mama ko na makipag-blind date. ‘Di ko na talaga kinaya kaya umalis ako sa bahay. Hay naku! Nagalit din siya kaya tinigil niya lahat ng allowance ko. Nakakaasar ‘di ba?! By the way, wala ka pang trabaho ‘di ba?” “Oo.” Napakunot ang noo ni Verian. “’Di ako sigurado kung kaya kog makasabay sa art industry dito sa bansa.” Umakyat-baba ang mga kilay ni Guin sa pagkasabik. “Girl, gusto mo bang alukin kita ng trabahong malaki ang bayad?” “Kung swak naman sa ginagawa ko, sige.” “Syempre naman! Pero kailangan mong sumama sa’kin sa isang dinner party mamayang gabi.” Iniabot ni Guin sa kanya ang isang invitation card. Tinignan ni Verian ang card at nahagip ng atensyon niya ang pangalang Heaton Fudd. ‘Nasa dinner party mamaya si President Fudd na bumili ng lupa sa kahabaan ng Navy Road?’ Tumas ang kilay ni Verian at kumunot ang mga labi. “Guinnie, kilala mo ba si Heaton Fudd?” Ikinagulat ni Guin ang tanong at tumingin nang kakaiba kay Verian. “Rainie, ‘wag mo sabihing may gusto ka kay Heaton Fudd? Sinasabi ko sa’yo, ‘di dapat binabangga ang lalaking tulad ni Heaton Fudd. Maninigas ka kaagad kahit sampung metro lang ang layo mo sa kanya! Halos lahat ng mga babaeng sinubukang mapalapit sa kanya namatay sa sobrang panginginig sa lamig! Kung naghahanap ka ng partner, ipapakilala ko na lang sa’yo ‘yung kuya ko! Napakabait na tao ng kuya ko!” Kinilabutan kaagad si Guin nang maisip pa lang ang malabato niyang tito. Pero…nagtataka rin siya kung anong klase ng tao ba ang uncle niya kapag may karelasyon na kung sakali mang may romantic spark sa pagitan nito at ni Verian. Lumalim ang pagkunot ng noo ni Verian. Nang makita niya pa lang sa TV sa airport ang lalaki, una na kaagad niyang naisip na ‘di nga siya ang klase ng tao na dapat kalabanin. Mukhang ganun nga ang katotohanan. Ngunit nawala na rin ang lahat sa kanya. Kailangan niyang kalabanin si Heaton Fudd at siguraduhing maayos ang villa kahit na ano pa ang kapalit!

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.