Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 13

Naunawaan ni Edgar ang intensyon ni Gloria. Kailangan niyang sundin ang utos nito, kaya agad itong ngumiti at sinabing, “Papanoorin ko po nang maigi, Mrs. Martin Senior.” Ano? Tumingin nang malalim si Joe kay Skylar at sinabing, “Kung ganoon, Ms. Su—” Napatingin si Gloria sa kanya. “Salamat, Skye.” Napahinto si Joe sa pormal na pakikipag-usap sa babae. Hindi mapigilan ni Skylar ang mapangiti. Maraming tao ang tumawag sa kanya na “Skye”, ngunit nakaramdam siya ng pagkailang nang gawin ito ni Joe. Sa pamamahay ng mga Williams, nakatanggap si Sadie ng tawag mula sa ospital. Ipinaalam sa kanya na pupunta si Maisy sa ospital kinabukasan at hindi na sapat ang dugo na meron sila para sa kanya. “Mom, sa tingin mo sumuko na si Skylar sa pagliligtas sa akin? Galit siya sa akin, kaya malamang ay gusto niya akong patayin. Hindi ko alam kung anong nagawa kong mali. May sakit ako at kinasusuklaman ng kapatid ko, at ampon lang pala ako!” Niyakap ni Maisy si Sadie habang umiiyak. Nalungkot si Sadie nang makitang umiiyak ang anak na pinalaki niya. “Tatawagan ko siya. Tatlong araw ko na siyang hindi pinapansin; siguradong napagtanto niya ngayon na mali siya. Kakalimutan ko ang mga pagkakamali niya at uutusan kong pumunta siya sa ospital para magsalin ng kanyang dugo.” Tiningnang mabuti ni Maisy si Sadie. “Pupunta ba talaga si Skylar? Magsasabi pa ba siya ng anumang kundisyon? Ayokong mahirapan kayo ni Dad.” “Kung masyado siyang madaming hihingiin, huwag na siyang bumalik! Noong nakaraang araw, pinatawag niya ako sa nanay niyang umampon sa kanya. “Siguro nagsisi agad siya pagkalabas niya ng ospital, pero nahihiya siyang magsabi ng kahit ano. Umaasa siguro siyang ako ang may unang sasabihin,” sabi ni Sadie habang nakakunot ang mga noo. Habang iniisip niya iyon, mas gusto niyang itanggi na si Skylar ang kanyang tunay na anak! Napakasama ng ugali ni Skylar. Nakaramdam ng hiya si Sadie sa kanya. Napangiti si Maisy. Habang mas kinasusuklaman ni Sadie si Skylar, mas naramdaman ni Maisy na mas lamang siya dito. Kinuha ni Sadie ang kanyang phone para tumawag. Noong panahong iyon, minamasahe ni Skylar si Joe sa Pearlhall Residence sa ilalim ng “pangangasiwa” ni Edgar. Iyon ang unang pagkakataon na naging ganoon kalapit sila ni Joe. Akala ni Joe ay niloloko ni Skylar si Gloria at alam na alam niya kung nasaan ang kiliti ni Gloria. Ngunit nang ang malalambot niyang mga kamay ay tumpak na pumindot sa bawat acupuncture point sa paligid ng kanyang ulo, ito ay parang mahika. Palagi siyang nahihirapan sa pagtulog, ngunit inaantok na siya ngayon. Dahil hinimok siya ni Gloria, talagang interesado si Edgar na matuto. Naunawaan niya na sa bawat pagbabago sa pamamaraan, pinupuntirya ni Skylar ang bagong acupuncture point. Kahit na ipinaliwanag sa kanya ni Skylar ang bawat punto, hindi niya ito maalala! Kalimutan na nga lang. Hindi naman seryoso si Gloria na matuto siya kay Skylar. Tumunog ang phone ng isang tao sa hindi naaangkop na oras. Nakita ni Edgar na phone iyon ni Skylar. “May tumatawag sa’yo, Mrs. Martin.” Tinapos ni Skylar ang kanyang pagmamasahe at lumapit para sagutin ang tawag. “Hello?” “Bale ngayon, alam mo na kung paano sumagot ng tawag, ha? Dahil ba alam mong nagkamali ka? Makakalimutan ko ang nangyari ilang araw na ang nakakaraan. Pwede kitang turuan kung paano kumilos nang maayos kung hindi mo alam paano. Umuwi ka ngayon para pumunta tayo sa ospital bukas,” pakunsensyang sabi ni Sadie. Sinulyapan ni Skylar si Joe, na mahimbing na natutulog sa sopa. Tapos, lumabas siya dala ang phone niya. Sa sandaling siya ay lumabas, si Joe ay nagmulat ng kanyang mga mata at tumingin sa kanya ng malamig. Malabo niyang naririnig ang sermon na natatanggap ni Skylar mula sa phone nito. Ganoon ba kalala ang pagtrato ng mga Williams kay Skylar? Nakita ni Sadie na tumutuloy pa rin ang kanyang tawag, ngunit hindi sumasagot si Skylar. Masama na ang mood niya, pero mas malala na ngayon. “Kailan ka pa naging pipi? Magsalita ka!” “Inuutusan mo ba akong bumalik at ipagpatuloy ko ang pagiging blood bank ni Maisy?” tanong ni Skylar. Napakunot ng noo si Sadie dahil sa patag na boses ni Skylar. May kakaiba. “Blood bank? Si Maisy ang nakababatang kapatid mo. Nagdo-donate ka lang ng dugo; bakit kailangan mong ipalabas na ganoon kasama? Bumalik ka na. Bibigyan kita ng bagong kwarto na kasing laki ng kay Maisy.” Tumawa si Skylar. Nakuha ni Sadie ang maling impresyon na si Skylar ay masayang tumatawa dahil naabot niya ang kanyang layunin. Sumimangot siya at naiinip na sinabi, “Sumama ka sa dad mo sa kumpanya pagkatapos pumunta sa ospital bukas. Inasikaso niya ang posisyon para sa’yo bilang clerk.” “Tapos ka na ba, Mrs. Williams?” Tumigil si Skylar sa pagtawa ng sarkastiko. Masyadong pangit ang tunay na kulay ni Sadie. “Anong tawag mo sa’kin? Nanay mo ako! Ang lakas naman ng loob mong tawagin akong Mrs. Williams?” Galit na galit si Sadie. “May nanay bang katulad mo? Iisipin ng mga estranghero na kaaway mo ako.” Ngumisi si Skylar. Sa kanyang nakaraang buhay, siya ay inilagay sa pinakamaliit na silid sa buong villa. Halos hindi niya nakikita si Sadie isang beses sa loob ng dalawang linggo. Sa tuwing makikita siya ni Sadie, hinahamak nito ang pagiging baldado niya. Napakahusay na nanay! Maaari nang solohin ni Maisy si Sadie. “Ano bang pinagsasabi mo?! May naririnig ka na ba sa iba? Kaya mo ba ako kinakausap ng bastos? “Amin ang perang ginagastos mo. Pinaputol ng dad mo ang credit card mo. Kung ayaw mong maging mahirap at mawalan ng tirahan, umuwi ka na at aminin mo ang pagkakamali mo!” Naisip ni Sadie na mali ang narinig niya kay Skylar. Inilayo ni Skylar ang kanyang phone sa kanyang tenga bago pa makasagot si Sadie. Nang matapos sumigaw si Sadie, kinuha ulit ni Skylar ang phone niya. “Hindi pa naman kayo ganoon katanda ni Mr. Williams. Wala ka pa namnan sigurong Alzheimer’s. Mula nang kunin ninyo ako, wala akong ginastos kahit isang sentimo na galing sa inyo. “Itanong mo pa kay Mr. Williams na suriin ang credit card records niya. Lagi ka namang nasa ospital kasama si Maisy eh. Bakit hindi ka magpa-CT scan para ipatingin ang utak mo?” Sa pamamagitan niyon, binaba na ni Skylar ang tawag. Alam niyang may ubasan sa Pearlhall Residence, kaya tumungo siya roon. Nang matapos ang tawag ay puno ng hindi makapaniwalang ekspresyon ang mukha ni Sadie. Si Skylar ay hindi gumastos ng isang sentimos? Imposible iyon! Ang mga tao galing sa probinsya ay mga sinungaling. Hindi man lang nagtrabaho si Skylar pagkatapos ng kolehiyo. Imposibleng hindi niya ginastos ang pera nila. “Anong sabi ni Skylar? Mukhang galit ka.” Napakamapagmasid ni Maisy. Suminghal siya. Walang palag si Skylar sa kanya! Kung magiging nobya siya ni Joe, kakailanganin ni Skylar na tingalaan siya. Naiinis na inihagis ni Sadie ang kanyang phone sa sopa. “Hindi na siya babalik. Lakas ng loob niyang sagut-sagutin ako? Sinabi pa niyang wala siyang ginastos ni isang sentimos na galing sa’tin. Paano siya pinalaki ni Janine? Paano niya nagawang magsinungaling ng ganoon kalala?” Namilog ang mga mata ni Maisy. Alam niyang hindi nagsisinungaling si Skylar. Sinabi ni Christopher na ginugol ni Skylar ang kanyang mga bakasyon sa hayskul sa pagtatrabaho. Nagtrabaho din siya sa kanyang bakanteng oras noong siya ay nasa kolehiyo. Hindi magiging mahirap para sa kanya na mag-ipon ng pera. Pero… “Na kay Skylar ang credit card ni Dad. Ang kitid naman ng utak niya para isiping hindi mabubunyag ang mga kasinungalingan niya? Mom, huwag kang papadala sa kanya.” Lalong nagalit si Sadie matapos makinig kay Maisy. “Mapangahas siya!” … Matapos babaan si Sadie, pumunta si Skylar sa ubasan ng Pearlhall Residence upang mag-ani ng mga ubas kasama ang mga manggagawa. Pagkatapos nito, pumunta siya upang mamitas ng mga strawberry. Nakalupasay siya doon, pumipitas ng strawberry, nang magpakita si Joe.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.