Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 5

“Dad, Jamie, siya ang master healer na hinanap ko para tulungan si Lolo,” sabi ni Lillian . "Master healer?" “Siya?” Tinitigan ng lahat si Sebastian nang may pangmamata nang narinig nilang tawagin siyang isang master healer ni Lillian. Ang lahat ng magagaling na manggagamot ay nagbuhos ng oras para paghusayin ang kakayahan nila. Mukhang nasa dalawampung taon pa lang si Sebastian kaya paanong ganun siya kagaling? “Naloko ka ba, Lillian?” Tanong ni Jamie. “Hindi siya nagsinungaling, Jamie. Isa talaga siyang master healer. Siya ang nagpagaling sa sakit ko sa puso.” Kahit na ayaw ni Lillian si Sebastian dahil kinuha niya ang virginity niya, niligtas pa rin ni Sebastian ang buhay niya gamit ng acupuncture skills niya. Maging si Herb ay walang kakayahang iligtas si Lillian, kaya tiyak na isang master healer si Sebastian. “Sigurado ka bang kaya mong iligtas ang tatay ko, bata?” Tanong ni Ronan kay Sebastian. “Hindi ko pa natitignan ang pasyente, kaya hindi ko matitiyak kung kaya ko siyang iligtas. Pero sigurado ako sa isang bagay—kung hindi ko kayang mailigtas ang tatay mo, walang kahit na sino sa mundo ang makakagawa nito,” sagot ni Sebastian nang may kalmado at kampanteng tono. “Ang tapang mo, ha? Maging si Mr. Clinton nga ay di nagtatangkang magyabang nang ganyan.” Singhal ni Jamie. “Hindi niya ginagawa yun dahil kulang siya sa husay. Hindi niya kayo uutusang maghanda para sa burol ng matanda kung hindi,” sabi ni Sebastian. “Masyado kang mahangin!” Galit na sigaw ni Herb. “Animnapung taon na akong nagsasanay ng medisina, at ito ang unang beses na may pumuna sa kakayahan ko!” “Iyon ay dahil hindi ka pa nakakakita ng tunay na master healer, na nagkataong ako yun,” sabi ni Sebastian nang nakangiti. “Kaninong anak to? Ang yabang-yabang niya!” Sarkastikong narinig habang dalawang lalaki ang pumasok sa kwarto. Isa ay isang matandang may balbas habang ang isa naman ay isang binatang higit dalawampung taong gulang. Nakasuot siya ng gintong salamin at mukhang sosyal. “Mabuti't nandito ka na, Mr. Harris. At sino naman ito?” Senyas ni Ronan sa matandang may balbas. Pinakilala ni Steven Harris, ang lalaking nakasalamin, ang matandang lalaki sa tabi niya. “Siya si Dr. Ricky, Tito Ronan. Sinabihan ko siyang pumunta rito para tulungan si Mr. Smith.” “Dr. Ricky!” Nagmadaling lumapit si Herb at nagtanong, “Ikaw ba ang sikat na ‘Saving Grace,’ si Matt Ricky?’ “Ako nga!” Mapagmataas na tumayo si Matt nang nasa likod ang mga kamay niya. Hindi siya tinatawag na ganito dati, ngunit nanatili ng pangalang ito pagkatapos ng maraming taon ng pagliligtas sa iba gamit ng acupuncture skills niya. “Matagal na kitang hinahangaan, Dr. Ricky!” Para bang nasabik si Herb. “Mas mahusay ba si Dr. Ricky kumpara sa'yo, Mr. Clinton?” Interesadong tanong ni Ronan. Tumango nang malakas si Herb. Tinatawag ko mang master healer ang sarili ko, pero nagagawa ko lang yun sa loob ng Ravenview City. Si Mr. Ricky naman sa kabilang banda ay ang pinakasikat na master healer sa bansa natin. Napakapambihira ng mga taong kagaya niya!” Kaagad na nasabik si Ronan. “Pakiusap, iligtas niyo ang tatay ko, Mr. Ricky. Babayaran kita ng kahit magkano basta't mailigtas mo siya!” Biglang mapagmataas na nagsalita si Matt, “Hindi ako nagpunta rito para sa pera. Hindi ako kikilos kung hindi ako personal na pinakiusapan ni Steven.” “Maraming salamat, Mr. Harris!” Mabilis na pinasalamatan nina Ronan at Jamie si Steven. “Ginagawa ko lang ang tungkulin ko, Tito Ronan,” tapos sabi ni Steven kay Matt, “Magsimula na kayo sa paggagamot, Dr. Ricky.” “Hindi kami nagmamadali.” Lumingon si Matt kay Sebastian. “Di ba pinaparating mo kanina na ikaw ang pinakamagaling na manggagamot sa mundo, bata?” “Oo.” Tumango si Sebastian. Hindi siya nagmamataas, iyon lang ang katotohanan. Hindi siya kayang higitan maging ng mentor niya kung buhay pa siya. Sumabat si Herb at nagsabing, “Masyado kang matapang, bata. Paano mo nagagawang magyabang sa harapan mismo ni Dr. Ricky?” “Sino ito, Tito Ronan?” Tanong ni Steven kay Ronan. “Hinanap siya ni Lillian para iligtas si Lolo,” sagot ni Ronan. Sabi ni Steven kay Lillian, “Nagsisinungaling siya sa'yo, Lillian. Malinaw na isa siyang manloloko.” “Hindi. Talagang magaling siya,” pagpupumilit ni Lillian. “Gaano ba kahusay ang sinasabi mo? Higit pa kay Dr. Ricky?” Tanong ni Steven. “Ano…” Nanahimik si Lillian. Si Matt Ricky ay isang sikat na master healer sa bansa. Kahit tunay na napakagaling ni Sebastian, hindi pa rin naniniwala si Lillian na mas magaling siya kaysa kay Matt. Lalo na't masyado pang bata si Sebastian. Ngumiti si Steven at nagsabing, “Magiging ayos na si Mr. Smith ngayong nandito si Dr. Ricky, Lillian. Pwede mo nang paalisin tong manloloko na'to.” Namroblema si Lillian dahil siya ang naghanap kay Sebastian. Nakakabastos kung sasabihan niya siyang umalis ngayon. “Kapag pinili mo ang manggagantsong to, aalis na ako,” sabi ni Matt bago naghandang umalis. Mabilis siyang pinigilan ni Ronan habang nakangiting nagsabi, “Wag kang magalit, Dr. Ricky. Paaalisin ko kaagad ang batang to.” Pagkatapos ay malamig na nagsabi si Ronan kay Sebastian, “Narinig mo ba ko, bata? Aalis ka nang kusa, o kakaladkarin ka ng mga tao ko!” Kumislap nang malamig ang mga mata ni Sebastian. Kung hindi para kay Lillian, sinampal na niya ang iba sa pagsasalita nila sa kanya nang ganito. Para bang nahiya si Lillian. “Pasensya na talaga, Mr. Wilder. Paano kung umalis ka muna sa ngayon?” “Kayo responsable sa pagpapaalis sa'kin, kaya wag kayong magmakaawa sa'kin pagkatapos nito!” Ngumisi si Sebastian bago umalis. Sumama lang siya para kay Lillian. Sinong nakakaalam na ganito pala kabastos ang pamilya niya? Ayos lang kung di sila magtitiwala sa galing niya, pero sumosobra na ang pilitin siyang umalis. “Pasensya na, Mr. Wilder. Hindi ko inasahang magkakaganito ang sitwasyon. Gusto mo ba ihatid kita sa kailangan mong puntahan?” Tumakbo si Lillian palabas para habulin si Sebastian nang nagsisisi. “Di na kailangan.” Nagsimulang maglakad papalayo si Sebastian bago lumingon kay Lillian at binigyan siya ng isang maliit na pakete. “Ibibigay ko sa'yo ang pill na'to bilang kapalit sa pagtatanggol mo sa'kin kanina. Mabubuhay ng tatlo pang araw ang lolo mo kapag ininom niya ito bago siya mamatay.” Umalis si Sebastian pagkatapos ibigay kay Lillian ang pill. Mula rito, patas na sila. Dinala ni Lillian ang pakete pabalik sa ospital. “Anong dala mo diyan, Lillian?” Tanong ni Steven. “Gamot lang na bibigay sa'kin ni Mr. Wilder. Sabi niya basta't buhay pa si Lolo, mabubuhay siya nang tatlo pang araw pagkatapos itong inumin,” sabi ni Lillian. “Masyado kang madaling maloko, Lillian. Paano mo napagkakatiwalaan ang manlolokong yun?” Sabi ni Steven. Ngumisi si Matt. “Tama si Mr. Harris. Sinong magtatangkang inumin ang isang pill na gawa ng isang manloloko? Himala talaga yun kapag may nabuhay nang tatlo pang araw pagkatapos itong inumin.” “Hindi mo ba narinig si Mr. Ricky? Itapon mo na yan ngayon din!” sigaw ni Ronan. Nag-alangan si Lillian. Ayaw niya man kay Sebastian dahil kinuha niya ang virginity niya, pakiramdam niya ay hindi siya manloloko. Lalo na't madaling pinagaling ni Sebastian ang sakit niya sa puso. “Ang basura ay nararapat sa basurahan!” Inagaw ni Ronan ang pakete mula sa kamay ni Lillian bago ito itinapon sa basurahan. Doon lang sinimulang tignan ni Matt si Elijah. Umaasang nanood si Herb at gusto niyang matuto mula sa idol niya. Ilang sandali lang, napuno ng kalinawan ang ekspresyon sa mukha ni Matt. “Anong problema, Dr. Ricky?” Tanong ni Ronan. “Nalason si Mr. Smith,” sagot ni Matt. “Nalason?” Nagulat si Ronan. Inisip niya ay may sakit lang ang tatay niya. Lalo na't iyon lang ang sinabi sa kanya ng mga ospital tuwing tinitingnan siya ng mga doktor. “Oo, lason. Isang pambihirang lason na hindi madaling matukoy,” paliwanag ni Matt. “Kaya mo ba tong gamutin, Dr. Ricky?” Umaasang tanong ni Lillian. “Syempre naman. Wala akong hindi kayang pagalingin sa mundong ito at wala ring lasong hindi ko kayang gamutin,” kampanteng sagot ni Matt. “Maraming salamat, Dr. Ricky.” Sobrang nagpasalamat si Lillian. Naglabas ng isang kahon ng karayom si Matt at nagsimulang magsagawa ng acupuncture kay Elijah. Kinakabahang nanood si Lillian. Kaagad siyang pinakalma ni Steven, “Magtiwala ka kay Dr. Ricky, Lillian. Magiging ayos lang si Mr. Smith.” “Talagang malaki ang utang namin sa'yo, Mr. Harris. Dapat siguraduhin mong pasalamatan siya nang maayos, Lillian,” sabi ni Ronan nang may makahulugang tono.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.