Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 12

Isang oras matapos makarating sa bahay ni Yolanda, si Diana at Yvonne ay nakauwi na rin. Matapos pagalitan ni Diana si Yolanda sa pag-alis, ang paningin niya ay nalipat sa damit niya. Ipinaalala niya, “Yolanda, gugunitain natin ang kaarawan ng lola mo mamayang gabi. Huwag mo dumihan ang dress na ito!” Pagkatapos, inilabas ni Diana ang mga regalona inihanda niya ng maaga at masusing tinignan. Naghanda siya ng dalawang regalo. Ang isa ay porcelain tea set na medyo mas mahal. Regalo ito para sa kapatid ng biyenan niya, si Philip Barnett at pamilya niya. Si Philip ang homeroom teacher ng First Academy Class Seven. Kahit na inihanda ni Diana ang sarili niya para kay Yolanda na makapasok sa pinakapangit na academy, kung maipapasok ni Diana si Yolanda sa First Academy, ang mga mayayamang babae ay hindi magagamit si Yolanda para laitin si Diana. Kaya, si Diana, na walang ideya na binigay ni Harvey si Yolanda ng acceptance letter, ay napagdesisyunan na hingan ng tulong si Philip sa araw na iyon para tagumpay na makapasok si Yolanda sa First Academy. Hindi na mahalaga kung ang pinakapangit na klase nag mapasukan niya, na Class 23. “Kapag pumunta tayo mamaya sa hotel, dapat purihin mo si Philip at pasayahin siya,” sambit ni Diana kay Yolanda. Nag-aalala siya tungkol kay Yolanda at paulit-ulit na ipinaalala sa kanya bago umalis. Ito lang ang tiyansa para makapasok si Yolanda sa First Academy ng Riverdale, kaya hindi ito dapat sirain ni Yolanda. Dahil nag-aalala si Diana na baka malate sila, nilisan niya ng maaga ang bahay. Noong dumating ang sasakyan nila sa main road, napagtanto nila na may mabigat na traffic sa harap. Sapagkat hindi kumikilos ang mga sasakyan sa harap, nababalisang nagtanong si Diana, “Anong nagyari sa harap?” “Mrs. Henderson, titignan ko!” binuksan ng driver ang pinto at lumabas para makita kung anong nangyari. Makalipas ang ilang sandali, bumalik siya. “Mrs. Henderson, may aksidente ng mga sasakyan sa harap! Isang lalake ang matinid ang pinsala, at naghihintay sila ng ambulansiyaat traffic police para asikasuhin ito.” Noong marinig ito ni Diana, sumimangot siya. “Gaano katagal ito aabutin?” Base sa kasalukuyang lokasyon nila, mahihirapan sila lumiko para umikot at gumamit ng ibang kalsada. Kung ang aksidente sa harap ay hindi maaayos, baka malate sila. “Hindi ako sigurado, pero mukhang matindi ang pinsala ng bata. Hindi ko alam kung aabot siya hanggang sa dumating ang ambulansiya.” Naaawa ang driver para sa bata. “Cute siyang bata. Sayang naman.” Umirap si Diana. “Anong kailangan mo kaawaan? Inokupa nila ng matagal ang kalsada. Ako ang nakakaawa kung malalateako! Bilisan mo na at tignan kung may ibang mga kalsada pa para daanan… Yolanda, saan ka pupunta?” Noong inuutusan ni Diana ang driver na mag-ibang direksyon, binuksan ni Yolanda ang pinto at bumaba mula sa sasakyan. “Yolanda, bumalik ka dito!” Inilabas ni Diana ang ulo niya at nakita na tumatakbo si Yolanda ng hindi tumitingin pabalik. Hindi niya mapigilan na taasan ang boses niya. “Malalate tayo. Bakit ka gumagawa ng gulo?” “Ma, titignan ko.” Inalis ni Yvonne ang seatbelt niya at binuksan ang pinto bago habulin si Yolanda. Kasabay nito, dumating si Yolanda sa eksena ng aksidente. Nakakita siya ng guwapong lalake na nasa 40 ang edad nakaluhod siya sa lalake at sumisigaw ng natataranta, “May doktor ba dito? Sinong makapagliligtas sa anak ko? Kung ililigtas ninyo ang anak ko, bibigyan ko kayo ng sampung milyong dolyar!” Ang bata ay duguan at wala ng malay. Ang guwapong lalake na nakaluhod sa tabi ng bata ay hindi naglakas loob na hawakan siya dahil masyadong matindi ang mga pinsala niya. Ang nagagawa lang niya ay sumigaw at humingi ng tulong. Habang mas sumisigaw siya, mas nawawalan siya ng pag-asa. “Bakit hindi pa dumadating ang ambulansiya?” “Mr. Wright, masyadong mabigat ang traffic. Hindi makakarating ang ambulansiya dito.” Habang mabigat ang ekspresyon, nagsalita ang isang bodyguard, “Ano kaya kung ilabas natin siya?” “Hindi! Natusok ng ribs niya ang mga laman loob niya. Hindi natin siya puwede galawin!” Sa oras na ito, lumapit si Yolanda sa tabi ng bata. Agad siyang naglabas ng rectangular na cloth bag. Isa itong set ng acupuncture needles. Dinala niya ang set ng acupuncture needles noong kumukuha siya ng medisina sa ospital noong nakaraan. Kahit na hindi ito maikukumpara sa dati niyang gamit, makakapagligtas ito ng buhay sa kritikal na oras. “Doktor ka ba?” Noong ang lalake, na nagngangalang “Mr. Wright” ay nakita ang kilos ni Yolanda, kuminang ang mga mata niya. Ngunit, ng makita niya ang itsura ni Yolanda, nawala ang pag-asa niya. Ang naisip niya ay masyadong bata si Yolanda at mukha siyang high school student. At most, mukha siyang medical student na kakapasok lang sa medical school. Gayunpaman, ang pagkakaroon ng taong may alam sa medisina ay mas mabuti na kaysa sa wala. “Hindi siya puwedeng hawakan ngayon. May paraan ka ba para patigilin ang pagdurugo?” “Pipigilan ko ang pagdurugo niya ngayon!” Inilabas ni Yolanda ang acupuncture need at gusto itong ipasok sa dibdib ng bata. Kung may visceral injuries ang isang tao, hidni sila maililigtas maliban na lang kung ipasok sila sa operating room. Sa oras na ito, ang boses ni Yvonne ay maririnig mula sa likod. “Yolanda, anong ginagawa mo?” Sumimangot ang lalake at sumigaw, “Tumahimik ka! Patitigilin niya ang pagdugo ng anak ko!” “M-Mr. Wright?” Nakilala bigla ni Yvonne ang guwapong lalake na si Zach Wright, ang presidente ng Fusion Group. Agad na nagbago ang ekspresyon niya at sinabi na, “Mr. Wright, kapatid ko siya. Wala siyang alam sa medisina!” “Anong sinabi mo?” nagbago ang ekspresyon ni Zach. Agad siyang humarap kay Yolanda. Sa pagkakataong ito, ipinasok na ni Yolanda ang acupuncture needles sa dibdib ng bata. “Tumigil ka! Wala kang alam sa medisina. Sinusubukan mo bang patayin ang anak ko?” Tumayo si Zach mula sa sahig ng galit at gusto sanang gulpihin si Yolanda. Habang hindi tumatalikod, may hawak na acupuncture needle si Yolanda at kinuha ang isang braso ni Zach. Ang ilan sa mga lason sa katawan niya ay naalis na. Kahit na hindi pa siya gumagaling ng tuluyan, kaya niyang asikasuhin agad ang pangkaraniwang tao. “Isang karayom na lang ang kailangan ko para patigilin ang pagdurugo ng anak mo. Kapag pinigilan mo ako, mamamatay siya.” Noong marinig iyon ni Zach, nanigas siya. Sa hindi maintindihang rason, nagulat siya sa dating ng isang estudyante sa high school. Gayunpaman, kritikal itong oras kaya hindi siya maaaring mag-isip ng matagal. “Yolanda, anong sinasabi mo” nababalisa si Yvonne. “Hindi ka nga dumalo ng high school. Paano ka makakapagligtas ng tao? “Narinig ko na si Mr. Wright ay magbibigay ng sampung milyong dolyar sa kung sinong makapagliligtas sa anak niya. Wala kang kakayahan, huwag ka magpabulag sa pera!” Hindi maganda ang pakiramdam niya at hindi niya iniintindi ang sama ng loob niya kay Yolanda sa puntong ito. Si Zach ang kasalukuyang pinuno ng pamilya Wright at Fusion Group president. Iba nag pamilya Wright sa pamilya Henderson. Upper class na pamilya sila sa Riverdale City. Kung may mangyayari sa anak ni Zach, na si Evan Wright, matapos siyang gamutin ni Yolanda, katapusan na ng buong pamilya Henderson. “Mr. Wright, ang kapatid ko ay walang alam sa medisina. Nagiging pabaya siya dahil gusto niya ng pera. Bilisan mo na at pigilan siya!” Hind inaasahan ni Yvonne na gusto ng mamatay ni Yolanda. Walang alam si Yolanda, kaya paano siya maglalakas loob na gumamot ng iba? Noong narinig ni Zach ang boses ni Yvonne, lalong natakot ang ekspresyon niya. Noong una, nabigyan siya ng pag-asa sa pagdating ni Yolanda, naisip pa niya na maililigtas si Evan. Ngayon, nalaman niya na wala siyang alam sa medisina at hindi naparito para iligtas si Evan. Sa halip, sinasaktan niya si Evan para sa pera. “Hindi ko ibibigay sa iyo ang pera. Lumayas ka! Huwag mo hawakan ang anak ko!” Pagkatapos sumigaw ni Zach, isa pang boses ang maririnig. “Mr. Wright, tumigil ang pagdurugo niya!”

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.