Kabanata 56 Anong Problema ni Mr Howard
Ibinigay ni Whitney ang kontrata kay Damian, na diretsong ipinasa kay Billy. Tapos, sabi niya, “May importanteng dinner ako mamayang gabi. Gusto kong sumama ka sa’kin.”
Si Whitney ay bihirang dumalo sa alinman sa mga kaganapan ni Damian noon at mas lalong hindi na ginaganahan ngayon. Nagpakita siya ng blangkong mukha at sinabi, “Hindi pa rin maganda ang pakiramdam ko, kaya hindi ako makakasama.”
Ngumiti lang si Damian. “Kung ganoon, tulungan mo akong pumili ng necktie.” Humakbang siya palapit at sumandal, bumubulong, “Ang tagal na mula noong huli mo akong pinilian.”
Ang init ng hininga nito malapit sa tenga niya ang dahilan kung bakit siya napaatras. “Hindi ako magaling mamili ng necktie. Bakit hindi ka magpatulong kay Mr. Lawson?” matipid niyang sagot.
Agad namang umiling si Billy. “Naku, Ms. Spencer. Hindi ako marunong pumili ng neckties. Ang mga pinipili mo ay laging nababagay kay Mr. Howard.”
Tumangging gumalaw si Whitney habang tahimik na pinagmamasdan siya ni Damian. Nararamdaman
Naka-lock na chapters
I-download ang Webfic app upang ma-unlock ang mas naka-e-excite na content
I-on ang camera ng cellphone upang direktang mag-scan, o kopyahin ang link at buksan ito sa iyong mobile browser
I-click upang ma-copy ang link