Kabanata 1 Gusto Mo Ba Ako
Papunta na si Whitney Spencer para maghatid ng ilang dokumento sa opisina ng CEO nang nakatanggap siya ng tawag mula sa bridal shop.
“Ms. Spencer, ang wedding dress na sinukat mo noong nakaraan ay inayos na. Pwede ka nang pumunta para sukatin ulit.”
“Sige.”
Pagkatapos ibaba ang phone, kumatok si Whitney ng dalawang beses sa pinto ng CEO. Itinulak niya ito, para lamang makitang wala si Damian Howard doon.
Wala rin ang presensya ng lalaki noong nagsukat siya ng mga dress nitong nakaraan. Umaasa siyang makakasama niya ito sa pagkakataong ito, ngunit mukhang abala na naman ang lalaki.
Halos oras na ng uwian, kaya nagpasya si Whitney na mag-isa na pumunta sa bridal shop.
Ang shop ay makikita sa makalumang gusali, na naglalabas ng kakaibang artistikong awra. Isa ito sa mga nangungunang bridal shop sa Seabourke.
Nang makita ng mga tauhan si Whitney na bumaba ng sasakyan, binati nila siya nang may paggalang. Pagkatapos ng lahat, alam na alam nila na siya ang magiging nobya ng tagapagmana ng pamilyang Howard sa Seabourke.
“Nasa fitting room sa likod ang dress mo, Ms. Spencer.”
Nang mapansin na personal na sasamahan siya ng mga tauhan, magalang na ngumiti si Whitney. “Kaya kong pumunta mag-isa.”
Ang hubog na pasilyo ay may linya na may magagandang damit na pangkasal. Habang naglalakad siya, hinangaan niya ang magagandang disenyo. Halos lamunin ng malambot na carpet ang tunog ng kanyang mga yabag.
Biglang may mga pamilyar na boses na umalingawngaw mula sa fitting room sa unahan.
“Tama na. ‘Wag kang gumawa ng eksena.”
“Hindi ako gumagawa ng eksena! Gusto ko lang naman dumalo sa kasal mo at maging abay. Bakit mali iyon?”
Malalim at nag-uutos ang boses ng lalaki habang puno ng inis ang tugon ng babae.
Bumilis ang tibok ng puso ni Whitney. Bumibigat ang kanyang mga hakbang habang dahan-dahan siyang naglakad patungo sa pintuan ng fitting room.
Ang pinto ay hindi ganap na nakasara. Sa makitid na siwang, hindi niya gaanong makita, ngunit ang mga boses ay nagiging mas malinaw.
“Hindi pwede,” sabi ng lalaki.
“Bakit? Gusto ko lang maging mas malapit sa’yo sa huling pagkakataon...”
“Dahil kung pupunta ka, hindi ko na mapipigilang tumakas sa kasal.” Tila nagpaubaya ang lalaki habang nagpatuloy, “Mahilig kang mag-shopping, tama? Pumunta ka muna sa Croydon ng ilang araw. Bilhin mo ang kahit anong gusto mo gamit ang card ko. Pupuntahan kita pagkatapos ng kasal.”
“Ano ba ako sa’yo? Pamangkin mo? O kabet? Pakawalan mo na lang ako...” Humihikbi na ang boses ng babae.
Ang lalaki ay parang walang magawa ngunit medyo balisa din. “Hindi ba sinabi ko na sa’yo dati? Hindi mahalaga ang label. Ang mahalaga ay kung sinong nilalaman ng puso. Hindi mo ba alam kung kanino ‘tong akin?”
Natahimik ang kwarto ng ilang segundo.
“Hindi ba pwedeng ‘wag ka na lang magpakasal?” Lumambot din ang boses ng babae.
“Tumigil ka na sa mga walang kwentang pagtatanong. Kailangang mong magtiwala na ginagawa ko ‘to para sa kinabukasan natin,” sagot ng lalaki.
Habang nakikinig si Whitney sa kanilang pag-uusap, tila umakyat ang kanyang dugo sa kanyang ulo, na para bang isang dam ang nawasak at ang lahat ng kanyang mga emosyon ay bumaha sa kanya nang isang bagsakan.
Ang dalawang boses na narinig niya ay kay Damian Howard, ang lalaking nakatakdang pakasalan niya sa loob ng isang buwan, at si Rachel Yanes, ang pamangkin ng lalaki sa pangalan.
Si Rachel ay inampon ng lolo ni Damian, si Elijah Howard, bilang apo nito sa tuhod.
Ang lalaking minahal ni Whitney sa loob ng walong taon, ang taong laging mabait at maasikaso sa kanya, ay nanloloko sa kanya. Sa sandaling iyon, parang nawalan ng kulay ang kanyang mundo.
Ilang sandali lang, mula sa fitting room ay dumating ang higit pang mga kaluskos, kasama ang ilang matalik na halinghing.
Kinagat ni Whitney ang kanyang mga labi, pilit na pinipigilan ang mga hikbi na nagbabadyang makatakas.
Lumalabo ang paningin niya sa luha. Pilit niyang igalaw ang kanyang mga paa na mabigat sa pakiramdam habang nagmamadaling umalis ng shop.
Nagdilim ang langit, at sumindi ang mga ilaw sa kalye. Ang mga kalye ay puno ng mga tao, lahat sila ay nilalagpasan siya.
Dumaan ang mga magkasintahan na kagagaling lang sa trabaho, kumikinang ang kanilang mga mukha sa kaligayahan. Para kay Whitney, nakakabulag ito. Parang malupit na paalala na ang kanyang buhay pag-ibig ay walang iba kundi isang biro.
Dahil sa relasyon ng kanilang pamilya, magkakilala na sina Whitney at Damian mula pa noong mga bata pa sila. Mas matanda ang lalaki sa kanya ng apat na taon, at palagi niyang sinusundan ang lalaki. Walan namang nakitang problema si Damian at lagi siyang pinoprotektahan nito. Pinagalitan pa nito ang mga nang-aapi sa kanya.
Sa pagbabalik-tanaw ngayon, naalala niya kung paano rin ito laging maasikaso kay Rachel.
Habang lumalaki sila, mas naging gwapo at nag-mature si Damian. Ang kanyang elegante at kalmadong kilos ay naging mas maliwanag. Palihim na nagsimulang mahulog ang loob ni Whitney sa kanya. Noong 20 anyos na siya, inayos ni Elijah ang kasal nila ni Damian.
Nakuha ni Whitney ang gusto niya noon pa man, at ang kapalit ay inasikaso at inalagaan siya ni Damian. Ginawa pa siya nitong sekretarya para magkita sila araw-araw.
Ngunit ngayon, sa gabi ng kanyang pinakamahalagang sandali, narinig niya ang mga salitang iyon.
Ang mga tunog ng buhay na buhay na musika at mga kumikislap na neon lights ay nakatawag sa kanyang atensyon. Nang tumingala siya, napagtanto niyang naglakad na siya papunta sa entrance ng Blue Night Bar. Tumigil siya saglit, saka pumasok sa loob.
Dinala sa kanya ng bartender ang tequila shots na in-order niya. Bihirang uminom si Whitney, ngunit ngayon, sunod-sunod ang pag-inom niya ng baso.
Hindi ito ang unang pagkakataon ni Whitney sa Blue Night Bar. Ang huling pagkakataon na nandito na siya ay kasama si Damian para sa kaarawan ng isa sa mga kaibigan nito. Lahat ay tinukso sila ng gumawa ng cross-arms toast. Napangiti si Damian at pinigilan sila, sinasabing hindi siya makainom at ayaw nitong matakot siya.
Ngayon, napagtanto niyang hindi ito nag-aalala sa kanya kundi dahil ayaw pala nitong makipag-cross-arms toast sa kanya.
Hinawakan ni Whitney ang baso sa kanyang kamay, isang mapait na ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi. Bago niya namalayan ay tumulo na ang luha sa kanyang mga mata.
Habang dahan-dahan siyang umiinom, napunta sa isang lalaking nakaupo sa sulok ang kanyang nalilitong tingin.
Kahit sa madilim na liwanag, namumukod-tangi ang magagandang katangian ng lalaki. Sa likod ng mga salamin na may pilak na frame, ang kanyang mga mata ay madilim at malalim na parang bangin. Itinampok ng kanyang navy blue suit ang kanyang matangkad at payat na pangangatawan.
Sa hindi niya maipaliwanag na dahilan, tumayo si Whitney at naglakad palapit sa lalaki.
Sinubukan niyang ituwid ang kanyang paglalakad habang papalapit sa lalaki. Nang may pangungutya sa boses, tinanong niya, “Gusto mo ba ako?”
Hindi pa siya ginalaw ni Damian. Palagi niyang pinaniniwalaan na iyon ay dahil mahal siya nito at gusto nitong ilaan ang kanilang unang gabi para sa pinakamahalagang sandali. Ngunit ngayon, napagtanto niya kung gaano siya kawalang muwang.
Buweno, kung si Damian ay pwedeng magkaroon ng kabet, bakit hindi siya pwedeng makipagtalik sa gwapong estranghero?
Tumingala ang lalaki at malamig na tumitig sa kanyang mga mata nang walang salita.
Nang mapansin ang kanyang katahimikan, kinuha ng lasing na si Whitney ang sampung daang dolyar na perang papel mula sa kanyang bag at inilagay sa kamay ng lalaki. “Hindi ka malulugi.”
Sa wakas ay nagtanong ang lalaki, “Paano mo natitiyak?” Malalim at kaaya-aya ang boses niya.
Ang mga mata ni Whitney, na namumugto na sa mga luha, ay puno ng bakas ng pagkabigo. “Hindi ka rin ba interesado sa akin?”
Iniisip niya kung gaano ba siya kapalpak. Hindi siya mahal ni Damian, at ngayon, hindi pa siya gusto ng estranghero na ito.
Tumalikod siya.
Nakahakbang pa lang si Whitney, biglang tumayo ang lalaki. Ang kanyang matangkad na katawan ay tila mas kapansin-pansin sa madilim na liwanag. Hinawakan niya ang pulso ng babae. “Sigurado ka ba dito?”
Natigilan siya sa hindi inaasahang pagkilos ng lalaki.
“Anong problema? Umaatras ka na ba ngayon?” Nagpakita ng kalahating ngiti ang lalaki.