Kabanata 5
Tunay na may malaking problema si Sabrina. Nag-organisa na siya at kinausap ag mga kliyente. Mukhang nagulat siya ng magpakita si Nelson.
Kaakit-akit siya, at ang itim na suit ay nakatulong sa pagpapakita ng matipuno niyang katawan. Ang jawline niya ay tense, at ang mga mata niya at nakakabutas ng tumitig sa kanya. Nasira nito ang mood na magkagusto siya sa kanya.
Lumapit si Ronald sa kanila. Mukhang gusto niyang makascore ng puntos para sa kanyang kaibigan, sinabi niya, “Sabrina, nandito si Nelson para tumulong.”
Naparito ba si Nelson para tumulong?
Kung tunay niyang gusto na tumulong, sumunod na sana siya sa kanya sa factory sa simula pa lang. Dahil sa natagalan niyang pagpunta, ang dating nito ay napilitan lang siyang tumulong matapos sermonan ni Shannon.
Hindin iya gusto ang nag-aalinlangan niyang tulong. “Kaya ko itong asikasuhin mag-isa.”
Sumimangot ng malalim si Nelson matapos tanggihan ang kagustuhan niyang tumulong. “May kinalaman ito sa Tucker Group. Hindi ka dapat magtantrum tungkol dito.”
“Magtantrum? Bakit sa tingin ba niya lagi na hindi ako magaling at nagtatantrum lang?” inisip niya habang galit.
Para sa kanya, isa siguro siyang tuso at mahirap kausap na babae.
Hindi na siya nag-abala na ipaliwanag ang kanyang sarili at umalis na. Dahil mukha siyang naiinis, hinawakan ni Nelson ang braso niya at galit na sinabi, “Anong klaseng ugali yan?”
Dahil naramdaman niya ang sakit sa braso niya, sinubukan niyang bawiin ang kanyang kamay, pero ang kapit ay lalong humigpit habang nakatingin siya sa kanya.
Suminghal si Sabrina, “Ito ang ugaling tatlong taon mo ng ipinapakita sa akin. Bakit? Hindi mo matiis kahit na isang beses mo lang naranasan?”
Nabigla si Nelson.
Ginamit ni Sabrina ang buong lakas niya para makawala sa pagkakahawak niya. Pagkatapos, minasahe niya ang namumula niyang braso at dumiretso sa opisina, iniwan si Nelson na nakasimangot sa kanya.
Hindi niya inaasahan na sasagot ng matalas si Sabrina, na gustong-gusto na nakadikit sa kanya noon. Nakakainis ito.
Natulala din si Ronaldo. Napakamot siya ng ilong. “Ito pa ba ang Sabrina na kilala ko?”
Bago ito, lagi niyang niluluto ang mga paboritong putahe ni Nelson at hinihintay siya sa bahay kapag nalaman niyang nakabalik na siya sa bansa.
Kung hindi siya uuwi, hahanapin niya si Ronaldo at sasabihin, “Ronaldo, puwede mo ba siyang dalhan ng pagkain?”
Si Sabrina ay gustong paboran siya ni Nelson, laging umaasa na makilala siya ng mabuti. Ngayon, umaarte siyang parang ibang tao.
“Nelson, anong gagawin natin?” tanong ni Ronaldo.
“Ito ay child company ng Tucker Group. Ang problema ay may kinalaman sa export order na nagkakahalaga ng isang bilyong dolyar,” sambit ni Nelson.
Mukhang gusto niyang tumulong. Para makaiwas sa problema sa mag-asawa, pumagitna si Ronaldo. “Sabrina, maganda itong pagkakataon para makasama mo siya ng maayos, para mas makilala ka niya.”
Matapos sumagot sa mga work related texts, sinabi ni Sabrina kay Ronaldo, “Ibigay mo ang pagkakataong iyan sa iba.”
Habang tulala, lumapit si Ronaldo at nag-effort pa lalo para kumbinsihin siya, “Sayang lang na iwan siya kung hindi mo pa siya naikakama. Ang hot kaya niya, hindi ba?”
Tumango si Sabrina. Pinuri ni Abigail si Nelson sa pagiging hot, bagay na hindi itinanggi ni Sabrina.
“Ronaldo, kakagat ka ba sa mansana na balot na ng laway ng iba?” sambit niya.
Natahimik si Ronaldo. Sa madaling salita, tinatawag niyang madumi si Nelson. Gusto niya na kumbinsihin si Sabrina, pero ang assistant niya, si Eva Brooks, ay pumasok sa opisina sa oras na iyon. “Ms. Wyatt, nahiram na natin ang lahat ng resources na mahahawakan natin. Nagsimula na silang magtrabaho.”
“Ayos. Titignan ko.” Nilisan ni Sabrina ang opisina. Idinagdag ni Eva, “Sinasabi nila na nandito si Pamela.”
Tumigil si Sabrina sa paglalakad at humarap para ngumiti kay Ronaldo. “Siguradong gagamitin ko ang pagkakataong ito kung hindi makikielam si Nelson.”
Walang masabi si Ronaldo, naiinis siya kay Pamela dahil guamwa siya ng probelma sa sensitibong mga oras na ito.
“May importante akong dapat asikasuhin. Mananatili si Ronaldo dito para tumulong,” anunsiyo ni Nelson.
Pinilit ni Sabrina na ngumiti. Sumagot siya, “Sige.”
Pinigilan ni Ronaldo si Nelson at nagbigay ng pahiwatig. Dahil sinusubukan niyang isalba ang sitwasyon, sinabi niya, “Nelson, hindi ba sinabi mo na child company ng Tucker Group ang kumpanyang ito, at ang issue ay may kinalaman sa isang bilyong dolyar na export order? Walang mas mahalaga at kritikal sa bagay na ito, hindi ba?”
Umalis na si Sabrina bago pa makasagot si Nelson, dahil naiintindihan niya ang rason niya. Hindi siya mahalaga sa kanya; hindi niya pinili si Sabrina laban sa iba kailanman.
Sa totoo lang, masaya siyang isinantabi niya ang “magandang pagkakataon” ni Ronaldo, kung hindi ay magtatago na lang siya sa butas dahil sa hiya.