Kabanata 444
Pagkalipas ng ilang minutong pagkokondisyon sa kanila, tumayo si Master Miller. "Tara na. Uutusan ko ang mga tauhan ko na dalhin kayo sa isang kwarto sa likod ng villa. Hintayin niyo doon si King of War Sutherland. Kailangan maging mabait kayong dalawa sa kanya, naiintindihan niyo? Isa siyang makapangyarihan at iginagalang na King of War!
"Huwag kayong magtatangkang tumuakbo dahil imposibleng makatakas kayo. Kahit na makatakas kayo, marami akong pwedeng gawin para mahanap at patayin kayo, naiintindihan niyo?" Nag-isip si Xan at pinagbantaan niya ang dalawa. Pagkatapos ay binuksan niya ang pinto at lumabas siya sa kwarto.
Lumabas si Xan at ang dalawang babae sa kwarto at naglakad sila papunta sa kabilang gilid ng villa.
Nagkataon naman na nakita sila ni Fane, na noo'y umiinom pa kasama ang ibang mga sundalo.
Napalingon siya at sumimangot. "Nakakapagtaka, ano kaya yung pinag-uusapan nila sa kwarto ng yun? At bakit ang sama ng ekspresyon sa mukha ng dalawang artista na yun?"
Haba
Naka-lock na chapters
I-download ang Webfic app upang ma-unlock ang mas naka-e-excite na content
I-on ang camera ng cellphone upang direktang mag-scan, o kopyahin ang link at buksan ito sa iyong mobile browser
I-click upang ma-copy ang link