Kabanata 20
"Yay, yay! Kakain na tayo!"
Nakasuot si Kylie ng isang magandang princess dress habang masayang lumulundag sa courtyard.
"Madam, hindi ako makakasama sa inyo. Mauuna na ako, may mga kailangan pa akong asikasuhin."
Ngumiti si Jenny kay Selena.
"May date nanaman kayo ng boyfriend mo? Ikaw talaga. Dalian mo na!" Ang sabi ni Selena habang nakangiti kay Jenny.
Nakatapos nang maligo si Joan noong mga oras na yun. Isinuot niya ang bagong damit na binili ni Fane para sa kanya; nagmukha siyang mas bata sa suot niya. Kahit na nasa kwarenta na siya, mukha siyang mas bata at mas elegante.
Lubhang napakaganda ni Joan, at napakaelegante rin niya. Kahit na madalas niyang suot ang kanyang uniporme, lumilitaw pa ein ang kanyang natatanging kagandahan.
Ito rin ang dahilan kung bakit nahulog ang loob ng tatay ni Fane sa kanya.
Yun nga lang…
"Ang ganda mo sa suot mo Ma!“
Ngumiti si Selena habang nakatingin kay Joan.
"Ikaw talaga. Huwag nga ako; matanda na ako!"
Natawa si Joan habang nagsasalita.
Hindi mapigilan ni Fiona na bumulong-bulong dahil sa kanyang nakikita. "Ako ba talaga ang nanay niya, o siya?" ang sabi ni Fiona. "Bwisit…"
Habang nagkakasiyahan ang iba, si Andrew ay nanatili sa isang sulok at nanigarilyo. Nakasimangot siya at tila malalim ang kanyang iniisip.
Pagkalipas ng ilang sandali, tinapik niya si Fiona gamit ng kanyang siko at sinabing, "Sinabi ni Fane na kaya niyang pagalingin ang binti ko. Tingin mo ba posible yun?"
Agad na sumagot si Fiona, "Naniniwala ka talaga sa kalokohan niya? Hindi mo ba alam kung sino siya? Sundalo lang siya, tingin mo ba mapapagaling niya yang binti mo? Sa tingin ko lalo lang niyang sisirain yang binti mo!"
Hindi makasagot si Andrew.
Hindi na nakipagtalo pa si Andrew dabil sa pagkapahiya niya.
Tumingin si Fiona sa direksyon ng paliguan at nagsalita.
"Bakit ba ang tagal maligo ng bwisit na yun? Gutom na 'ko!"
Tiningnan ni Andrew ang oras at sinabing, "Limang minuto pa lang ang lumipas. Ikaw nga halos kalahating oras ka naligo…"
Kahit na mukhang luma at sira-sira na ang bahay nila, maganda ang lokasyon nito.
Pagkatapos maligo ni Fane, nagsimula silang mag-usap-usap kung saan sila kakain.
"Hmmm, huwag dito. Masyadong cheap. Kulang pa yan!"
"Mas malala naman 'to. Isang public buffet? Walang kwenta!"
Habang naglalakad siya, sinadya ni Fiona na tingnan nang masama at inisin si Fane. "Fane, ang sabi mo ililibre mo kami. Gusto kong kumain sa mamahaling restaurant. May dala ka bang pera? Huwag mong subukan na iwan kami pagkatapos naming kumain!"
"Huwag kayong mag-alala. Ngayon ang unang araw na ililibre ko kayong lahat ng pagkain, kaya dapat maging masaya tayong lahat. Mahal kong mother-in-law, sabihin mo lang kung saan mo gusto, at kumain ka hangga't gusto mo!"
Lumingon ai Fane kay Kylie na karga ni Selena. Inabot niya si Kylie at sinabing, "Kylie, pakarga naman si Daddy!"
Tumingin si Kylie kay Selena, na tila hinihingi ang pagpayag niya.
"Kylie, siya ang tatay mo. Dali, tawagin mo ang tatay mo. Magpakarga ka sa kanya."
Naghalo ang emosyon ni Selena. Nalungkot siya sa katotohanan na hindi maaaring mawalan ng tatay ang isang bata. Noong isinilang ang kanilang anak, nagsimula rin ang kanyang paghihintay.
Natakot siya. Natakot siya na masawi si Fane sa digmaan.
“Da—Daddy!”
Tinawag at inabot ni Kylie ang kanyang ama.
Bilang ang Supreme Warrior, nadurog ang puso ni Fane noong marinig niya ang malambing na boses ng kanyang anak.
Iyon ang unang beses na tinawag siyang 'daddy' ni Kylie.
Sa limang taon niyang pakikipaglaban, pakiramdam niya ay tuluyan na siyang naging manhid. Subalit, hindi niya inasahan na lalambot ang puso niya pagkatapos siyang tawaging 'daddy' ng kanyang anak.
"Dito tayo kumain. Mukhang ayos tong lugar na to!"
Habang karga ni Fane si Kylie, napansin ni Fiona ang isang magandang restaurant. Kahit na wala ito sa isang magarbong hotel, kamangha-mangha at mukhang pang mayaman ang restaurant na ito.
Ang punto dito, malamang napakamahal ng renta ng restaurant na yun para maitayo sa lugar na ito. Sa madaling salita, malamang mahal din ang mga pagkain dito.
"Hmmm… Maganda ang taste mo, Ma. Romantic ang lugar na to, at maganda rin ang interior design nito. May tumutugtog din sa paligid. Yung mga taong may alam kung paano enjoyin ang buhay lang ang pipili sa lugar na to!"
Sumang-ayon si Fane pagkatapos niyang tingnan ang lugar.
"Hindi ba obvious? Sino bang pumili niyan!"
Tila nagmamataas si Fiona at inirapan si Fane. "Huwag mong isipin na mapapatawad kita sa lahat ng ginawa mo kapag pinuri mo ako." ngumisi si Fiona. "Sinasabi ko na sayo, yung ten million na yun…"
…
Agad nilapitan ng isang magandang waitress ang grupo nila Fane noong makita nito na palapit sila.
"Pasok po kayo! Kasing ganda ng mga nasa magarbong hotel ang serbisyo namin dito. Bukod dun, karamihan sa mga customer namin ay mga mayayamang tao…"
"Gusto ko ng pwesto na malapit sa bintana!"
Tumango si Fane at umupo na silang lahat. Dinalhan sila ng menu ng magandang waitress.
"Ako nang oorder!"
Agad na hinablot ni Fiona ang menu. Pagkatapos niyang magtingin, itinuro niya ang lobster at sinabing, "Mukhang masarap to. Aabot sa isang libo o higit pa ang isa nito, tama ba? Ilan ba tayo? Bigyan mo kami ng isa kada tao!"
"Ma, bakit ganun karami yung inorder mo? Hindi mo ba naisip na sayang yun?"
Walang masabi si Selena. Base sa ginagawa ni Fiona, mukhang sinasadya niya na pahirapan si Fane.
"Paano mo naman nasabi yan? Siya na mismo nagsabi; kaya niyang kumita ng 30 million sa loob lang ng isang buwan. Ibig sabihin, kumikita siya ng 100,000 sa isang buwan, tama? Para sa taong gaya niya, palagay mo ba hindi niya kayang bayaran yun?"
Sinadya ni Fiona na lakasan yung boses niya.
Sa isang iglap, nagtinginan sa kanila ang mga tao sa ibang mesa.
"Grabe… ganun siya kayaman? 100,000 kada araw? Nagyayabang ba siya? 30 million sa isang buwan. Ibig sabihin ba nun kumikita siya ng 300 million taun-taon?"
Maririnig ang pagkamangha ng isang babae.
"Kalokohan yun. Hindi halata sa itsura niya. Hindi ba't parang simple lang ang suot niya?"
"Totoo ba yun? Bakit dito siya pumunta kung kumikita siya ng thirty million sa isang buwan? Bakit hindi sila pumunta sa isang five-star restaurant?"
"Tingin mo ba mura lang pagkain dito? Walang mura dito. Mapapagastos ka ng libo-libo sa pagkain dito."
Pinagtitinginan na ng mga tao si Fane. Naiinggit ang iba, habang yung iba naman ay interesadong malaman kung sino siya.
Ngumisi si Fiona noong mapansin niya na nakatingin sa kanila ang lahat. Siguradong mapapahiya siya kapag hindi siya makapagbayad mamaya. Kapag nangyari yun, wala nang mukhang ihaharap pa si Fane kay Selena!
"Kailangan mo ba talagang lakasan yung boses mo kapag umoorder, Ma?"
Hindi makapagsalita si Selena. Mukhang gusto talagang ipahiya ni Fiona si Fane.
"Pasensya na, malakas talaga ang boses ko!"
Tumawa si Fiona at agad na naghalukipkip. "Ayos lang naman sayo, di ba Fane? Alam mo namang tinatawag na pinaka magandang babae sa buong Middle Province si Selena!"
"Wala siyang kapantay. Kung hindi mo kayang bayaran yan, tingin mo ba karapatdapat ka sa kanya?"
"Kung hindi mo kayang bayaran ang mga inorder ko, hiwalayan mo na siya habang maaga pa! Sila Young Master Wilson at Young Master Clark lang ang makakapagpasaya sa anak ko!"
Tiningnan niyang maigi si Fane habang nagsasalita siya. Madiin niyang sinabi ang bawat salita niya. "Hihilahin mo lang pababa ang anak ko. Pati ang buong pamilya namin. Payo ko lang sayo: Huwag mong ipahiya ang sarili mo!"
Natawa si Fane noong marinig niya ang sinabi ni Fiona at tila hindi siya natinag sa mga sinabi nito. "Mahal kong mother-in-law, paano mo nasasabi ang lahat ng yan? Huwag kang mag-alala; Ako lang ang tanging makakapagpasaya kay Selena. Mababayaran ko pa rin ang lahat, kahit na orderin mo pa ang buong menu!"
"Haha! Mabigat yang mga sinasabi mo. Kung ganun, oorderin ko na pala lahat!"
Kumibot ang mga labi ni Fiona habang pinipigilan niya ang inis niya. Gusto niyang malaman ni Fane kung ano ang ibigsabihin ng walang awa!