Kabanata 1992
Nang nakabalik si Fane sa kanyang kwarto, kaagad niyang inutusan si Brook na gawin ang palitan sa Seven Stars Hall. Ang tungkulin ng isang runner disciple ay magsagawa ng ilang gawain para sa mga formal at informal disciples at si Brook ay maituturing na isang beterano pagdating sa mga bagay na ito. Mabilis siyang nakarating sa Seven Stars Hall dala ang jade identity card ni Fane at ang spirited crystals, habang naghihintay naman si Fane sa kanyang pagbabalik.
Pwede naman si Fane na lang ang gumawa ng palitan mismo pero ayaw niya sa maraming tao. Bukod dun, sikat siya ngayon sa mga informal disciples at mas makakabuti kung iiwas siya na masangkot sa anumang pakikipagtalo kay Wesley. Alam niya na hindi palalampasin ni Wesley ang anumang pagkakataon para pagsalitaan siya ng masama at ayaw niyang mag-aksaya ng laway sa ganun klaseng tao.
Nakabalik si Brook makalipas ang isang oras at binalik kay Fane ang jade identity card na matagumpay na na-update na may lamang limampung contribution

Naka-lock na chapters
I-download ang Webfic app upang ma-unlock ang mas naka-e-excite na content
I-on ang camera ng cellphone upang direktang mag-scan, o kopyahin ang link at buksan ito sa iyong mobile browser
I-click upang ma-copy ang link