Kabanata 1851
Tumango rin si Nash. "Noong una, magandang balita nga para sa'tin ang pagtatayo ng isang bagong clan. Gayunpaman, nang sinabi niyang ang hinaharap at ang kahit na anong desisyon patungkol sa clan ay pagpapasyahan ng clan master—parang may mali. Kung ganun, wala tayong karapatang magsalita kapag siya ang naging clan master sa hinaharap!"
"Tama. Kapag may delikadong misyon sa hinaharap, tiyak na ang mga tao natin ang ipapambala niya. Lalo na't siya ang First Fortress Master ng Nine Armies. Tiyak na mas matimbang sa kanya ang mga orihinal niyang kasamahan!"
Galit na galit rin si Kenneth. "Kung alam lang natin na gusto lang tayong kunin ng lalaking to sa umpisa pa lang, sana pala sumama na lang tayo sa mga tao mula sa Pavilion Billow Cloud!"
Mapait na ngumiti si Titus. "Masyado kang simple mag-isip. Ganun pa rin ang mangyayari kapag sumama tayo sa Pavilion Billow Cloud. Hindi ba kinuha ng Pavilion Billow Cloud ang natitirang tao ng Hall of Divine Royal at Skies Pavilion? Sa tingin ko

Naka-lock na chapters
I-download ang Webfic app upang ma-unlock ang mas naka-e-excite na content
I-on ang camera ng cellphone upang direktang mag-scan, o kopyahin ang link at buksan ito sa iyong mobile browser
I-click upang ma-copy ang link