Kabanata 1797
Halatang hindi nagpigil ng lakas ang kalaban niya ngayon. Kaagad siyang gumamit ng second-grade martial skill, at isang imahe ng Chi na mukhang lawin ang lumitaw sa harapan niya. Sumugod iyo nang may nakakatakot na aura.
"Mag-ingat ka, Fane. Masyadong malakas ang lalaking yan!"
Nang naramdaman ni Nash ang makapangyarihang aura ng lalaki habang lumipad siya para labanan ang mga disipulo mula sa Bloodshed Clan, hindi niya napigilang balaan si Fane.
"Wag kang mag-alala, Ama. Hindi ko hahayaang mapatay niya ako nang ganun kadali!"
Hinigpitan ni Fane ang hawak niya sa espada niya at kaagad na pinadaloy ang Chi niya na binuhos niya sa espada.
Hum!
Nang pumasok ang chi sa espada, isang umuugong na tunog ang narinig. Samantala, lumakas rin ang aura ni Fane.
"Maganda ang espadang yan, at tinutulungan ka rin nito na palakasin ka. Mukhang isa yang ultimate-grade spiritual tool."
Bahagyang nagliwanag ang mga mata ni Simon nang nakita niya ang espadang hawak ni Fane.
Gayunpaman, ma

Naka-lock na chapters
I-download ang Webfic app upang ma-unlock ang mas naka-e-excite na content
I-on ang camera ng cellphone upang direktang mag-scan, o kopyahin ang link at buksan ito sa iyong mobile browser
I-click upang ma-copy ang link