Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 9

Noong una, hindi alam ni Carla ang ibig sabihin ni Sheila at Rachel. Dito lang niya napagtanto naang akala nila ay anak niya si Shannon. Perpektong palusot ito para ipaliwanag kung bakit pinagbibintangan siya ni Shannon. Tulad ng inaasahan, lalong nandiri ang tingin ni Scott kay Shannon dahil ang paliwanag ni Carla ay may kinalaman sa nangyari kanina lang. “Ang babaw mo naman! Kailangan mo ba umabot sa ganitong punto kahit na wala siyang ginawa sa iyo? Tignan mo ang problemang dala mo sa unang araw mo dito. Napaka—“. Bago pa niya masabi na gumagawa siya ng gulo, isang malamig at malakas na boses ang narinig niya. “Scott.” Sapat na ito para matahimik si Scott. Tinignan niya si Hector at napaatras siya ng makita ang lamig ng ngiti niya. Hindi na siya naglakas loob na magsalita pa, pero hindi nawala sa mga mata niya ang indikasyon na hindi siya natutuwa. Tumaas ang kumpiyansa ni Carla, dahil alam niyang kakampi niya si Scott. Tumayo siya ng diretso, mukhang nagagalit dahil pinagbintangan siya. “Kung hindi ka naniniwala sa akin, Ms. Shannon, puwede mo ipatingin ang kuwarto ko. “Wala akong ginawang mali, hindi ako natatakot na kuwestiyunin. Maaaring katulong lamang ako dito, pero hindi ibig sabihin hahayaan ko na pagbintangan ako at siraan!” Napukaw ang atensyon ng iba pa na mga staff sa komosyon, pero walang naglakas loob na lumapit. Matapos makaisip ng ideya sa nangyayari, hindi nila mapigilan na maging masama ang tingin kay Shannon. Narinig nila na pinalaki siya ng mayamang pamilya; mukhang ang ugali niya ay mapagmataas na mababa ang tingin sa mga staff sa bahay. Walang may gusto na mababa ang tingin sa kanila, kaya agad na naging masama ang impresyon nila kay Shannon. Natural, napansin ni Adam ang mga pagbabagong ito. Tinginan niya si Shannon at may sasabihin na sana para matigil ang gulo ng magtanong ng kalmado si Shannon, “Kailan ko sinabi na nagnakaw siya ng pera ng pamilya Jensen?” Nabigla ang lahat sa mga sinabi niya. Si Scott ang unang nagsalita, “Ikaw mismo ang nagsabi—pinagbibintangan mo siya na nagnakaw si Carla mula sa amin! Ano, iba na ngayon bigla ang sinasabi mo?” Tinignan siya ni Shannon. “Ang sabi ko, ninakaw niya ang sumwerte sa pera ng pamilya Jensen. Si Cecily ang nagsabi na si Carla ay nagnakaw ng pera. Hindi alam ni Shannon kung ginawa niya ito para mali ang isipin ng iba o kung tunay na nagkamali lamang siya, pero malinaw na mali ang naisip ng lahat. Nagpatuloy si Shannon, “Ang pagnanakaw ng suwerte sa pera at pagnanakaw ng pera ay dalawang magkaibang bagay.” Walang mapapala sa paghahalugbog sa kuwarto ni Carla, kaya matapang ang loob niya na sabihin ito. Hindi naintindihan ni Scott ang ibig sabihin niya at ang akala ay nagdadahilan lang siya. “Paano mo mananakaw ang suwerte sa pera ng tao? Bukod pa doon, tumigil ka na sa mga kalokohan mo. Malinaw na ginagamit mo lang ito para maging nakakatakot ka!” Tinignan siya ni Hector na tila ba binabalaan. Ano naman kung nagsisinungaling si Shannon para maging maganda ang tingin sa kanya? Gamit ang estado niya, puwede siyang magsinungaling hanggang sa gusto niya! Bukod pa doon, pakiramdam niya totoo ang sinasabi ni Shannon. Marahil dahil ito sa pagiging kalmado niya. Ang mga miyembro ng nakatataas na lipunan ay naniniwala sa mga misteryosong mga bagay—kahit ang pamilya Jensen ay may kilalang mga geomancy masters. Pero 18 pa lang si Shannon… paano siyang magkakaroon ng kaalaman dito? Nagdududa si Hector, pero ang iba ay iniisip na puro kalokohan lang ang sinasabi niya. Hindi gusto mag-aksaya ng laway ni Shannon kay Scott. Humarap siya kay Carla at itinuro ang isang direksyon. “Anong nakalibing doon?” Itinuro niya ang puro mga bulaklak sa isang sulok ng hardin. Ito ang puwestong tinitignan lagi ni Carla habang wala sa sarili kanina. Nabalisa si Carla; nanlumo siya ng makita niya kung saan nakaturo si Shannon. Pinagpawisan siya ng malamig sa noo, at malapit na itong tumulo. Hindi, hindi maaari. Alam ni Shannon kung anong ginawa niya… Paano ito nangyari? Nahulaan na ni Adam na may bagay doon ng makita ang reaksyon ni carla. Humarap siya kay Thomas at sinabi, “Tignan mo ito.” Napapaisip si Thomas sa kung anong nangyari. Sa utos ni Adam, nagmadali siyang tumungo sa direksyon na itinuturo ni Shannon. Lumapit ang mga tao kasama niya at lumapit sa taniman ng mga bulaklak. Habang napapaisip ang iba, hindi naniwala si Scott sa sinasabi ni Shannon. Gusto lang niya makita kung anong pinaplano niya. Itinuro ni Shannon ang isang partikular na puwesto. Yumuko si Thomas ng walang sabi-sabi at naghukay gamit ang maliit na pala. Habang naghuhukay, namutla si Carla at bumigay ang mga binti niya. Sayang lang at walang nakakita dahil nakafocus sila kay Thomas. Maluwag ang lupa sa taniman ng mga bulaklak, kaya hindi mahirap para kay Thomas na makita ito. Sandali lang at nakahukay ng butas si Thomas na tila may tinatakpan. Kumiminang ang mga mata niya. “Nakita ko na!” Ginamit niya ang maliit na pala para hukayin ang itim na plastic bag na maghipit na nakabalot sa isang bagay. Sa oras na buksan niya ito, isang mabahong amoy ang nagmula sa paper bag sa loob ng plastic bag. Nalukot ang ekspresyon ni Thomas. Pinigilan niya ang kagustuhan niyang sumuka noong inabot ang paper bag. Pinigilan siya ni Shannon bago niya ito mahawakan. “Huwag mo ito hawakan.” Napatingin ang lahat sa kanya. Humakbang siya palapit at naglabas ng talisman, idinikit ang papel sa paper bag. Ang mga nanonood ay hindi alam kung imahinasyon lang nila ang nakita nila pero ang kulay ng paper bag ay mukhang naging maputla at tumanda sa oras na madikit ang talisman doon. Tinignan siya ni Thomas. Noong tumango siya, binuksan niya ang paper bag gamit ang gloves. Nagkataon na ang paper bag ay may malaking piraso ng papel sa loob na pula. Mukha itong pangkaraniwang klase ng papel. Pero may mga date at astrological houses na nakasulat doon. Ang mga salita ay mukhang nakasulat gamit ang dugo na natuyo na at naging kulay itim. May nakasusulasok na amoy. Mukhang ilang hibla ng buhok na nakabalot kasama ang papel na may talisman at nakakakilabot na simbolo. Malinaw na sinadyang ilibing ang bagay na ito dito. Iyon, at katulad ng mga sinabi ni Shannon kanina, naging malinaw sa lahat kung anong dapat nito gawin. Pero, hindi sila makapaniwala na magagawa ng bagay na ito na nakawin ang suwerte sa pera ng pamilya Jensen. Hindi makapaniwala ang ekspresyon ni Scott ng makita niya na may nahukay si Thomas. Humarap siya kay Carla na nanginginig ang mga labi at mukhang malungkot. “H-Hindi ako ang naglagay niyang dyan. Hindi ko pa iyan nakikita buong buhay ko! Mr. Scott, Ms. Cecily, magtiwala kayo sa akin…” Ibinuka ni Scott ang bibig niya para may sabihin, pero nauna magsalita si Shannon. Sinabi niya. “Madali natin malalaman kung ikaw ang naglagay nito dito sa pagtingin sa surveillance footage.” Tumingin siya sa paligid at nakita na may surveillance camera sa bawat sulok. Hindi mahirap na alamin ang totoo. “Ang isang talisman na nagnanakaw ng suwerte ay kailangan maisulat gamit ang dugo ng taong gusto na baliktarin ang suwerte nila—ikaw iyon. “Ang mga buhok na nakabalot sa papel ay pag-mamayari ng pamilya Jensen, kaya may ugnayan ka sa dugo ng pamilya Jensen. Sa ganitong paraan, mananakaw mo ang suwerte sa pera ng pamilya Jensen. Tama ba ako?” Nanginig si Carla at napaluhod. Sapat na ito para sabihin sa lahat ng nandito na siya ang nasa likod ng talisman. Para naman sa buhok, madali para sa kanya ang makakuha ng mga nahulog na buhok sa sahig dahil matagal na siyang nagtatrabaho sa pamilya Jensen. Pero hindi nila malaman kung kaninong mga buhok ito. “K-kahit na siya ang naglagay ng talisman dito, hindi ibig sabihin na siya ang nagnanakaw sa suwerte sa pera ng pamilya Jensen. Maaaring—” ayaw tanggapin ni Scott ang totoo. Malamig siyang tinignan ni Hector. “Tumahimik ka. Huwag mo hintayin na ulitin ko ang sinabi ko.”

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.