Kabanata 4
Ang Jensen residence ay matatagpuan sa Silver Bay Estate, na nasa sentro ng Seastone City. Ito ang pinakaprestihiyosong neighborhood sa lungsod.
Nasa lugar ito na kung saan ang halaga ng bawat espasyo ay napakamahal, pero 80% ng neighborhood ay puro kalikasan. Maliban sa manmade na lawa, mayroon din na malawak na park at fountain.
Ang mga security guard ay retired special troops, at kailangan maberipika muna ang assets bago makabili ng lupa dito. Kailangan ito dahil ang mga maaari lamang tumira dito ay ang mga nakatataas sa lahat ng nakatataas.
Narinig na ni Shannon ang tungkol dito—pangarap ni Francis na magkaroon ng lugar dito dahil ibig sabihin magiging kapitbahay nan iya ang mga tao sa rurok ng social pyramid ng Seastone City. Ibig sabihin kabilang na din siya sa mga ranggo nila.
Ang Maybach entourage ay pumasok sa neighborhood ng walang kahirap-hirap at tumigil sa harap ng four-story manor pagkatapos dumaan sa malawak na kapatagan ng damo. Si Hector at Shannon ay bumaba, pero nanatili si Benjamin na nakaupo.
Hindi tama na istorbohin niya ang pamilya Jensen ngayon at mayroon silang family reunion, kahit na gaano sila kamagkasundo ni Hector. Basic manners ito.
Kumaway si Hector. Pinanood ni Shannon ang Maybach entourage na patungo sa villa sa malalim na bahagi ng neighborhood.
“Ang Cooper residence ay malapit lang. Dadalhin kita doon balang araw para pormal na ipakilala,” sambit ni Hector. Pagkatapos, isinama niya si Shannon papasok sa manor.
Classica ang estilo nito at magara ang dating. Pagkatapos daanan ang hardin at foyer, dumating sila sa living room. Doon, nakita ni Shannon ang pamilya Jensen na nakaupo. Habang papunta sila doon, ipinakilala na ni Hector sa kanya ang pamilya.
Tulad ng hula niya, ang pamilya Jensen nga ay isa sa pinakaprestihiyosong pamilya sa Seastone City. Ang patriarch na si George Jensen, ay may apat na mga anak—tatlong lalake at isang babae. Ang bawat isa sa kanila ay may mga pamilya na.
Nawala na si George mula sa frontlines dahil sa kalusugan niya, kaya ang Jensen Corporation ay ipinasa na kay Adam Jensen, ang pinakamatandang anak.
Ang ikalawang anak, si Alex Jensen, ay sikat na singer nong araw. Hindi nagtagal, gumawa siya ng sarili niyang entertainment company at isa na ngayon sa mga bigatin sa industriya.
Ang ikatlong anak, si Adrian Jensen, ay ang vice president ng Jensen Corporation. Siya ang namumuno sa essential industries ng kumpanya.
Ang nag-iisang anak na babae, si Annalise Jensen, ay isang career woman. Gumawa siya ng sarili niyang fashion brand na kilala na ngayon sa buong mundo at maimpluwensiya sa indutriya ng fashion.
Ang mga apo ay halos puro lalake, maliban sa pinakabatang anak ni Alex. Nandoon din si Cecily Snowden, ang kamaganak ng asawa ni Geroge, sa side ni Marie Snowden.
Tinignan sila ni Shannon at napagtanto na halos lahat ng miyembro ng pamilya ay nandito. Noong pumasok siya, tinginan siya ng lahat. Halo-halo ang mga tingin nila sa kanya, napapaisip, kanya-kanyang ispekulasyon, mapanglait… Mayroon din mga hindi natutuwa.
“Lolo,” sambit ni Hector, mukhang kalmado siya. Naglakad siya palapit at binati ang matandang lalake na nakaupo sa gitna ng sofa. Kasabay nito, sinabi niya, “Heto si Shannon.”
Humarap siya kay Shannon at sinabi, “Shannon, batiin mo si lolo.”
Tinignan niya si George, na nakangiti sa kanya. Hindi siya magaling masyado sa physiognomy, pero batid niya na madiin siya sa kanyang paninindigan kahit na nakangiti siya. Sa madaling salita, isa siyang tao na sanay magbigay ng mga utos.
“Lolo.” Bati ni Shannon.
Tumango siya at sinabi, “Mabuti at nagbalik ka na. Simula ngayon, anak ka na ng pamilya Jensen. Wala ng makakaapi sa iyo.”
Humarap si Hector kay Adam, na nakaupo sa tabi ni George. “Ito ang ama natin.”
Sinundan ni Shannon ang mga mata niya. Kumpara sa pagtanggap ni George na mainit, malamig si Adam. Base sa hulma ng mukha niya, malamig siyang tao pero madaling mapansin na guwapo siya noong bata pa siya.
Makikita ang bakas ng panahon sa mukha niya, pero hindi siya nagmukhang matanda. Sa halip, binigyan siya ng karisma ng nakatatandang lalake. Hindi siya katulad ni Francis.
Sinabi ni Shannon, “Ama.”
Humigpit ang panga ni Adam ng tawagin siyang ama pero wala siyang reaksyon habang nakatingin sa kanya. Pagkatapos ng ilang sandali, umungol lang siya bilang pagtanggap.
Ipinakilala ni Hector si Shannon sa iba pa na miyembro ng pamilya Jensen. Pagkatapos ng pagpapakilala, napagtanto niya na maliban kay Marie, na nasa sanitorium, at pinsan na nandito. Wala ang nanay niya.
Base sa sinabi ni Hector, matapos kunin si Shannon, ang nanay niya ay pinuntahan ang kidnapper mismo. Sa prosesong ito, nahulog siya sa dagat. Hanggang sa araw na ito, hindi pa nakikita ang bangkay niya.
Si Linda Young, ang asawa ni Alex, ay sabik na lumapit at kumapit sa braso ni Shannon—dahil siguro sa masyadong tahimik si Shannon. Makikita sa mga mata ni Linda na nasasaktan para kay Shannon at natutuwa ng sinabi, “Pagod ka na siguro sa pagpunta mo dito, Shannon.
“May inutusan na ako para linisin ang kuwarto mo. Bakit hindi mo puntahan kung magugustuhan mo? Ipaalam mo lang sa akin kung may hindi ka ikinatutuwa doon.”
Mahigpit si George pagdating sa tradisyon na dapat ang extended family ay kasama ng main family habnggang sa buhay pa ang partriarch at matriarch. Maliban kay Annalise, na ikinasal na, ang tatlong mga anak ni George ay nasa manor.
Mukhang nasa 40 na ang edad ni Linda, pero inaalagaan niya ng mabuti ang sarili niya, mapa itsura man o katawan. Isang tingin lang at sapat na para makitang asawa siya ng mayaman. Pero sa mga mata ni Shannon, hindi bagay kay Linda ang nasasaktan na itsura sa kanyang mataas na tingin sa sarili at obsessive na mukha.
Dahan-dahan siyang umalis sa kapit ni Linda sa kanyang braso. Pasasalamatan na niya sana ng magalang si Linda ng may lalakeng nasa 13 o 14 ang edad ang lumapit. Sinabi niya, “Maghanda ka ng isa pang kuwarto para sa kanya, Tita Linda.
“Ang pinili mo na kuwarto ay lalagyan ng mga manika ni Cecily. Kung ibibigay mo sa kanya ang kuwartong iyon, wala ng espasyo ang mga manika at stuffed toy ni Cecily.
Ang pangalan ng bata ay Scott Jensen, at siya ang pinakabatang anak ni Adrian. Isa rin siya sa pinakamarahas na miyembro ng pamilya.
Tulad ng inaaasahan, sa oras na magsalita siya, ang mga ekspresyon ng mga tao sa living room ay nalukot. Tinitigan siya ni Adrian ng masama at sinabi, “Anong kalokohan ang sinasabi mo? Wala itong kinalaman sa iyo!”
“Bakit ako ang pinagpagalitan mo? Hindi ako mali!” taas noo si Scott. “Maraming kuwarto sa bahay, pero kailangan niyang kunin ang doll room ni Cecily ngayon at nagbalik siya. Anong karapatan niya na gawin ito?”
Isang babae ang tumayo, pinagalitan siya. “Tama na, Scottie.”
Siya si Cecily Snowden, ang anak ng isa sa mga kamag-anak ni Marie. Noon, isinama siya ni Marie sa pamilya Jensen para gumaan ang pakiramdam nila sa pagkawala ni Shannon. Sa mga oras na iyon, nakakatulong siya sa pagbabalanse ng kakulangan ng babae sa pamilya Jensen.
Pinalaki si Cecily ng pamilya Jensen noong tatlong taong gulang pa lang siya at nakasamang lumaki ang ibang mga apo.
Humarap siya kay Shannon at mahinhin na sinabi, “Huwag ka magalit sa kanya, Shannon. Wala siyang ibig sabihin dito; hindi lang niya gusto na apihin ako. Iyo na nag kuwartong iyon dahil ibinigay ito sa iyo. Okay lang ako.”
Welcoming at galante ang ugali niya, pero ang bawat salita niya ay may hinanakit. Isa itong bagay kung saan pamilyar na pamilyar si Shannon—ganito umarte si Rachel.
Hindi mapigilan ni Shannon na isipin ang buhay niya. May mali ba sa kanya at lagi siyang nakakaakit ng mga mapagplanong mga tulad ni Rachel at Cecily?
Humarap si Cecily at nagkunwaring galit at sinabi, “Humingi ka ng tawad kay Shannon, Scottie. Pinsan mo siya.”
“Hmph.” Singhal niya, mapanglait ang itsura. “Hindi ko siya pinsan.”
Bigla, may humampas ng baso sa lamesa. Naging tahimik bigla.