Kabanata 513
“Kung hindi kayo komportableng pumunta siya sa bahay bukas, okay lang. Tatawagan ko nalang siya mamaya na wag siyang pumunta.” Nagmamadaling dagdag ni Avery.
Base sa reaksyon ng mga anak, mukhang ayaw ng mga ito.
Nahimasmasan si Layla at excited na sumagot, “Maglilinis siya sa bahay?! Kung oo, papunta siya Mommy tapos ipalinis natin sakanya yung buong bahay natin para mamatay siya sa pagod!”
Alam naman ni Avery na hanggang salita lang naman si Layla dahil noong nahimatay nga si Elliot sa harap nito ay halos hindi na ito maawat kakaiyak!
“May gusto ba kayong kainin? Sabihin niyo lang sa akin para yun ang ipapaluto ko sakanya.” Nakangiting sabi ni Avery.
Mahilig kumain si Layla kaya inisip niya kaagad kung anu-ano ang mga gusto niyang kainin bukas.
Pero sa kabilang banda, hindi natutuwa si Hayden at nakakunot ang noo niya na nagtanong, “Mommy, nagkabalikan na ba kayo?”
“Hindi… Gusto niya lang talagang bumawi sa lahat ng mga nagawa niya noon at sa tagal naming magkakilala, ngay
Naka-lock na chapters
I-download ang Webfic app upang ma-unlock ang mas naka-e-excite na content
I-on ang camera ng cellphone upang direktang mag-scan, o kopyahin ang link at buksan ito sa iyong mobile browser
I-click upang ma-copy ang link