Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 9

Kaagad na sumama ang timpla ko at nagmatigas akong manahimik. Mas lalo lang nainis si Elijah dito. Sinubukan niya ulit akong hablutin, pero sumigaw ako, “Wag mo kong hawakan!” Natawag nito ang atensyon ng mga pasyenteng naghihintay ng pagpapagamot nila. Sa sumunod na sandali, napakaraming mata ang nanood sa'min ni Elijah habang interesadong makita kung anong nangyayari. Dumilim ang ekspresyon ni Elijah. Pagkatapos, lumapit siya at hininaan ang boses niya nang nagbabanta, “Sumama ka sa'kin. Pwede natin tong pag-usapan sa bahay!” Umatras ako at sumigaw, “Hindi!” Nang may nagbabantang mga mata, tinaas ni Elijah ang boses niya at mas lalong naging bakas ang pagbabanta sa tono niya, “Talagang matapang ka na ngayon, ha? Hindi na kita guguluhin kapag nagpatuloy ka nang ganito!” Lumingon ako palayo. “Wag mo na pala akong guluhin! Yun mismo ang gusto ko. Hindi ko kailangang utus-utusan mo ko.” Gusto pa rin akong hilahin ni Elijah, ngunit biglang huminto ang kamay niya nang nahawakan niya ang balikat ko. Para bang ngayon niya lang napansin ang nagawa niya. Hininaan niya ang tono niya at nagsabing, “Aaminin kong aksidente kitang nasaktan kanina, at tiyak na magagalit ka. Pero ginagawa ko lang to para sa'yo, di ba? Magpakabait ka na at umuwi kasama ko.” Namumuhi akong ngumiti nang walang sinasabi. Sumama ang ekspresyon ni Elijah nang matagal siyang hindi nakatanggap ng sagot. Alam kong binigyan na niya ako ng pagkakataong kalimutan ito. At base sa sinabi sa'kin ni Teri, kuhaan kong patatawarin si Elijah nang hindi man lang siya humihingi ng tawad sa'kin. Gayunpaman, hindi na ako ang Ariana na nawalan ng bait sa sarili at sinipa ang dignidad niya sa isang tabi para sa tinatawag niyang pag-ibig. Ayaw ko nang magpatuloy sa ganoong buhay. Sobrang nainis si Elijah sa katahimikan ko. Ngumisi siya. “Ito pala ang gusto mo, ha? Sige pala. Gawin mo ang kahit na anong gusto mo dahil ayaw mong umuwi kasama ko. Tignan nating kung sino sa Halton City ang gugustuhin kang kupkupin!” Diretso akong nagsabi, “Wala ka namang kinalaman roon, di ba, Mr. Linden?” Biglang lumapit si Elijah. Kinilabutan ako sa malamig at mabangis na boses niya nang sinabi niyang, “Wag mong pagsisihan ang katigasan ng ulo mo ngayon, Ariana. Hindi ako makapaghintay na makita kung gaano ka tatagal.” “Mr. Linden?” isang malumanay na boses ang bumasag sa tensyonadong ere sa pagitan namin ni Elijah. Lumingon si Elijah at naningkit ang mga mata niya kay Logan, na hawak ang resibo para sa medical bill. Pagkatapos ay hininaan niya ang tono niya at bumuntong-hininga, “Pasensya na at nasaksihan mo ito, Mr. Wood. Pinagmukhang tanga ng asawa ko ang sarili niya sa harapan mo.” Parang gusto ko siyang atakihin sa pinaparating ng mga salita ni Elijah. Gayunpaman, lumapit si Logan sa kanya at malamig na nagsabing, “Masyado kang magalang, Mr. Linden. Parang kapatid ko na si Ari, at bilang kapatid niya, kailangan ko siyang ipagtanggol tuwing may nang-aapi sa kanya.” Maging ako ay nagulat na marinig ito, lalo na si Elijah. Nagdududa siyang tumingin sa'kin bago lumingon pabalik kay Logan. Pagkatapos, tinuro niya ako, at para ba siyang hindi sigurado nang natanong siya, “Kilala mo siya, Mr. Wood?” Tumango si Logan. “Oo. Hindi lang kami magkakilala, pamilyar na pamilyar din kami sa isa't-isa.” Mukhang hindi makapaniwala si Elijah. Sa sumunod na sandali, kumilos ako para tumayo sa likod ni Logan at ginamit ko siyang pananggalang mula sa titig ni Elijah. Gusto pang magtanong ni Elijah, ngunit hinawakan ni Logan ang kamay ko at nagsabing, “Sabi ni Dr. Quinell, hindi mo pa pwedeng igalaw masyado ang braso mo. Kailangan mo ring magpa-MRI para sa ulo mo bukas.” Sa sandaling iyon, sumingit si Elijah, “Wag kang magpapaloko sa kanya, Mr. Wood. Wala siyang sakit o kahit na anong sugat.” Gusto kong sumagot nang tumingin si Logan sa kanya. Biglang nagbago ang malumanay na pag-uugali niya at para bang bumagsak ang temperatura sa paligid namin. Dumilim ang paningin ni Elijah pagkatapos ng maikling sandali ng pagkagulat. Pagkatapos, tumingin si Logan sa mga mata niya at dahan-dahang nagsabi, “Asawa mo si Ari, Mr. Linden. Sa halip na tignan kung talagang may sugat siya, ang una mong reaksyon ay isiping nagsisinungaling siya. Hindi naman tama yun, di ba?” Hindi inasahan ni Elijah na ipagtatanggol ako ni Logan. Napahiya siya at suminghal. “Mataas ang reputasyon mo sa Halton City, Mr. Wood. Bakit ka ba masyadong nag-aalala sa asawa mo? Sa amin na lang ang kahit na anong mangyari sa pagitan naming dalawa. Wala kang kinalaman rito.” Diniin ni Elijah nang mga salitang “sa amin na lang”. Bahagyang ngumiti si Logan at inayos niya ang salamin niya. “Oh? Tama ka sa sinabi mong sa inyo na lang iyon. Pinapaalalahanan lang kitang nandito ang diagnosis ni Dr. Quinell. Walang nagsisinungaling dito tungkol sa kahit na ano. “At saka paano mo ipapaliwanag kay Jonathan ang mga sugat ni Ari?” Nanood si Logan habang sumama ang ekspresyon ni Elijah. Dagdag niya, “Kahit na ayaw na siyang ituring na kapatid ni Jonathan, siya pa rin ang nag-iisang anak na babae ng York family.” Nagbago ulit ang ekspresyon ni Elijah. Tumingin siya sa mga mata ko at nagsabing, “Sumama ka na sa'kin pauwi, Ariana.” Alam kong naubusan na siya ng pasensya. Kung ako pa rin ito bago ako mawalan ng alaala, siguro ay masunurin na akong umalis kasama niya. Ngunit ngayon, gusto kong mapalayo sa kanya sa abot ng makakaya ko. Lumayo ako ng tingin at hinila ang manggas ni Logan. “Tara na, Logan.” Magsasalita sana si Logan nang biglang hinablot ni Elijah ang braso ko. Lumingon ako sa kanya sa gulat. Nakamamatay ang titig niya habang hinila niya ako sa mga bisig niya at sapilitang nilagay ang kamay niya sa baywang ko. Malamig siyang nagsabi, “Salamat sa tulong mo ngayong araw, Mr. Wood. Ililibre kita ng hapunan sa susunod. Magkita tayo ulit.” Pagkatapos, pinilit niya akong umalis kasama niya. Nagmadali akong lumingon kay Logan at nakita ko siyang nakatayo roon nang hawak ang bill. Hindi ko nabasa nang maayos ang ekspresyon niya, pero para bang dismayado siya. … Binitawan lang ako ni Elijah pagkatapos akong hilahin papunta sa basement parking lot. Sa sandaling binitawan niya ako, lumingon ako sa elevator. Sumigaw siya, “Babaliin ko ang mga binti mo kapag humakbang ka pa, Ariana!” Ngumisi ako. “Muntik mo na ngang mabali ang braso ko, Mr. Linden. Ang mga binti ko na ba ang susunod?” Nilapitan ko siya at tinitigan sa mata. “Sige pala. Gawin mo, kundi ay iisipin kong duwag ka habangbuhay!” Inisip kong magwawala si Elijah at kaagad akong sasaktan, kaya naghanda akong mabugbog. Ngunit biglang narinig ang isang malumanay na boses sa likuran namin, “Elijah, paano mo nagagawang magsalita nang ganyan kay Ms. York?” Nabigla ako. Nilampasan ko ng tingin si Elijah para makita si Jocelyn na nakaupo sa kotse niya. Pagkatapos ay bumaba siya at tumayo sa pagitan naming dalawa. Mapangutya akong tumawa. “Hindi na masama, Mr. Linden. Dala-dala mo pala si Jocelyn kahit saan ka magpunta, ha?” May bakas ng pagkailang na lumitaw sa mukha ni Elijah. Nagpaliwanag siya, “Kinailangan niyang pumunta sa opera house para sa isang rehearsal ngayong araw. Madadaanan ko iyon kaya ihahatid ko lang siya.” Suminghal ako, nang bakas ang pangungutya sa kanila. Nagalit dito si Elijah. Magwawala na sana siya nang malumanay na hinawakan ni Jocelyn ang kamay niya. Pagkatapos, matapat siyang nagsabi sa'kin, “Ako ang nagpumilit na sumama kay Elijah, Ms. York. Nag-alala ako pagkatapos marinig na naospital ka.” Tumingin ako sa magkahawak nilang mga kamay at inisip kong nagkandaloko-loko na sa wakas ang mundo. Kahit na magkarelasyon man o hindi sina Jocelyn at Elijah, hindi pa ako nakakakita ng isang kabit na nagyabang sa isang babae sa pamamagitan ng pagdadala niya sa taksil niyang asawa papunta sa kanya. Sinasadya niya bang ipakita sa'kin kung gaano kalalim ang pagmamahalan nila ni Elijah? Sa sumunod na sandali, kinuha ko ang phone ko at kinuhanan sila ng larawan.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.