Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 6

Alas-nuebe na nang nagising ako kinabukasan. Iniunat ko ang nangangawit na leeg ko at naghilamos sa banyo. Pagkatapos magpalit ng damit at bumaba, nakita ko ang walang katao-taong sala. Ngunit may kumakain ng agahan sa dining room. Naglakad ako papalapit at nakita kong si Evan pala ang naroon. Nang nakita niya ako, suminghal siya at lumingon papalayo. Ayaw niyang tumingin sa'kin. Dumilim ang paningin ko. Nagpunta ako sa kusina para kumuha ng pagkain. Walang kahit na ano roon maliban sa malamig na oatmeal at ilang piraso ng tinapay. Kumunot ang noo ko at kumuha ako ng isang baso ng gatas mula sa ref para initin ito. Pagkatapos, nagprito ako ng ilang itlog. Nang dinala ko ito palabas ng kusina, tumingin sa'kin si Evan na parang nakakita siya ng multo. “Bakit ka nakatingin sa'kin nang ganyan? Meron bang dumi sa mukha ko?” Tinuro niya ang pagkain ko. “Kaya mong magluto?” Medyo hindi ako naging komportable sa nagdududang tono niya. Malamig akong sumagot, “Hindi naman ganun kahirap magprito ng itlog.” Natauhan siya at tinitigan ako nang masama. “Wag kang gagawa ng kahit na anong kalokohan.” Binagsak ko ang gatas ko sa mesa na nagpatakot sa kanya. Pagkalipas ng ilang segundo, nagalit siya. “Anong ginagawa mo? Naghahamon ka ba ng away?” Ininom ko ang gatas ko at malamig na nagsabing, “Baliw ka!” Namula sa galit ang mukha niya. “Sinong tumatawag mong baliw? Wag mong isiping kaya mong gawin ang kahit na anong gusto mo ngayong nakalabas ka na ng ospital, Ariana. Nandito ako para bantayan ka para kina Eli at Josie! Wag mong pangaraping sirain ang relasyon nila mula ngayon!” Tumawa ako. Natakot dito si Evan. “Bakit ka tumatawa? Seryoso ako rito. Ngayon, hindi kita hahayaang saktan si Josie. At wag mong isiping kaya mo kong takutin sa pag-arte mong parang ikaw pa rin ang mapagmataas na heiress ng York family. Takot man si Josie sa'yo, pero ako, hindi.” Iniunat ko ang isang kamay ko. “Sige pala. Bayaran mo ko.” Tinitigan niya ako nang may maalam na tingin at nangutya, “Nanghihingi ka ba ng pera? Anong pera? Sabi ko na nga ba isa ka lang gold digger, Ariana. Ginawa mo ang lahat ng iyon para pakasalan si Eli para sa pera ng pamilya namin, ano? Walanghiya ka talaga!” Tinitigan ko siya nang walang emosyon. “Oo, ginawa ko ang lahat ng iyon para sa pera. Kaya ngayon, magbayad ka.” Nagalit siya nang makita niyang hindi tumalab sa'kin ang mga sinabi niya. “Anong pera ang tinutukoy mo?” Ngumisi ako. “Ano pa ba? Ang limampung milyong dolyar ng ininvest ko, na isang gold digger, sa Linden Group!” Natulala si Evan. Lumaki ang ngisi ko. “Nag-invest ako ng limampung milyon sa kumpanya limang taon ang nakaraan. Kung ituturing akong isang regular na shareholder, may utang ka at ang pamilya mo sa'king malaking halaga ng dividends. “At kapag inisip mong pautang ang perang iyon, isipin mo kung gaano kalaki ang dapat mong ibayad sa'kin kung isasama mo ang interes.” Kinuha ko ang phone ko at sinimulang magkwenta. “Kung iisipin nating nasa 11% o 12% ang interes… Oh, hala…” Pulang-pula sa galit ang mukha ni Evan. Gusto niya siguro akong murahin pero hindi niya mahanap ang mga salita, pagkatapos, masaya kong ibuhos ang agahan ko habang pinanood niya ako. Kasunod nito, pinunasan ko ang bibig ko at tumayo. Sa wakas ay may sinabi na si Evan. “Ano bang binabalak mo, baliw ka?” Lumingon ako sa mukhang para bang ibang-iba sa naalala ko. Mahina kong sabi, “Ari ang tawag mo sa'kin dati.” Mukhang tinamaan siya ng kidlat. Nanatili siya sa kinatatayuan niya habang umakyat ako. … Hindi ako makapaniwalang nakakapagod palang kumain ng simpleng agahan. Napatibay lang nito ang kagustuhan kong iwan si Elijah. Tinawagan ko si Teri, na parang pagod nang sumagot siya. “Anong meron, Ms. York? Nagkabati na ba kayo ni Elijah?” “Hindi.” “Ano?” sigaw niya. “Anong sinabi mo?” Nilayo ko ang phone ko mula sa tainga ko nang nakakunot ang noo. “Hindi ako nakipagbati kay Elijah.” Hindi nagtagal ay kumalma si Teri. “Magiging malamig ka ba sa kanya sandali? Hindi gagana yan, alam mo? Scorpio siya, at ayos lang siya kapag di pinapansin sa pagtatampo. Hindi mo siya pwedeng talunin diyan. Gumamit ka ng ibang paraan.” Bumuntong-hininga ako. “Ayaw na ayaw kong makipagbati sa kanya.” Parang nagtaka si Teri. “Ano palang gusto mong gawin? Oh, naiintindihan ko na. Gusto mong maghintay para sa tamang pagkakataon para burahin si Jocelyn!” Naging kabado ang tono niya. “Makinig ka sa'kin, Ariana. Labag sa batas ang pagpatay, ha? Kailangan nating sumunod sa batas.” Bumuntong-hininga ako ulit. “Wala akong balak na gumawa ng kahit na ano kay Jocelyn.” Para bang nasamid siya sa laway niya. Pagkatapos ng isang sandali, sabi niya, “Tigilan na natin ang larong to. Sabihin mo sa'kin kung anong gusto mong gawin, Ariana. Umabot ka na nga sa local trending topics sa pagtatangka mong magpakamatay. “Kung hindi major shareholder ang pamilya mo sa ilang media outlets at nag-alala ang kapatid mo sa reputasyon nito, matagal nang inungkat ng mga tao online ang lahat ng makukuha nila tungkol sa'yo.” Hinilot ko ang noo ko. “Nawalan talaga ako ng alaala, Teri. Hindi man ako paniwalaan ni Elijah, pero maniniwala ka ba sa'kin?” Nailang siya sa tanong ko at tumawa. “Akala ko nagpapanggap ka lang…” Wala akong nasabi. Kasabay nito, pumait din ang pakiramdam ko. Gaano kalaking problema ba ang dinala ko noon para pagdudahan ako ng lahat ng tao sa buhay ko? Nanlumo ako. “Huwag kang pumasok sa trabaho para kumain tayo nang tanghalian, Teri. Gusto kong pag-usapan natin kung anong susunod nating gagawin.” Sa huli, si Teri pa rin ang best friend ko. Gusto niya pa rin ang makabubuti para sa'kin. Bumuntong-hininga siya. “Anong binabalak mong gawin sa susunod?” Kinagat ko ang labi ko. “Hiwalayan si Elijah.” Nabigla siya. … Nagkita kami ni Teri sa cafe. Sa sandaling nakita niya ako, binigyan niya ako ng isang bag ng mga gamit. Tinignan ko ang loob nito at nakakita ako ng fever patches, thermometer, at gamot sa lagnat. “Para saan to?” Kinuha niya ang thermometer mula sa kahon at nagsabing, “Dalian mo at tignan natin ang temperatura mo. Maraming tao ang nilalagnat kamakailan. Tignan mo kung meron ka rin.” Kumunot ako pagkatapos piliting maglagay ng thermometer sa kili-kili ko. “Wala akong lagnat, okay? Pero may sugat pa rin ako sa ulo.” Pinalo niya ang hita niya. “Ah, oo. Wala ka sa katinuan. Kaya pala gusto mong hiwalayan si Elijah. Tinakot mo naman ako.” Tinapik niya ang dibdib niya. Doon ko lang napagtanto kung bakit niya ako dinalhan ng gamot sa lagnat. Kinuha ko ang thermometer at tumingin sa mga mata niya nang may seryosong tingin. “Hindi ako nagbibiro, Teri. Gusto kong hiwalayan si Elijah.” Para bang natakot si Teri sa itsura sa mukha ko. Wala sa'min ang kumilos. Pagkatapos ng dalawang minuto, kumurap siya at nagsabing, “Naiintindihan ko na. Bitawan mo ko.” Binitawan ko siya. Sa gulat ko, kinuha niya ang phone niya at nilapag ito sa harapan ko. Pinindot niya ang isang voice message at narinig ang mga hikbi ng isang babae. “Gusto kong hiwalayan si Elijah, Teri! Hindi niya ako mahal! Binibigyan niya ng regalo si Jocelyn, ang putang iyon, sa kaarawan niya…” Nabigla ako. Pinindot ni Teri ang susunod. “Hindi ko kayang mabuhay nang wala si Elijah, Teri. Mamamatay ako nang wala siya sa buhay ko. Naiintindihan mo ba yun? Mamamatay ako!” “Mahal na mahal ko siya… Ang sakit, Teri. Bakit napakasakit nito para sa'kin? Gaganda ba ang pakiramdam ko kung hindi ko siya mahal? “Ang sama ng pakiramdam ko, Teri. Bakit di sinasagot ni Elijah ang mga tawag ko? Hindi ba siya nag-aalalang baka mamatay ako rito ngayong lasing na lasing ako?” Tumingin sa'kin si Teri nang may kumplikadong tingin. “Alam kong nawalan ka ng alaala, Ari. Tutulungan kitang maalala yun para maalala mo kung gaano mo kamahal si Elijah.” Tinakpan ko ang mukha ko ng mga kamay ko. Pagkatapos ng isang sandali, tumingala ako at nagsabing, “Seryoso ako ngayon. Kailangan ko siyang hiwalayan.” Bumuntong-hininga siya, sabay gusto pang pumindot ng isa pang voice message. Pinigilan ko siya at mapait na nagsabing, “Sapat na ang narinig ko. Hindi to nakakatuwa.”

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.