Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 4

Tumalikod ako para umakyat sa taas. Sa sobrang mapagpakumbabang tignan ni Elijah ay mahapdi siya sa mata. Bigla na lang, marahang nagtanong ang babae, “Kumusta ang mga sugat mo, Ms. York?” Lumingon ako at nag-aalangang nagsabi, “Maayos naman.” Pinigilan siya ni Elijah na magtanong pa. “Ayos lang siya. Medyo nalamog lang siya nang kaunti.” Ngumisi ako. “Hindi mo nga ako binisita noong nasa ospital ako, Elijah. Paano mo malalaman na ayos lang ako?” Dumilim ang ekspresyon niya. “Tama na ang kalokohang ito, Ariana.” “Kalokohan?” Tumawa ako. “Sinasabi ko lang ang totoo. Paanong naging kalokohan yun? O baka iniisip mong kalokohan ang lahat ng sinasabi ko?” Tumindi ang pandidiri ko sa kanya sa puntong ito. Kahit na wala akong maalala tungkol sa nagdaang pitong taon, sigurado akong maraming beses akong nagalit sa pambabalewala niya sa'kin at sa mga sinasabi niyang nagwawala lang ako. Milagro na lang kung manatili akong nasa katinuan at kalmado pagkatapos ng lahat ng iyon. Biglang yumuko ang babae sa direksyon ko. Kumunot ang noo ko. “Anong ginagawa mo?” Yumuko siya at malungkot na nagsabing, “Nagpunta ako rito para humingi ng tawad sa'yo, Ms. York. Alam kong nagkamali ka ng akala pagkatapos mong makita ang usapan namin ni Elijah sa WhatsApp.” Tinaas niya ang mukha niya at basa ng mga luha ang mata niya. Mukha siyang kaawa-awa. Kukutyain ko sana siya nang bilang may sumugod sa bahay at tinulak ako nang malakas. “Walanghiya ka, Ariana! Ikaw ang nagbantang magpakamatay! Ano namang kinalaman nito kay Josie? Bakit mo siya pinilit na humingi ng tawad sa'yo?” Bumagsak ako sa pagkakatulak sa'kin at isang matinding sakit ang kumalat sa katawan ko simula sa baywang ko. Napakasakit din ng sakong ko. Pagkatapos, narinig ko ang sarili kong sumigaw, “Siya si Jocelyn Cornell?” Tumingin ako sa kanya at tinitigan siya nang seryoso. Nagmadali siyang lumapit na parang gusto niya akong tulungang tumayo. Ngunit nakita ko ang pagyayabang na lumitaw sa mga mata niya. Alam kong hindi ako namalik-mata. Nagpatuloy siyang humingi ng tawad sa'kin. “Pasensya ka na talaga, Ms. York. Nasaktan ka ba? Bata pa si Evan—wag ka sanang magalit sa kanya.” Evan? Lumingon ako sa batang tumulak sa'kin. Nahulaan kong siya si Evan Linden, ang nakababatang kapatid ni Elijah. Lalo na't magkamukha sila ni Elijah. Tinitigan niya ako nang masama, na para bang gusto niya akong gilitan para matuwa si Jocelyn. Humawak ako sa hagdan at tumayo. Tumayo si Evan sa harapan ni Jocelyn, na para bang lalabanan niya ako hanggang sa kamatayan kapag may ginawa ako sa kanya. Sa halip na magsalita o gumawa ng kahit na ano, dahan-dahan akong umakyat ng hagdan. Sa isang segundo, hindi alam ng tatlo kung paano kikibo. Naghintay siguro si Elijah na magwala ako o gumawa ng gulo, at malamang ay hinintay siguro ako ni Jocelyn na sigawan siya para makapagpanggap siyang magpaliwanag. Samantala, nagulat si Evan. Hinintay niya siguro akong sigawan siya nang parang nababaliw at tawagin siyang ingrato. Naghintay sila sa bagyong hindi darating. Umakyat ako sa taas at sinara ang pinto. … Nakalimutan ko si Elijah, pero naaalala ko pa rin si even. Kaklase siya ng pinsan kong si Jason Shaw. Naalala kong bago ako mag-18, tinatawag ako ni Evan na “Ari”, kagaya ng tawag sa'kin ni Jason. Sa mga panahong iyon, bata pa siya at mahirap, kaya pinadala siya sa isang upscale nursing home na pagmamay-ari ng York family. Isang tag-araw, pumunta ako roon para makasama ang lola kong si Liza Johnson, at nagkataong nakita ko siyang mag-isa sa hardin. “Hala. Anong ginagawa mo rito nang mag-isa?” Naalala kong nakausap ko siya dala ang maraming merienda at matatamis na pagkain. Nag-iingat si Evan sa'kin sa umpisa, pero sinamahan niya kami ni Jason para magsaya pagkatapos niyang malamang pinsan ako ni Jason. Isa itong masayang tag-araw, at lumipas ito sa isang iglap. Matagal kong inisip na itinuring ako ni Evan na kapatid niya, pero hindi pamilyar ang nagdududang ekspresyon sa mukha niya kanina. Hindi siya masyadong malakas nang tinulak niya ako kanina, pero ang sakit pa rin. Hindi niya lang ako tinulak—tinulak niya rin ang Ari sa alaala niya. May napansin akong kakaibang pakiramdam sa mukha ko at hinawakan ko ito—basa ito ng mga luha ko, at dahan-dahan ko itong pinunasan. Bwisit. Hindi ako napaiyak ni Elijah, pero napaiyak ni Evan. Alam kong hindi na ako pwedeng manatili sa lugar na'to. Pagkatapos punasan ang mga luha ko, nagsimula akong mag-impake. … Sa baba, sa sala kung saan hindi nakikita ni Ariana, nagsisising nakatingin si Jocelyn kaya Elijah. “Mali ba ako ng oras ng pagdating, Elijah? Mukhang galit na galit si Ms. York kanina. Baka dapat mo siyang kausapin.” Suminghal si Elijah, “Wag mo siyang pansinin—ganyan lang talaga siya. Magiging ayos din siya mamaya lang.” Lumitaw ang bakas ng pagkamuhi sa mga mata niya. Si Evan, na kanina pa nananahimik, ay biglang nagsabing, “Hindi ka na dapat pumunta rito nang mag-isa, Josie. Si Ariana ay…” Gusto niyang sabihing kung paanong isa akong baliw na sasaktan si Jocelyn, pero bigla niyang naalala kung paano ko siya tinignan bago umakyat. Mukha akong puno ng dismaya at kalungkutan. Umiling siya sa inis para subukang tanggalin ang kakaibang nararamdaman niya. Bakit parang hindi na ako kagaya ng noon? Gusto niya lang akong pigilang saktan si Jocelyn—hindi naman niya ako sinadyang itulak at hindi niya maintindihan kung bakit ko siya tinitigan nang ganun. Wala siyang ginawang mali! Pagkatapos paniwalain ang sarili niya, sabi niya, “Ihatid ni pauwi si Josie, Eli. Mananatili ako rito at babantayan ang baliw na yun para sa'yo.” Mas lalong nagmukhang nagsisi si Jocelyn. “Pasensya na kailangan mo tong pagdaanan, Evan. Hindi ko inasahang papagalitan ka niya kahit na bata ka pa… Kung may pagkakataon ka, tulungan mo kong humingi ng tawad kay Ms. York. Hindi natin pwedeng hayaang lumala ang hindi pagkakaunawaan niyo.” Mukhang naantig si Evan. “Wala kang ginawang mali, Josie. Ang baliw na yun ang nagpasa ng lahat ng sisi sa'yo! Kailangan mong protektahan ang sarili mo, pero poprotektahan ka rin namin ni Eli.” Lumitaw ang pagkakuntento sa mga mata ni Jocelyn. Hinaplos niya ang ulo ni Evan at nagsabing, “Sige pala. Aalis na ako.” Tumingin siya kay Elijah at malumanay na nagsabi, “Siguro wag mo na akong ihatid pauwi, Elijah. Ayos lang akong bumalik sa hotel nang mag-isa. Medyo malayo iyon, pero ayos lang akong mag-isa.” Tumingin siya sa taas at mukhang nag-aalala. “Dapat mo talagang kausapin si Ms. York. Kung hindi niya ginamit ang pera ng York family para tulungan ka, hindi makakalampas ang kumpanya mo sa krisis nang ganun kadali. Natural lang na medyo mapagmalaki siya ngayon. Dapat habaan mo ang pasensya mo.” Kumunot ang noo ni Elijah. “Hindi pwedeng siya lang ang dahilan at nalampasan ng Linden Group ang krisis na ito. Kung hindi dahil pagtutulungan namin ng mga staff ko, walang investment ang makakatulong.” Huminto siya habang tumindi ang galit niya para sa'kin. “Ayaw ko nang pag-usapan yan mula ngayon. Kung iniisip ni Ariana na kaya niya akong payukuin sa harapan niya habangbuhay dahil dito, nagkakamali siya!” Kinuha niya ang susi ng kotse niya at inakbayan si Jocelyn. “Halika na, ihahatid kita pauwi. Delikado para sa mga babaeng umuwi nang mag-isa sa gabi.” Sumingit si Evan, “Maggagabi na, Josie. Dalian mo at umuwi ka na.”

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.