Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content
Nakalaya At NabuhayNakalaya At Nabuhay
Ayoko: Webfic

Kabanata 1

Ang North Pole Prison ay matatagpuan sa -- tulad ng ipinapahiwatig ng pangalan nito -- ang North Pole, partikular sa pinakahilagang bahagi ng North Pole. Matatagpuan ito nang higit 500 metro sa ilalim ng balat ng lupa, at doon ibinilanggo ang pinakamabagsik at kilalang mga kriminal sa daigdig! Isa itong kulungan na wala sa kasaysayan ang nagtagumpay na makatakas dito! Sa pagkakataong iyon, isang elevator ang umangat mula sa kailaliman ng mundo. "Maligayang pagbati sa pagkakalaya mo sa bilangguan." Sabi ng malabong lalaki sa isang napapaos na boses. Siya ang itinalaga na magbantay sa lugar. Isang mataimtim na babaeng nasa tamang edad ang tumitingin ng malumanay sa bilanggo na siyang kakalabas lang ng elevator at sabi, "Isa ka nang malayang lalaki pagkatapos mong humakbang palabas ng gate banda 'ron!" Si Severin Feuillet, bagong laya sa kulungan, ay tumingin sa pintuang nasa harapan niya nang may halu-halong emosyon at sabi, "Kaya kong iwan ang lugar na 'to kung gugustuhin ko." Ang mapulang labi ng babae ay umuwang ng kaunti, pero wala siyang sinabing kahit na ano. Tsaka, hindi siya makatanggi sa sinabi niya. Ang karamihan ng masasamang tao na nakakulong sa ilalim nila ay kinabibilangan ng mga kilalang lihim na ahente, warlord, at maging ang mga pinuno ng ilang malalaking organisasyon sa ilalim ng daigdig, ngunit lahat ay nasakop ni Severin. Ang lahat ng mga indibidwal na iyon ay wala sa kanya. Mayroong isang giyera sa bansa ng Dracodom tatlong taon ang nakakalipas, at isa itong mahirap na gawain para sa kaharian na labanan ang mga dayuhang kapangyarihan na sumalakay dito. Sa kalaunan, nagpasaya ang mga opisyal ng kaharian na magpadala ng apat na kabataan upang tumanggap ng pagtuturo mula kay Severin. Tinuruan niya ang mga ito sa loob lamang ng kalahating taon at pinabalik sila bilang mga ganap na mandirigma na halos agad-agad na nagpabago ng panahon ng digmaan. Ang kanilang mga nakamit pagkatapos ay siyang nagbigay sa kanila ng pagkilala bilang mga kilalang bayani ng digmaan ng Dracadom! Nang marating ni Severin ang tarangkahan, huminto siya, lumingon, at matamang pinagmasdan ang mala-kastilyong gusali sa likuran niya. Pagkatapos ay lumuhod siya at yumuko ng tatlong beses. "Tandang Wacko! Aalis na ako sa lugar na ito ngayon! Salamat sa pag-aalaga sa akin sa nakalipas na limang taon!" Nagsimulang mamuo ang emosyon sa puso ni Severin. Noong una siyang ipinadala sa kulungan na iyon, nasaksihan niya kung paanong apihin ang isang maputi na matandang lalaki at pinipigilan bigyan ng anumang pagkain. Si Severin noon ay kusang-loob na nagpasya na ibahagi ang kalahati ng kanyang pagkain sa lalaki. Tinatawag ng lahat sa bilangguan ang matanda na isang wacko dahil palagi siyang bumubulong tungkol sa pagkamit ng imortalidad. Marami ang hindi siya pinapansin, at ang ilan ay inaabuso pa nga siya sa salita, pero tila walang pakialam si Tandang Wacko sa buong bagay na iyon. Si Severin lang ang araw-araw na nakikipag-usap sa kanya, na nag-udyok sa iba na tawagin si Severin bilang 'Little Wacko'. Kalaunan, natuklasan ni Severin na ang Tandang Wacko ay talagang isang matalinong paham, at ipinasa niya ang lahat ng kanyang kaalaman kay Severin. Ang araw na umalis si Severin sa bilangguan ay ang araw rin ng pag-alis ng Tandang Wacko, ngunit ang kanilang destinasyon ay ganap na magkaiba. Ang makapal na bakal na gate ay sumara sa likod ni Severin habang naglalakad siya palabas. "Malugod na pagbati, Master!" Ang dalawang lalaking nasa tamang edad, isang matandang lalaki, at isang babaeng nasa tamang edad ay sabay sabay na lumuhod. Ang mga panga ng bawat isa sa upper-class ng Dradocom ay sabay-sabay na mahuhulog kapag nakita nila ang paggalang ng apat kay Severin. Tsaka, sila lang naman ang mga Four War hero na siyang tumulong sa Dradacom na ipanalo ito sa giyera! Sumimangot si Severin nang nakita sila. "Bakit kayo nandito?" Tumayo silang apat, at magalang na hinawakan ng matanda ang mga kamay niya bago sumagot, "Kami, ang mga disipulo mo, ay obliga na salubungin ang Master namin mula sa pagkalaya niya sa kulungan." "Maayos naman kayo?" Matipid na tanong ni Severin habang sinusulyapan ang mga medalya nila. "Master, kinilala kami bilang Four War Heroes ng Dradacom. Hindi lang kapangyarihan at basbas ang natanggap namin... may mga sari-sarili rin kaming teriroryo!" Paliwanag ng babae sa kanya ang mga tagumpay na nakuha niya at ng iba. Halata na proud siya sa kanyang sarili. Pero, sumagot si Severin ng walang kahit anong ekspresyon sa kanyang mukha, "Mabuti naman at hindi niyo dinumihan ang reputasyon ko." Ang apat sa kanila ay patagong nasiyahan, dahil hindi madali na makakuha ng puri mula kay Severin. "Master, ito ang Supreme VIP card. May halaga yan na isa at kalahating bilyon. Sa'yo ang card na 'yan, kaya gamitin mo ito kung kailan mo gusto. Tataasan ko ang account diyan sa tuwing gagastos ka ng pera!" Inabot ng babae ang isang bank card na may ngiti sa kanyang mukha. Tapos ay nagtanong ang lalaki, "Gusto mo ba ng posisyon? Kaya kitang bigyan ng teritoryo para mapamahalaan mo ang isang maliit na bilang ng tao." Tapos ay sabi ng matanda, "Isang magandang babae ang apo ko, Master. Baka gusto mong makita siya..." Sa huli, nagsuhesyon ang isa pang lalaki, "Ang probinsya ng Middlebridge ay wala pa ring namamahala, Master. Bakit hindi mo muna tingnan ang lugar at tingnan kung kaya mo pong pamahalaan?" Si Severin ay umiling sa pagkadismaya. "Ang gusto ko lang ay walang manggulo sa akin. Gusto kong gugulin ang mga araw sa kapayapaan kasama ang aking mga magulang at si Lucy, maraming salamat. Sinadya kong bumawi sa mga pagkakamaling nagawa ko noon! Hindi ko nga alam kung maayos ba sila ngayon." "Pwede po bang tanggapin mo ang card na ito kahit na wala ka namang gusto?" Ang babae ay balisang tumingin kay Severin. Ang lahat sa kanila ay nakatanggap ng yaman at kapangyarihan, ng dahil kay Severin. Natural na lang sa kanila na bigyan siya ng kahit ano pabalik! "Bigyan niyo ako ng cell phone at ilagay niyo ang mga contact niyo roon. Bibisitahin ko kayo kapag may oras ako!" Tipid na ngumiti si Severin at hinawakan ang tila manipis na singsing sa daliri niya. Ito lang ang naiiwang ala-ala na iniwan ni Tandang Wacko sa kanya. "Bibigyan kita ng phone! Salamat at bumili ako ng isa kanina!" Agad-agad kinuha ng lalaki ang isang bagong cell phone at binigay ito kay Severin. "Nandiyan lahat ng contact naming apat!" Tumango si Severin, "May sigarilyo kayo?" Agad namang nilabas ng isa pang lalaki ang isang kaha ng sigarilyo at magalang na binigay kay Severin. Pagkatapos sindihan ang sigarilyo at humipak, sabi niya sa buong pasasalamat, "Maraming salamat sa inyo. Huwag kayong mag-alala sa akin. Master niyo ako kaya mas kakayanin kong mamuhay mag-isa! Tsaka, naabot ko na ang 'ganyang' lebel ng katamasan!" "'Ganyang' lebel po ba ang sabi mo?" Ang apat sa kanila ay gulat na napatingin sa isa't isa. "Kaya niyo bang dalhin ako sa syudad ng Brookbourn bago mag-gabi?" tanong ni Severin. "Syempre!" Ang lahat sa kanila ay sabay sabay sumagot. Habang ang araw ay papalubog na, agad na rin nakarating si Severin sa gate ng Brookbourn. "Sigurado ka bang wala ka nang ibang gusto, Master?" Mukhang determinado ang lalaki na kumbisihin si Severin. Ngumiti si Severin sa kanya at tumingin sa isang pamilyar na syudad sa harapan niya. "Kailangan niyo nang umalis, o baka mabalita pa kayong apat kapag may nakakilala sa inyo!" Tumango ang apat na bayani, tapos ay mabilis na tumalikod at naglakad patungo sa helicopter na dala nila papunta. Hindi katagalan, naabot ni Severin ang bungad ng kalahating dulo ng residential area. Pumasok siya at tumuloy sa pinto ng isang pamilyar na bahay. Bumuntonghininga siya habang tinitingnan ang nostalgic na numero ng bahay, dahil ito raw ang matrimonial home niya kasama ang fiancee niyang si Lucy Orwell. Na-set up si Severin ilang taon na ang nakalilipas, pagkatapos niyang malasing at isugal ang kanyang pera. Nang matalo siya, napilitan siyang itatak ang kanyang fingerprint sa isang kontrata para ibigay si Lucy sa isang mayamang bata na nangangalang Easton Lough. Sa gabing iyon, ginabayan ni Easton si Severin sa matrimonal home na siyang hinanda niya para sa kanya at kay Lucy. Doon, pinlano ni Easton na pilitin ang kanyang sarili kay Lucy sa harap ni Severin. Ang sigaw ni Lucy ang gumising sa pagkalasing ni Severin, na siyang nag-udyok sa kanya na paluin ang bote ng beer sa ulo ni Easton. Mayaman ang mga Lough at maraming koneksyon, kaya nagawa nilang ipadala siya sa kulungan. Sinigurado rin nila na malaman niya na ang mga Lough ay kayang tapikin ang kanilang mga koneksyon para siguraduhing makukulong si Severin ng sampung taon. Ang pinanghahawakan na lang ni Severin ay ang ang pangako ni Lucy na maghintay na makalaya siya para magpakasal sila. "Siguradong magugulat ka na makita ako pagkatapos ng maagang paglaya ko!" Inabot ni Severin anf isang saradong pintuan, pero hindi ito sarado, at sa isang magaang tulak na siyang ganap na bumukas ang pintuan, 'Bukas ang pintuan, kaya si Mom, Dad, at Lucy ay siguradong nasa bahay lahat!" "Hindi, huwag kang makulit..." Nang narating ni Severin ang pintuan ng master bedroom, narinig niya ang pamilyar na boses ni Lucy. "Anong nangyayari rito?" Nanikip ang dibdib ni Severin, at naramdaman niya bigla ang sakit sa kanyang puso. Sinipa niya ang pinto sa isang pagsabog at sinamaan ng tingin ang dalawang tao sa kama.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.