Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content
Nakalaya At NabuhayNakalaya At Nabuhay
Ayoko: Webfic

Kabanata 12

"Seryoso ka ba? Ililibre ka ng pagkain ni Henty?" Ganap na natameme sina Timothy at Quinn. "Imposible 'yan. Sa tingin mo ba ay isa lang siyang ordinaryong matanda? Kilala mo ba siya?" Tapos ay nagpaliwanag si Timothy, "Siya ang namumuno sa mga Longhorn, at ang mga Longhorn ay isa lamang sa tatlong first-tier na upper-class na pamilya dito sa Brookbourn. at ang desisyon nila ang nagpabago sa hinaharap ng Brookbourn! Bakit ang isang tulad niya ay ililibre ka ng isang hapunan?" Inisip ni Severin ang sinabi ni Timothy at tinanong siya, "Ano naman ang mga Lough? Pareho lang ba ang lebel nila sa mga Longhorn?" Agad na sabi ni Timothy, "Syempre hindi! Ang mga Lough ay hindi pa nabibilang sa third-tier upper-class na pamilya, at tsaka, mayaman lang silang na mga negosyante. Ang negosyo nila ay lumalago nang patuloy nitong mga nakaraang taon, at maaaring maging third-tier din sila ng upper-class na pamilya sa susunod. Ang net worth ng mga Lough at lagpas limampung milyon, pero malayo pa sila sa mga Longhorn! Ang huli ay may mga ari-arian na higit sa isang daan at labinlimang milyon, marahil higit pa!" "Oh!" Kakaiba ang reaksyon ni Severin. "Sa tingin ko nga ay medyo makapangyarihan ang mga Longhorn! Pero makikikain lang ako sa kanila. Wala akong intensyon na humingi ng kung ano sa kanila!" Hindi makapaniwala si Timothy sa naririnig niya. "Sandali lang at huwag ka nang magpanggap! Ganyan ka na ba kalimot sa kung anong klaseng tao siya? Paano siya nakipag-ugnayan sa isang tulad mo? At sinasabi mo na ililibre ka niya ng pagkain? Na parang sinuman? Sinong maniniwala sa'yo! Hindi ka karapat-dapat na hawakan ang kanyang sapatos. Maging tapat ka, kahit si Easton ay hindi makakahanap ng pabor kay Henry, lalo na ang isang tulad mo!" Habang nag-uusap sila sa loob ng sasakayan, hindi na nagtagal bago sila makapunta sa bungad ng Richemont Hotel. Ang tatlo sa kanila ay lumabas ng sasakyan pagkatapos ipasa ni Timothy ang sasakyan sa hotel valet. Hindi inaasahan na makikita ni Severin ang mga magulang ni Lucy sa bungad ng hotel. "Nasa bulwagan ito sa ikalawang palapag! Umakyat lang kayo at kumanan!" Binigyan ng direksyon ang dalawang kamag-anak ng direksyon. Sa oras na makaakyat ang mga kamag-anak, ang ina ni Lucy na si Helga Orwell ay nakita si Severin. Agad humaba ang kanyang mukha, "Bakit ka nandito, Severin? Ngayon ang kasal ni Lucy. Sinundan mo na naman ba siya papunta sa hotel? Huwag mong sabihin sa akin na mahal mo pa siya? Dahil 'yan sa kagagawan mo, dagil hindi na ulit magiging tuod si Lucy kagaya mo! Ang tuod ay mananatiling tuod, at si Lucy ang klase ng prinsesa na hindi hahalik ng isang tuod!" Ilang mga kamag-anak ni Lucy ang naroon din, at nagsimula silang magbulong-bulungan nang narinig nila na ang lalaki ay si Severin. "Di ba dating bilanggo yun? Bakit siya nandito?" "Diyos ko. Sinundan ba siya nito hanggang sa hotel? Saan niya nakakuha ng kapakalan na pumunta sa ganoong high-end na hotel na nakasuot ng ganyang damit?" Para sa kanila, parang clown si Severin. "Hinuhusgahan niyo siya, Tita Helga. Kaklase siya ni Lucy, at malamang gusto lang nitong pumunta dito at magpaalam sa kanya. Sigurado akong pumunta siya para ibigay ang basbas niya para mapangasawa si Lucy sa isang mayamang pamilya. Ang mga Lough ay talagang maimpluwensyang tao, kaya sa palagay ko ay wala siyang lakas ng loob na lumapit at guluhin sila." Pumasok si Severin kasama sila ni Timothy, kaya natural lang sa kanya na ngumiti at mag-ayos. Isang malamig na ngiti ang sumilay sa mukha ni Severin habang pinipigilan ang galit sa kanyang puso. "Nandito ako dahil may nag-imbita sa akin para mag-lunch. Dahil ngayon ang araw ng kasal ni Lucy, kaya't itrato ko siya nang may dignidad bilang pag-alaala sa aming nakaraan bilang magkaklase, pati na rin sa tatlong taon na pinagsamahan namin bilang mag-asawa. Ako ay hindi gagawa ng gulo ngayon!" Sabi ni Severin, ngunit agad na umikot ang kanyang mga salita nang lumitaw ang isang matalim na kislap sa kanyang mga mata. "Pero dahil hindi ako nanggugulo ngayon, hindi ibig sabihin na hindi na ako manggugulo bukas. Gagawa ko ng oras na makaganti sa pamilya niyo tulad ng ginawa niyo sa pamilya ko! " "Anong ginawa namin sa pamilya mo? Sa tingin mo ba ay kaya mong makaganti sa amin?" Hindi binigay ni Helga ang pangingibabaw sa kanya at sinabing may bakas ng disgusto sa kanyang mukha. "Huwag kang maging sakit sa mata rito! Umalis ka na dapat kung alam mo ang makabubuti sa'yo. Sadyang malas ang mga dating bilanggo rito!" "Oh, talagang nagpasya kang sumama?" Sa sandaling iyon, kakapasok lang nina Easton at Lucy mula sa bungad ng hotel. Sinabi ni Easton na may malamig na ngiti, "Mayroon ka pang lakas ng loob na pumunta rito pagkatapos akong sampalin kahapon, Severin." "Ano?! Sinampal ka niya? Gusto mo yatang mamatay, Severin? Ang lakas ng loob mong sampalin si Easton!" Napuno ng galit si Helga nang marinig iyon. Tapos ay sabi niya kay Easton, "Sana ay pinabugbog mo sa mga tauhan niyo, Easton. Tama lang sa kanya na mabugbog!" Kumunot ang noo ni Lucy, na nasa tabi ni Easton, at sinabi sa kanya, "Ngayon ang araw ng kasal natin, babe. Magiging masama talaga kung may away dito." Pinag-isipan ni Easton ang mga salita ni Lucy at naramdaman niyang may punto siya. Tumango siya at bumaling kay Severin, "Sige. Papalagpasin ko 'to ngayon. Mabuti at nandito ka. Magkakaroon ako ng pagkakataon na mapakita sa'yo na halikan siya sa harap ng altar mamaya!" Sinadya ni Severin na bigyan si Lucy ng huling pagpapakita ng paggalang, ngunit ang mapagmataas na pag-uugali ni Easton ay nagulat sa kanya. Malamig siyang ngumiti kay Easton at sinabing, "Sigurado ka bang hindi ka natatakot na dumalo ako sa kasal mo?" "Wala nang dapat na ikatakot pa." Pagsasawalang bahala ni Easton. "Akala ko ba sinabi ko sa'yo kahapon na welcome ka rito? Tsaka, hindi ka pa nakakapunta sa mamahaling lugar 'di ba? Sinabi ko rin sa'yo na kumuha ka ng pagkain na gusto mo, at kailangan mong magbayad ng sentimo rito! Tandaan mong nasiyahan ka sa lahat ng mga pagkain mamaya, okay? Dahil pagkatapos ng kasal, sisiguraduhin ko na ipakita sa'yo kung anong mangyayari sa mga taong binabangga ako!" Humakbang si Helga at bumulong kay Easton, "Plano mo ba talagang padaluhin siya sa kasal? Dati siyang bilanggo, at baka magdala lang kamalasan ngayon. Tsaka, nag-aalala ako na baka magawala 'yan at gumawa ng gulo!" "Hindi niya 'yan magagawa." Malamig na ngumiti si Easton at pinitik ang kanyang mga daliri. Ilang sandali ang nakalipas, isang batang lalaki ang tumakbo dala ang ilang dosenang tao sa kanya. Sa grupo na iyon ay ang may peklat na lalaki at ang ilang mga pumunta para makahingi ng pera kay Judith nitong nakaraang gabo. Ang may peklat na lalaki ay nangatog sa nangyari kagabi, kaya ang ekspresyon niya ay dumilim nang nakita niyang nandoon si Severin, Tapos ay hindi na ulit siya aatras na parang duwag pagkatapos mabayaran ng pera, at mayroon din silang bakal na dala para maiwasan ang gulo sa araw na iyon. Humakbang siya, diniinan ang hawak sa bakal sa kanyang kamay, at lumakas ang loob kaysa dati, Tapos ay humakbang siya papalapit at bumulong kay Easton, "G-gumawa ba siya ng gulo, Mister Easton?" Tipid na ngumiti si Easton at tumingin kay Severin bago sabihin, "Hehe, hindi lang 'yan nakakuha ng libreng pagkain. Ang kailangan mo lang gawin ay ang bantayan siya, pero kapag may ginawa 'yang kakaiba, kailangan mong turuan siya ng leksyon agad!" "Hehe!" Napangiti si Severin sa pang-aalipusta, inilagay ang kanyang mga kamay sa kanyang likuran, at dinala ang kanyang sarili nang may hangin ng kadakilaan habang naglalakad siya sa ikalawang palapag. Hindi nagtagal ay nakarating na siya sa venue, kung saan marami nang bisita ang dumating. "Oh, Easton, dahil ang lakas ng loob mo para pilitin akong panoorin na ikasal ka, iniisip ko na baka hindi maging maayos ang kasal mo ngayon," walang pakialam na sabi ni Severin habang papalapit sa pasukan ng bulwagan. Ang lalaking may peklat sa likod niya ay nanginig nang narinig ang pagkakasabi niya, pero binalaan pa rin niya si Severin. "Manahimik ka, bata. Marami ang tao ngayon, kaya marami rin ang mga tauhan namin dito. Kung ayaw mong umalis nang walang mga paa at kamay, mabuti na lang at umupo ka at enjoyin ang pagkain mo nang walang ginagawang nakakatawa!"

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.