Kabanata 602
Bakit... Kailangan ba niya sabihin pa ang sagot?
Pero, ngayon ang tingin nito ay parang gusto nito sagutin niya ito.
“Sabihin mo sakin. Bakit? Bakit hindi ka magkakagusto kay Gu Lichen.” Ipinagdidiinan nito na sagutin niya ito.
Hindi mapigilan ni Ling Yiran na mamula pero sinabi niya parin ito ng malakas. “Kase ikaw ang gusto ko. Wala namang namamagitan samin ni Gu Lichen, Jin. Ayokong ma-misunderstand mo ako.”
Wala lang ba talaga?
Dumilim ng dumilim ang mga mata ni Yi Jinli. Ang mga litrato ni Gu Lichen habang yakap si Ling Yiran sa email inbox nito ay naalala niya ulit.
Pati… yung litrato ni Gu Lichen habang naiyak sa harap ni Ling Yiran.
Yung mga litrato na yun ay parang inaasar siya. Kahit anong gawin niya, hindi niya pa rin mapuputol ang pinagsamahan nila Ling Yiran at Gu Lichen.
“Wala? Wala ka talagang tinatago sa akin?” mahinang pagkakasabi niya.
“Nilinaw ko na lahat sa pagitan namin ni Gu Lichen.” Akala niya, ang tinatanong ni Yi Jinli ay tungkol lang sa nangyari
Naka-lock na chapters
I-download ang Webfic app upang ma-unlock ang mas naka-e-excite na content
I-on ang camera ng cellphone upang direktang mag-scan, o kopyahin ang link at buksan ito sa iyong mobile browser
I-click upang ma-copy ang link