Kabanata 8
May gusto sanang sabihin si Harvey, ngunit nang makita niya ang inasal ni Howard, umiling siya at hindi na lang nagsalita. Sa halip ay pumunta siya sa tabi ni Shirley at sinabi, "Sabay na ba tayong pumunta? Ikinatatakot ko na baka magkagulo mamaya."
"Ito…" nagdalawang-isip sandali si Shirley. Mayroon siyang magandang ugnayan kay Harvey habang sila ay nasa kolehiyo, ngunit syempre, si Harvey ang bida ngayong gabi. Kung aalis siya ngayon, di ba magagalit niya si Howard?
Sa kabilang banda, nang makita ni Howard na nandoon pa rin si Harvey at kasama pa ang magandang kaklase na si Shirley, nagdilim ang kanyang mukha. Tinitigan niya ito. "Harvey, ayos lang kung di ka umalis. Ngayon gusto mo pang dalhin kasama mo ang maganda naming kaklase. Sino ka ba sa tingin mo? Isa ka bang asensadong tao? Wag mong kakalimutan! Isa kang live-in son-in-law, at nahihiya kami na magkaroon ng kaklaseng kagaya mo!"
"Tama yan! Lahat ng mga kaklase namin ay maayos ang kalagayan. Isa kang kahihiyan!"
"Dalian mo at umalis ka na! Shirley, isa siyang live-in- son-in-law. Wag kang magpapaloko sa kanya!"
Si Howard ang bida ngayong gabi. Ang mga kaklaseng ito ay nasa lipunan na sa loob ng maraming taon. Hindi sila ganoon kahusay ngunit lahat sila ay magaling sa pambobola. Sa sandaling ito, malaswa nilang iniinsulto si Harvey.
Napakunot ng noo si Harvey. Kung di lang dahil sa takot na baka mapahamak si Shirley mamaya, hindi na niya ginustong magsalita pa.
Kalaunan, napansin ni Howard na hindi pa umaalis si Harvey at pakiramdam niyang napapahiya siya. Naglabas siya ng isang bank card at inihagis ito sa hapag. Ngumisi siya, "Waiter, bill please. Kapag may hindi sumuko, edi ipapakita ko sa kanya na hindi niya mabibili ganitong pagkain sa buong buhay niya!"
Maraming taong sumingap nang makita ang ginawa ni Howard.
Silver card! Mga tao lamang na may higit isang milyong kayamanan ang maaaring makakuha nito.
Hindi nila inakala na may ganitong nakamit si Howard sa ganito kamurang edad. Nakakaloko talaga ang itsura.
Sa kabilang banda, mahirap si Harvey at isang talunan. Paano nangyaring ganon kalaki ang agwat sa pagitan nh dalawang tao?
Siguradong maging si Wendy ay hindi mapigilang tignan si Howard nang ilang beses nang makita niya ang silver card. Tila ba ang lalaking ito ay medyo mahusay.
Natuwa si Howard nang makita niya ang nasisiyahang mata ng dalaga. Tumitig siya kay Harvey at nagpatuloy. "Hindi, nagbago bigla ang aking isip. Waiter, mag Dutch tayo ngayonh gabi. Isa para sa kanya at ang lahat ay ako na ang sasagot. Tulungan mo akong paghiwalayin sa dalawa ang bayarin."
Tumango ang waiter at bumaba.
Nalungkot si Shirley para kay Harvey sa sandaling ito. Diba mas mabuti na kung umalis na siya ngayon? Ang pagkain ngayong gabi ay natatantyang nasa sampung libo, at ang katampatang magagastos ng bawat tao ay higit sa isang libo. Mababayaran ba ito ni Harvey?
Napabuntong-hininga si Shirley nang pag-isipan niya ito. Tahimik niyang inilabas ang kanyang bank card. Kailangan niyang bayaran ang bayarin para kay Harvey para hindi ito mapahiya.
Sa sandaling ito, ang waiter na may hawak sa kanyang card, at isang taong mukhang ang manager ay mabils na naglakad papasok sa isang pribadong kwarto.
Yumuko ang waiter kay Howard nang mukhang nalulungkot at sinabi. "Ginoo, paumanhin, kulang ang balanse sa inyong card."
Nagulantang sandali si Howard. Pagkatapos ay galit niyang sinabi, "Nagbibiro ka ba? Milyon-milyon pa ang meron ako sa card na yan, paano mo nasasabing kulang ang balanse ko?!"
"Opo, ginoo. Paumanhin. Ang pagkain ngayong gabi ay 1.8 million dollars. Kailangan mo pang magbayad ng 1.7 million dollars pagkatapos ibawas ang bayarin ng lalaking ito…"
"Pfft…"
Halos tumawa nang malakas si Harvey nang marinig niya ang numero. Nagmistulang bastos ito.
Ang Howard na ito ay isang tunay na tanga. Kahit na walang may alam tungkol sa dalawang bote ng wine na inilabas ng waiter, alam ito ni Harvey.
Ito ay ang kilalang Eden XIII, isang French original royal wine, na may presyong nasa walong daang libong dolyar. Bumili si Howard nh dalawang bote ngayon lang, at ang presyo ay nasa higit 1.6 milyong dolyar na.
Nagulat si Howard. Itinuro niya ang waiter at sinabi, "Niloloko mo ba ako? Wala pang dalawampung katao anh nandito. Paano kami nakagastos ng nasa dalawang milyong dolyar? Dalhin mo ang manager mo dito. Gusto kong makita kung gaano kakurakot ang hotel niyo!"
Napabuntong-hininga ang waiter. Inasahan na niya ito. Umatras siya at sinabi, "Ito ang aming manager."
"Magaling!" Sigaw ni Howard habang nakatitig sa maayos manamit na manager sa harapan niya. "Balak niyo bang mawalan ng trabaho? Paanong naging isang daang libong dolyar ang katampatang gastos? Kilala mo ba ako? Pinsan ko si Don Xander!"
Hindi nagmamadali ang manager. Mabagal niyang sinabi, "Ginoo, ipagpaumanhin mo. Ang pagkain ay nasa sampung libong dolyar lamang. Subalit, bumili ka ng dalawang bote ng pinakamagandang French wine, ang Eden XIII ngayon lang. Bawat isa nito ay nagkakahalagang walong daan at walompung libong dolyar. Kaya kailangan mong magbayad ng 1.76 milyong dolyar. Ito ay halos 1.8 milyong dolyar matapos idagdag ang pagkain. Ngunit dahil pinsan ka ni Mr. Xander, tinipon na namin ang numero…"
"Sa maniwala ka o sa hindi, papatayin kita!" Galit na sinabi ni Howard. Hinablot niya ang damit ng manager. "Paano kayo nagkaroon ng wine na nagkakahalagang higit sa walong daang libong dolyar? Kahit na mayroon kayo nito, hindi ko sinabing gusto ko ng ganito kamahal na wine. Tatawag ako ng pulis!"
Ikinalma ng manager ang kanyang sarili at dahan-dahang ihinawi palayo ang kamay ni Howard.
Nasa ganitong posisyon na siya sa loob ng maraming taon. Kaya nakita na niya ang lahat ng klaseng tao sa Niumhi noon. Subalit, ito ang unang pagkakataon na makakita siya ng isang taong walang pera ngunit nagpanggap pa rin na mayaman.
Malumanay niyang sinabi matapos huminga nang malalim, "Ginoo, hayaan mong ipaliwanag ko sa iyo ang ilang bagay. Una, ihinandog namin sa iyo ang pinakamagandang wine na iyong hiniling. Ikalawa, ipinaalala sa iyo ng aming waiter ang presyo nang dalawang beses, pero wala kang pake. Ikatlo, ang lahat ng ito ay nakatala, kaya may ebidensya kami. Kung gusto mong tumawag ng pulis, sige lang."
Clap, clap…
Malumanay na pumalakpak ang manager matapos niyang magsalita.
Boom! Sinipa pabukas ang pinto ng pribadong kwarto. Ilang mga malaking taong nakapang ilalim ang sumugod. Lahat sila ay mababagsik at nakakatakot.
Nang magpunta para magbalita sa kanya ang security ngayon lang, naramdaman na niya na may isang taong gagawa ng gulo, kaya nagdala siya ng mga bodyguard kasama niya.
Nanlamig ang pawis ni Howard at siya ay nanginig. Nagngitngitan ang kanyang mga ngipin at sinabi niya, "Nasaan ang amo niyo? Gusto kong makita ang amo niyo! Nagpapatakbo kayo ng isang "black shop"!"
"Sinasabi mo bang nagbukas ako ng isang "black shop"?"
Isang binatang may buzzcut ang may suot ng puting damit at may hawak na dalawang bola sa kanyang kamay. Nakangiti itong lumapit.
Suot niya ang salamin na may ginintuang na frame, mukhang nakakatakot, at masama. Napahikbi ang mga tao sa itsura niya.
Ang may-ari ng Platinum Hotel, si Tyson Woods ay itinuturing na isa sa pinakakilalang tao sa Niumhi. Ang Platinum Hotel ay isa sa mga pagmamay-ari niya.
Magmumura sana si Howard, ngunit nagpatuloy sa pagtagaktak ang kanyang pawis sa mga oras na ito. Ito ay si Tyson Woods! Siya ay isang kilalang tao!
Talagang sumobra siya ngayon, lalo na magkaibigan si Don at Tyson. Alam niya na wala lang si Don sa harap ni Tyson.
Si Howard ay isa lamang trabahador. Ang lakas ng loob niyang banggain si Tyson?
Galit na sinabi ng manager nang makita na dumating ang boss, "Ginoo, mayroon kang silver card at may hawak ka ring isang Audi car key. Sa tingin ko hindi ka naman isang taong hindi kayang magbayad. Hiningi mo mismo ang pinakamagandang wine at nanghingi pa ng dalawa. Ngayon tumatanggi kang bayaran ito."
"Hindi! Di ko gagawin yun!" Mabilis na sinabi ni Howard, "Magbabayad kami, babayaran namin to!"
Tinignan niya ang kanyang mga kaklase para humingi nang tulong habang nagsasalita. Mayroon lamang siyang isang milyong dolyar na natitira sa kanyang card. Ito ang kalahatan ng yaman na inipon niya sa loob nitong nakaraang taon. Binili niya pa gamit ng utang ang kanyang Audi. Paano niya magagawang maglabas ng dalawang milyong dolyar mag-isa?
Ang mga kaklaseng binobola siya kanina lang ay tumitingin sa lahat ng direksyon. 'Kanina lang, gusto mong magyabang at hiningi mo ang pinakamahal na wine. Anong nais mong iparating? Ngayon gusto mong tulungan ka naming magbayad? Imposible!'
Kaagad na nalaman ni Tyson kung ano ang iniisip nila. Dahan-dahan siyang lumapit at tinapik nang dalawang beses ang mukha ni Howard. Sinabi niya pagkatapos, "Bata, kung wala kang pera, huwag kang magpanggap na mayaman at magpakumbaba ka ha?"
"Opo, opo, opo…"
"Hindi mo kailangang magbayad ngayong gabi," ngumiti si Tyson. "Pero sa isang kondisyon…"
"Pakiusap sabihin mo! Pakiusap! Gagawin ko ang lahat…" nagmamakaawang sinabi ni Howard.
Malagim na ngumiti si Tyson. "Hayaan mong sumama siya at siya sa akin."
Sumulyap siya kay Wendy at kay Shirley. Ang dalawang babaeng ito, isa ay seksi at isa ay dalisay.