Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 6

"Si Don?" Saglit na napahinto si Harvey. Pagkatapos ay ngumiti siya, 'Ang lalaking iyon ay isa lamang tuta ng York Enterprise. Ilang sandali na lang bago siya mapaalis.' "Ina, hindi ako makikipag-divorce. Kahit na mag-divorce pa kami, wala na kayong pakialam dito. Sana ay hindi ka mangingialam sa relasyon namin." Tumawa si Harvey at nagsalita bago sumakay sa kanyang paboritong electric bike at umalis. "Harvey, sampid ka lang!" Nanginig sa galit si Lilian. Muntik na niyang sagasaan si Harvey gamit ng kanyang kotse. Subalit, nagawa na lang niyang pigilan ang kanyang galit at kaagad na umalis pagkatapos niyang makita ang mga tao na nakapalibot sa kanila. … Naglakad si Mandy papunta sa front desk ng kumpanya nang lagpas na sa oras ng opisina. Pagkatapos ay nakakita siya ng dalawang babaeng tumatawa habang may sinasabing kung ano at maraming empleyado ang nanonood. "Isang talunan ang asawa ni Miss Zimmer. Sinabi niya na bibigyan siya nito ng rosas na galing sa Prague. Paano niya nasabi iyon? Hindi ba niya nakikita ang sarili niya sa salamin? Hindi lang sa nakasakay siya sa isang electric bike, sira rin ang kanyang tsinelas. Dapat ay namamalimos na lang ang mga lalaking kagaya niya…" "Oo nga, hindi ko alam paano nakahanap si Miss Zimmer ng isang talunan!" "Kung hindi siya isang talunan, hindi siya magiging isang live-in son-in-law!" "Kung ako sa kanya, matagal ko nang hiniwalayan ang lalaking iyon…" "Napakarami namang lalaki diyan na nanliligaw kay Miss Zimmer…" Walang masabi si Mandy. "Ikaw…" Kinagat ni Mandy ang kanyang mapupulang labi at namula rin ang kanyang mukha na para bang nilalagnat nang marinig niya ang mga komentong iyon. Sobra ang kanyang pagkapahiya. "Miss Zimmer…" Mukhang takot na takot ang dalawang babae sa front desk nang mapansin nila si Mandy. "Miss Zimmer, wala lang yung pinag-uusapan namin. Huwag kang magalit…" "Manahimik ka!" sigaw ni Mandy habang bahagyang nanginig ang kanyang katawan. Namumula ang kanyang mga mata at halos mapaiyak. Bakit ba siya nagkaroon ng isang walang kwentang asawa? Ang mga asawa ng iba ay kadalasang mga may matataas na posisyon sa isang kumpanya o hindi kaya ay mula sa mga mayayamang pamilya. Subalit, ang kanyang asawa ay isang walang kwentang live-in son-in-law. Hindi lang sa hindi siya nito kayang protektahan, lagi rin siyang pinapahiya sa harap ng ibang tao. Sa sandaling iyon, tumunog ang telepono sa front desk. Sinagot ng natatakot na babae ang telepono at mahinang nagsalita, "Miss Zimmer, sabi ng security ay isang logistics company ang nagpadala sa inyo ng isang trak ng mga kagamitan. Papapasukin ba natin sila?" "Para sa'kin?" Saglit na nabigla si Mandy. Wala naman siyang binili, pero tumango pa rin siya. Hindi nagtagal, nakita niyang papasok ang isang lalaking gwapo at mukhang may mataas na katayuan na nakasuot ng tuksido. Magalang siyang nagsalita, "Ikaw ba si Miss Zimmer? Ito ang global express delivery service na nasa ilalim ng aming kumpanya. Nagmula ito sa Prague. Maaari sana itong pirmahan." "Prague?!" Natapos pumirma si Mandy nang may bakas ng gulat sa kanyang mukha. Nang kumumpas ang makisig na lalaki, ilang mga trabahador ang maingat na nagbuhat ng isang mamahaling kahon na gawa sa kahoy at nilapag sa lobby. Ang ibabaw ng kahon ay may disenyong mga makikintab na kristal na kumikinang kapag naiilawan. Nanlaki ang mga mata ng lahat ng mga empleyado. "Wow! Galing ba ito ng Prague?" "At ang mamahalin ng kahong ito, ano kayang laman?" "Miss Zimmer, pwede mo ba 'tong buksan at ipakita samin?" Karamihan sa kanila ay mga babaeng empleyado mula sa mga advertising companies. Sa sandaling ito, naghihintay ang lahat ng empleyado nang may makikinang na mata. Kahit na naguguluhan si Mandy, pinabukas niya sa lalaki ang kahon nang makita niya na sobrang sabik ang lahat. Higit pa roon, sa susunod na segundo, napatunganga ang lahat at nanahimik sa loob ng ilang minuto. "Ito… ito ay mga rosas galing sa Prague…" "Sigurado ka ba? Hindi ba sabi sa balita na mayroong pagbaba sa produksyon ng rosas sa Prague ngayong taon? Gaano karami ito?" Nakita ng makisig na lalaki na tuwang tuwa ang lahat ng mga kababaihan. Ngumiti siya at tinuro ang bouquet ng rosas. "Miss Zimmer, hayaan mong ipakilala ko sa iyo…" "Ito ay mga rosas galing sa Prague. Dapat ay alam ninyo na ang mga ito ay ang pinakamagandang batch ng rosas ngayong taon." "Pero, hindi iyan ang pinakamahalagang bagay, tignan niyo rito…" Tinuro ng makisig na lalaki ang gitna ng malaking bouquet ng rosas, at naroon ay isang maliit na rosas na kasing liit ng isang brooch. Ngunit, kung titignan mo sa malapitan, mapapansin mo na hindi ito isang rosas, puno ito ng mga diamante at mga bato na may iba't-ibang kulay. "Ang Heart of Prague!" Nagulat si Mandy. Pakiramdam niya ay nananaginip siya. Ang Heart of Prague ay dinisenyo at inukit ng ilan sa mga pinakatanyag na master ng sining sa kasaysayan ng Prague. Nag-iisa lang ito sa buong mundo. Talagang natatangi ito. Higit pa roon, ito ang simbolo ng Prague. Kahit na napakamahal nito ay hindi ito binebenta. Hindi niya inaakala na may magbibigay sa kanya nito ngayong araw. "Wow! Sinong nagpadala nito sa'yo?" "Miss Zimmer, bigay siguro ito ng iyong manliligaw!" "Napakalaking halaga nito, hindi kaya galing ito kay Mr. Xander?" "Hindi ba sinabi rin ng walang kwentang asawa ni Miss Zimmer na gusto niya rin siyang bigyan ng rosas galing Prague?" "Pfft, pinapatawa mo ako. Paano siya makakabili ng mga rosas na ito? Kahit na ibenta niya ang sarili niya, hindi pa rin niya ito mabibili!" Sobrang nabigla si Mandy. Sino ang magbibigay sa kanya ng mga rosas na ito at ng Heart of Prague? Hindi naisip ni Mandy si Harvey, dahil siya ang pinakanakakaalam sa kanyang sitwasyong pinansyal. Madalas ay binibigyan niya ito ng bagong pera. Hindi nga niya kayang bumili ng ordinaryong rosas, mas lalo na ang mga rosas galing Prague. Hindi niya ito kayang bilhin. Hindi kaya… Pinadala ito ni Don? Napuno ng kakaibang emosyon ang puso ni Mandy nang naisip niya ito-- napahanga siya pero medyo nahihiya. … Sa Niumhi, sa loob ng Platinum Hotel. Ang hotel na ito ay tinaguriang kilalang lugar na pinagdarausan sa Niumhi at hindi mababa ang bayad dito. Pinaniniwalaan na ang mga tao na nagpunta rito ay tanyag at mataas ang impluwensya. Dahil dito, maraming mamahaling kotse ang nakaparke sa gate sa harap ng hotel. Sa pagkakataong ito, ang college reunion party ni Harvey ay idaraos dito. Humuni si Harvey at ipinarke ang kanyang electric bike sa parking space sa may gate. Kahit na mayaman na siya ngayon, isa siyang mapagpahalagang tao. Naging kasama niya ang electric bike na ito sa hirap ng kanyang buhay sa loob ng tatlong taon. Hindi niya ito kayang pabayaan. Bigla na lang, isang nakakabinging busina ang narinig sa kanyang likuran bago niya maiayos ang kanyang electric bike. "Tanga ka ba?! Isa ka bang delivery man o isang alalay? Hindi mo ba alam ang patakaran dito? Paano mo nagawang okupahan ang isang parking ng sirang electric bike na iyan? Baliw ka ba?!" Isang Audi A4 ang huminto sa likuran ni Harvey. Sumilip mula sa bintana ang isang lalaki, tinuro siya, at sumigaw. Lumingon si Harvey. Parehong silang nagulat. "Class monitor?" sambit ni Harvey. Ang taong ito ay kanyang kaklase sa kolehiyo na naging class monitor sa loob ng ilang taon.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.