Kabanata 4
"Paliwanag? Bakit ako magpapaliwanag sa iyo? " Pagalit na sabi ni Harvey. “Una, asawa ko si Mandy. Layuan mo siya. Kung nais mong gumawa ng eksena, doon ka sa ibang lugar!”
"Pangalawa, kung ang aking asawa ay mahilig sa mga rosas, ako ang bibili nito para sa kanya! Napakaganda niya. Paano magiging angkop sa kanya ang payak at murang mga bagay? Ako mismo magpapadala sa kanya ang mga rosas mula sa Prague ngayong gabi!"
"P*tang *na! Nasa tamang pag-iisip ka pa ba o sadyang tanga ka? Ang isang rosas mula sa Prague ay higit isang libong dolyar. Narinig kong humihiling ka ng sa isang scooter kay Senyor Zimmer kahapon. Isa ka lang namang walang kwentang tao. Kahit na ibenta mo ang iyong bato, hindi mo rin kayang bumili ng mga iyon. Bakit ka matapang, gumagawa ka ba ng palabas dito?"
Nanlamig si Don. Mayroon siyang marangyang katayuan sa York Enterprise. 'Paano nagagawa ng isang manugang na katulad niya ang kausapin ako nang ganito?’
Bukod pa rito, ang bagay na ikinagalit niya ng sobra ay ang insidente kung saan binato ni Harvey ang kanyang mga bulaklak at hinatak si Mandy sa elevator. 'Ano ba ang gusto ng b*stardong ito?'
Habang iniisip ang mga iyon, ngumiwi bigla si Don. Para bang sigurado siya sa sarili niya. "Mandy, hindi ka ba nangangailangan ng limang milyong dolyar para sa pondo ng iyong kumpanya? Baka matulungan kita. "
"Ano?" Natulala si Mandy.
Kalmadong sinabi ni Don, “Mandy, alam kong kailangan ng iyong kumpanya ng limang milyong dolyar. Fortunately, meron akong hawak na ganoong kalaking halaga, at pwede kong gamitin bilang investment. Kung papayag kang kumain tayo ngayong hapon, mapapasa-iyo ito."
"Seryoso ka?" Hindi namalayan ni Mandy na binitawan niya ang kamay ni Harvey. Tunay ngang kailangan ng kanyang kumpanya ang ganoong halaga ng pera..
"Palagi akong tumutupad sa mga pangako ko." Nagkaroon ng kumpyansa si Don.
"Sige." Matapos itong isaalang-alang nang ilang sandali, nagsalita na siya. Kung hindi siya nakakuha ng ganoong halaga, maaaring malugi ang kanyang kumpanya.
"Tara na, Mandy. Maaari nating pag-usapan ang proyekto at kung saan tayo mag-tanghalian mamaya…” Magalang na sinabi ni Don.
“Mahal! Huwag kang sumama sa kanya! " Bago pa makapagsalita si Mandy, galit na tinitigan ni Harvey si Don. Lalong lumala ang ekspresyon ng mukha niya. "Don, binabalaan kita. Lumayo ka sa asawa ko! ”
Naumisi si Don. "Paano makakapagpasya ang isang walang kwentang manugang tungkol dito? Bakit? Natatakot ka na baka lokohin ka niya?" Bahagyang ngumiti si Don sa sandaling iyon.
"Ikaw ay isang hampaslupa. Sa palagay mo mababago mo ang iyong kapalaran? "
"Ako…" nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Harvey, at nais niyang sabihin pa.
Ngunit sa sandaling iyon, si Mandy ay lumabas ng elevator at sinabi, "Harvey, huwag kang maging walang katwiran."
"Hindi ba ako makatuwiran?" Natigilan si Harvey.
"Alam mo ba kung gaano kahalaga sa akin investment na ito?" Tumingin si Mandy kay Harvey na ma. 'Kung mas may kakayahan siya, hindi ako magiging ganito.'
Bumuntong hininga siya at sinundan si Don palabas ng lobby ng kumpanya. Pagakatapos, sumakay siya sa BMW.
"Mahal!" Agad na sinundan ni Harvey si Mandy noong makita niyang sumakay ito sa sasakyan ni Don. "Mahal, huwag kang sumama sa kanya! Nasakin na yung pera. Bibigyan kita ng five million dollars!" Ang sigaw ni Harvey.
"Harvey, bakit di ka na lang maghanap ng trabaho? Huwag ka nang mangarap diyan." Bumuntong hininga si Mandy.
"Pero…" May binabalak nanamang sabihin si Harvey.
Lumapit sa kanya si Don. Tinapik niya ang balikat ni Harvey at mahinahong sinabi na, "Anong problema? Naghahanap ka ba ng trabaho kahit na wala ka namang kwenta? Gusto mo bang bigyan kita ng trabaho? Maswerte ka at nangangailangan ng janitor ang kumpanya ko."
"Gusto mo bang subukan? Nasa two hundred dollars ang sasahurin mo kada buwan. Bibigyan pa kita ng dagdag na fifty dollars para kay Mandy. Ayos ba?" ang seryosong sinabi ni Don. "Pagmamay-ari ng mga York ang York Enterprise. Hindi madali ang makapasok sa isang ganun kalaking kumpanya. Huwag mong palampasin ang pagkakataon na to. Pag-isipan mo tong maigi!"
Tinabig ni Harvey ang kamay ni Don at sinabing, "Hindi ko kailangan yan!"
"Oh, napakawalang utang na loob!“ Umiling si Don at hindi na nagpaabala pa kay Harvey. Binuksan ni Don ang pinto ng kanyang BMW at agad na sumakay sa sasakyan.
"Mahal, huwag kang sumama sa kanya. Matutulungan kita sa five million dollars na kailangan mo!" Hindi sumuko si Harvey, tumingin siya kay Mandy sa pag-asang magbabago pa ang isip niya.
Subalit, hindi pinakinggan ni Mandy ang pakiusap ni Harvey.
"Huwag ka nang sumigaw, Harvey. Huwag ka nang mangarap lalo na't napakahirap mo…"
"Paano mo tutulungan si Mandy? May five million dollars ka ba? Kilala mo ba ang CEO ng York Enterprise?"
"Mag-isip ka na kung saan ka mamamalimos ng pera kapag pinalayas ka ng mga Zimmer…" Humalakhak ng malakas si Don.
Ibinaba ni Don ang bintana ng kanyang sasakyan at nang-iinsultong ngumisi kay Harvey.
Sumigaw si Harvey, "Don! Huwag kang magmayabang dahil lang mayaman ka!"
"Excuse me. Masayang maging mayaman. Madali kong mapapasama ang asawa mo dahil kaya ko…"
"Kung gusto kong sumakay siya sa sasakyan ko, wala siyang magagawa kundi sundin ako."
"Kapag sinabi kong hiwalayan ka niya, hihiwalayan ka niya agad."
Humalakhak ng malakas si Don.
Pagkaalis ni Don, sakay ng kanyang kotse. Nanlulumong nakatayo si Harvey sa entrance ng kumpanya.
"Kayang pasakayin ng isang project manager ng York Enterprise ang asawa ko sa sasakyan niya. Magagawa pa niyang utusan ang asawa ko na hiwalayan ako."
"Isa lang namang kumpanya na hawak ng mga York yung York Enterprise. Bwisit!"
Habang nagsasalita siya, nilabas niya ang luma niyang phone at tinawagan ang contact number na tumawag sa kanya kahapon.
"Si Harvey to. Matutulungan ko ang mga York, pero may dalawa akong kundisyon!"
"Una, simula sa araw na to ako na ang may-ari ng York Enterprise!"
"Pangalawa, ikuha niyo ako ng pinakamagandang mga rosas mula sa Prague at ipadala niyo sa Zimmer Advertising Company sa paraan na siguradong magugustuhan ng mga babae!"