Kabanata 2
“Isang mensahe mula sa mga York.” Bahagyang nakasimangot si Harvey.
Ang mga York ay ang pinaka-maimpluwensyang pamilya sa South Light. Kalaunan, si Harvey ay ang nararapat na tagapagmana.
Ngunit tatlong taon na ang nakaraan, may isang tao sa pamilya nila ang inakusahan siya na binulsa niya ang pondo ng kumpanya. Kung kaya, ang kanyang estado bilang tagapagmana ay nawala.
Ang buong pamilyang York ay may parehong opinyon at si Harvey ay agad na tinakwil. Bukod dito, ang kanyang mga magulang ay ipinadala sa ibang bansa at hindi na niya sila nakita mula noon.
Nang umalis siya sa mga York tatlong taon ang nakararaan, wala siyang kahit isang sentimo. Labis siyang naapektuhan ng matinding dagok sa ekonomiya, at siya ay nagkasakit ng malubha. Sa kabutihang palad, si Lola Zimmer ay mabait at kinupkop siya. Pinayagan niya pa siyang maging manugang, kaya't hindi siya namatay sa isang malagim na trahedya.
Gayunpaman, kahit na kasal siya kay Mandy sa loob ng tatlong taon ngayon, sa papel lang sila kasal.
Kung hindi sinubukan ng mga Zimmer na protektahan ang kanilang reputasyon, maaaring walang matutuluyan si Harvey.
Tatlong buong taon na ang nakalipas. Tila nasanay na si Harvey sa ganoong klaseng buhay. Sa katunayan, siya ay isa lamang manugang na inampon ng mga Zimmer.
May isa pang bagay na naging sanhi ng higit na matinding kirot sa puso ni Harvey. Bagaman laging prangka at deretsong nagsasalita sa kanya si Mandy, siya ay ubod ng ganda. Matapos ang tatlong taon na pagsasama nila, napagtanto ni Harvey na tuluyan nang ang loob niya sa isang pag-ibig na walang pag-asa.
Habang iniisip niya ang mga iyon, nakatanggap siya ng isa pang mensahe sa kanyang telepono.
"Sir, nakikiusap po ako sa iyo. Tulungan niyo na po kami! Hindi ba bumili ka po ng ilang mga stock ng isang minahan ng ginto tatlong taon na ang nakakaraan? Kamakailan lamang ay nalaman na mayroong maraming halaga ng ginto sa minahang iyon. Ngayon, ang presyo ng stock ng minahan ng ginto ay labis na tumaas! ”
"Ngayon, tinigil ang pagpopondo sa kumpanya at kailangan namin kaagad ang iyong tulong. Kung hindi, masisira ang ating pamilya! "
Naguluhan si Harvey.
Sandali siyang hindi kumibo. Sa mga taong iyon, namuhunan siya ng milyon-milyong dolyar sa minahan ng ginto. Ito rin ang dahilan kung bakit sinabi ng mga York na ninakaw niya ang pondo ng kumpanya, at dahil dito ay itinakwil siya.
Hindi pa ito naging tatlong taon, at nalaman nila na ang minahan ng ginto ay puno ng malaking halaga ng ginto, at samakatuwid ay napakalaking pagtaas ng presyo ng stock din.
Sa sumunod na sandali, mabilis na nilabas ni Harvey ang isang itim na bank card.
Ang itim na card na iyon ay inabandona sa loob ng tatlong taon. Isa itong gamit na nagpapakita ng kanilang katayuan sa buhay. Sinasabing makukuha ng isang tao ang kahit anong nanaisin niya saan man siya, basta nagmamay-ari siya ng card na ito.
Dali-dali niyang tinawagan ang 24-hour customer service hotline na nasa card. Narinig niya sa kabilang linya ang malambing na boses ng isang babae. "Dear G. York, magandang araw. Maaari ko bang malaman anong maitutulong ko sa inyo?"
"Pakitingnan kung magkano ang laman ng aking account!"
"Walang problema. Mangyari pong maghintay kayo nang sandali," magalang na sinabi ng babae. Kasunod nito, malinaw na nanginig ang kanyang boses at halatang nagulat siya. "G. York, ang balanse ng iyong account ay masyadong malaki na tinago ito bilang seguridad. Wala akong kakayahang tinangan ang balanse para sa iyo. Akin pong ire-request ito ngayon. Maaari bang tawagan ko kayo maya-maya?"
"Walang problema." Binaba na ni Harvey ang tawag. 'Ang halaga ng pera ay malaki na naka-lock ang account para sa seguridad nito.'
"Humalakhak siya. Hindi niya sukat akalain, naglabas siya ng milyon-milyong dolyar at nag-invest doon para sa katuwaan niya. Hindi niya naisip na ang ganoong uri ng investment ay bibigyan siya ng malaking surpresa. Hindi alam ni Harvey magkano ang perang pag-aari niya ngayon.
***
Masayang naglakad pauwi si Harvey. Nang nakauwi na siya, si Mandy ay matagal nang nakauwi.
Sa kabilang banda, may dalawa pang babae sa sala. Mula sa malayo, nakikita niya ang dalawang maganda at kaakit-akit. Bukod dito, si Mandy ay ubod ng ganda. Kasama ni Mandy ang dalawang pinakamatalik niyang kaibigan, sina Cecilia Zachary at Angel Quinn.
Nila nila pinansin si Harvey nang pumasok siya sa sala.
Si Angel na nakaupo sa gilid ay nagbuntong-hininga. Sinabi niya, "Mandy, mag-usap tayo nang masinsinan. Narinig ko na may mga problema ang inyong kumpanya?"
Napahawak si Manday sa kanyang sentido. Sumagot siya, "Oo, itong mga nakaraang araw, nagkaroon ng problema sa pera ang kumpanya. Ngayon, kailangan namin ng limang milyong dolyar. Kung hindi ko makuha agad ang pera, maaaring ang kumpanya ko ay…"
Muling nagbuntong hininga si Angel. "Pero Mandy, hindi madaling makakuha ng limang milyong dolyar sa maikling panahon…"
Si Cecilia na nakaupo sa kanilang tabi ay sumang-ayon rin.
Tiningnan ni Mandy ang kanilang mga reaksyon, at napagtanto niyang wala silang maitutulong sa kanya, kaya medyo nataranta siya. Nang makita niya si Harvey, hindi niya mapigilang tingnan siya nang masama. Sumigaw siya, "Harvey, kailan ka pa nagkaroon ng karapatang makinig habang mayroon kaming seryosong usapan? Umalis ka at maglaba ng damit ko! Gumamit ka ng maligamgam na tubig sa paglalaba. Kapag nangupas ang mga damit ko, sisiguraduhin kong sa labas ka matutulog ngayong gabi!"
Aalis na dapat siya para maglaba nang biglang tumunog ang kanyang telepono. Sa hindi inaasahan, isa itong tawag mula sa 24-hour customer service ng itim na card.
Sinagot ni Harvey ang tawag at muli niyang narinig ang malambing na boses ng isang babae. "Dear G. Harvey, matapos naming siyasatin, nalaman naming ang iyong buong pag-aari ay nakalagay sa isang offshore account. Kung susubukan naming busisiin, maaari naming malabag ang iyong karapatan. Minumungkahi naming tawagan mo kami kapag may oras ka na. Tapos ay magpapadala kami ng susundo sa iyo papunta sa headquarters ng Niumhi agad-agad, para makita mo mismo ang balanse ng iyong account. Sumasang-ayon ba kayo?"
Nagsalita si Harvey. "Sige, pero bakit ang dami kong kailangang gawin para alamin ang balanee ng isamg offshore account?"
Binaba niya tawag matapos sabihin iyon. "Mandy, nakakatuwa ang iyong asawa." Hindi mapigilang humalakhak ni Angel. "Gusto niyang malaman ang balanse ng kanyang offshore account? Gaano karaming palabas ang pinanood nito? Alam ba niya kung ano ang isang offshore account?"
Napangiti si Mandy nang marinig niya ito. Sinabi niya, "Baka narinig niya ang usapan namin ni Dad sa telepono noong mga nakaraang araw. Iniisip niya bang offshore accounts ang tawag sa lahat ng bank accounts?"
"Pero lagi ko siyang binibigyan ng daang dolyar bilang pocket money niya araw-araw. Iniisip ko kung iniipon niya iyong sobra."
"Mandy, maayos ang pagtuturo mo sa alaga mo. Mukhang masinop siya!" Bahagyang ngumiti si Cecilia. Sa katunayan, hindi nila mapigilang matuwa. Sa pagkakataong iyon, medyo nainis si Harvey at lumapit kay Mandy. "Mahal, hindi ba nangangailan ang kumpanya mo ng limang milyong dolyar? Bakit hindi… mo ako hayaang tulungan kitang ayusin ito."
Humahalakhak nang malakas si Cecilia. Sa mga sandaling iyon, tumingin siya kay Harvey at sinabi, "Harvey, alam mo ba kung gaano kalaking halaga ang limang milyong dolyar? Hindi ito maliit na halaga. Kahit na ipunin mo ang isang daanh dolyar na pocket money mo araw-araw, paano ka magkakaroon ng limang milyong dolyar?"
Ngumisi ai Harvey. "Paano kung kaya ko?"
Pangungutya ni Cecilia, "Kung kaya mong maglabas ng limang milyong dolyar, luluhod ako sa harap mo at tatawagin kang daddy!" Humahalakhak siya nang malakas.
"Ganoon ba?" Ngumiti si Harvey. Nagpatuloy siya sa pagsasalita. "Kung ganoon, tandaan mo ang iyong sinabi. Huwag mong kakalimutan ang iyong pangako."
Hinawakan ni Mandy ang kanyang sentido habang nasa tabi nilang dalawa. Iwinagayway niya ang kanyang kamay sabay sabing, "Tama na yan. Lumayas ka at huwag ka nang umasa. Nakakahiya ka."
"Oo na", ang sabi ni Harvey. Hindi na niya dinepensahan ang sarili niya.
***
Nang gabing iyon, natulog pa rin si Harvey sa bulwagan. Hindi siya makapaniwala sa magandang balita.
"Tunay ngang hindi ako nananaginip!" Hindi mapigilan ni Harvey na tapikin ang kanyang mukha. "Kailangan ko lamang pumunta sa bangko bukas para malaman kung magkano ba talaga ang perang pag-aari ko."
Buong gabi siyang hindi mapakali. Kinabukasan, maagang nilabas ni Harvey ang kanyang electric bike. Hindi niya inaasahan na may mag-iiwan ng baterya para sa kanya. Matapos niyang pag-isipan, alam niyang si Mandy lang ang gagawa niyon. Walang iba sa mga Zimmer ang magiging mabait sa kanya para gawin iyon.
Pagkatapos niyang ikabit ang baterya, naghanda na si Harvey para pumuntang bangko.
"Harvey, saang lupalop ka pupunta nang ganito kaaga?" Sa balkonahe mula sa ikatlong palapag, nakita niya ang isang dalagang nakapantulog pa. Kamukha niya si Mandy. Sa sandaling iyon, nakatitig diya nang masama kay Harvey. Siya si Xynthia.
"Magandang umaga." Magalang na bumati si Harvey.
"Hindi pa rin ako makapaniwalang kinasal ang ate ko sa isang walang kwentang taong katulad mo. Kung ako iyon, sinakal na kita sa gabi ng kasal!"
Mukhang masungit si Xynthia. Naghagis siya ng document folder pababa kay Harvey. "Nakalimutan ng ate kong dalhin ang dokumentong iyan para sa meeting niya. Dalhin mo yan sa kanya. Kung mahuli ka, alam mo na mangyayari sa iyo!"
Hindi matatanggi, kahit senior pa lamang si Xynthia sa high school, nakuha niya pa rin ang magandang lahi ng mga Zimmer. Meron siyang maliit na baywang na may mahabang biyas. Tunay ngang siya'y kaakit-akit.
Nakatulalang pinulot ni Harvey ang mga dokumento. Sa tatlong taong pagiging kasal niya kay Mandy, hindi niya pinayagan si Harvey na puntahan siya sa opisina sa takot na mapahiya siya dahil kay Harvey. Ngayon, gusto niyang dalhin ni Harvey ang mga dokumento sa kanya. Panaginip ba ito?
"Lumayas ka na agad!" Nang makita niyang tulala si Harvey, nagalit si Xynthia. Matatangkad at gwapo ang ibang mga bayaw. Pero bakit ang kanyang bayaw ay isang walang kwentang duwag? Hindi niya man lang kayang tingnan si Harvey.
Higit pa dito, ayaw ni Harvey na makipaghiwalay. Sino ba siya sa tingin niya?