Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 9

Matapos makitang inamin ni Doria ang pangyayari, agad na naging malagim ang ekspresyon ni Bernice. Noong una, napaisip siya kung may hindi ba pagkakaintindihan, pero ngayon mukhang tugma na ang lahat sa sinabi ni Darlene. Maliban sa pagkakaroon ng bagong babae noong hiwalay na sila, ang masamang trato ni Andrew sa pamilya niya ay gumalit sa kanya. Malamig na nagsalita si Bernice, “Wala akong pakielam sa relasyon ninyong dalawa, pero kailan ninyo humingi ng tawad kay Favian. Dahil sa nakaraan natin, kakalimutan ko na ang iba.” Nasaktan si Andrew sa malamig na ugali ni Bernice. Mapait siyang ngumiti at sinabi, “Ganoon ba talaga ang tingin mo sa akin? Bago ka humiling na humingi ako ng tawad, siguro dapat alamin mo muna kung anong ginawala nila.” Napatigil si Bernice sa sinabi ni Andrew. Kilala niya ang ugali ni Darlene at naghihinala siyang may kadugtong pa ang istorya. Humarang siya sa harap ni Andrew at tumawag si Bernice kay Darlene sa harap niya. Nag-aalinlangan siya noong una, isiniwalat ni Darlene na balak niyang agawin ang kuwintas ni Andrew noong malaman niya na nandoon siya. Kahit na hindi pinalala ni Darlene ang eksena, nahulaan na halos ni Bernice ang nangyari. Problemado ang pakiramdam niya. “Ang nanay ko at si Favian ay hindi alam kung gaano kahalaga sa iyo ang kuwintas. Bukod pa doon, nasa iyo pa din ito. Kahit ano pa man ang nangyari, ang pagiging bayolente, lalo na sa matatanda, ay hindi tama.” Kahit natinanggap ni Bernice ang pagkakamali ng nanay niya, hindi niya maalis ang hindi mapakaling pakiramdam niya. Kahit na nakaligtas si Andrew, si Darlene ay naging biktima sa pag-atake, isang bagay na mabigat sa isip ni Bernice. Sapat na ang narinig ni Doria. “Kung hindi natin bibigyan ng pansin ang katotohanan, ano pa ang kailangan pag-usapan? Ang pamilya mo ay magulo—walang galang, mapagnakaw at ngayon gusto humingi ng paliwanag? Akin na si Andrew ngayon. Magpakita ka naman ng self-respect at iwan na kami.” Hindi nagpigil sa mga salita niya si Doria, malamig at nakakasindak ang dating niya na naglagay kay Bernice sa lugar niya. “Iyo? Mukhang hindi pa ninyo kilala ng matagal ang isa’t isa, kaya maaga pa para magdeklara ka. Base sa damit mo at ugali, mukhang mula ka sa kagalang-galang na pamilya. Papayuhan kita at magingat bago ituloy ang desisyon mo. Ang taong mahal mo ay maaaring hindi kasing direkta ng inaasahan mo.” Tatlong taon, ipinakita ni Andrew kay Bernice na isa siyang family-oriented at kalmadong tao na walang koneksyon. Para sa kanya, mukhang hindi siya kahanga-hanga at walang ambisyon. Dahil sa mga nangyari kamakailan lang, ipinapakita na mapagplano at mapagmanipulang tao siya, mga ugaling hindi alam ni Bernice. “Tara na, honey. Hindi worth it makipagtalo sa kagaya niya.” Hindi niya binigyan ng pansin si Bernice, hinawakan ni Doria ang braso ni Andrew at naglakad patungo sa hardin. Noong dumaan sila sa harap ni Bernice, napansin niya ang putting papel—isang marriage certificate ang nakasilip mula sa bulsa ni Doria. Nakita niya ng malinaw ang pangalan ni Andrew. Pinakasalan ni Andrew ang babaeng iyon! Nahirapan huminga si Bernice habang iniisip niya ang realidad ng kaganapan. Kakahiwalay lang niya kay Andrew, at ikinasal na siya agad sa ibang babae—isang babae na walang dudang mas maganda sa kanya! Anong nangyayari? Siya ba ang may kasalanan? Hindi ba niya nakita kung anong mabuti kay Andrew? Sandali lamang ito inisip ni Bernice, at isinantabi agad. Hindi, hindi siya nagsisisi na hiniwalayan niya si Andrew. Ang nakakagalit sa kanya ay ang bilis ni Andrew na makahanap ng ibang babae pagkatapos nila maghiwalay. Pakiramdam niya pinagtaksilan siya. Noong sumarado ang pinto, nagalit siya at tumayo doon ng panandalian bago umalis. “Magaling ba ako umarte? Anyway, kung aabalahin ka niya ulit, tawagan mo ako. Nagtutulungan nga naman ang mag partners.” Sa loob, nawala ang mabagsik na maskara ni Doria, bumalik siya sa walang pakielam niyang ugali. Ipinagbuhos ni Andrew si Doria ng tubig, at sinabi, “Medyo sumobra ka, pero hindi na masama.” Hindi plano ni Andrew na pagkunwariing asawa niya si Doria ng matagal. Bukod pa dito, buo na ang loob niyang tapusin ang koneksyon nila ni Bernice noong naghiwalay sila. “May oras ka ba bukas? Samahan mo ako sa charity banquet. Mahirap imanagei to ng mag-isa.” Nabanggit ito ni Doria sa dinner kanina. Habang nagpapagaling pa si Gavin, siya ang mamamahala sa banquet. Dahil pakiramdam niya nagkakautang siya kay Doria, sumangayon si Andrew. “Sige.” “Susunduin kita bukas.” Matapos ihatid si Doria, nag-freshen up si Andrew at natulog na. Sa sumunod na umaga, tumungo sa gubat si Andrew at nag-ehersisyo sa karaniwan niyang puwesto. Nagpatuloy ang fishing routine niya, huminga ng malalim si Andrew at umiling-iling sa inis. Matagal ng problema si Andrew sa isang bagay at mukhang natigil na siya dito, hindi na siya makausad. Kailangan niya malampasan ang balakid na ito at kailangan ng tulong para ito ay maampasan. Matapos punasan ang pawis niya, napansin ni Andrew ang matanda kahapon. Sa pagkakataong ito, wala siyang kasama na babaeng nasa 20s ang edad. Inobserbahan ni Andrew ang kilos niya, napansin na hindi martial arts na alam niya ang kanyang mga kilos. Mukhang kulang sa liksi ang kilos. Hindi nagtagal, tumigil ang matanda at ngumiti, “Uy, maaga ka nagising ngayon. Madalas, hindi na ganoon karaming mga bata ang nag-eehersisyo. Nagdurusa ang pisikal na kundisyon nila dahil dito. Interesado ka ba na magtraining kasama ako? Sapat na ang isang buwan para gumanda ang katawan mo.” Tinignan ng mga babae si Andrew bago sila umiwas ng tingin. “Salamat sa alok, pero sa tingin ko hindi to ang bagay na workout sa akin. Babalik na ako,” matapos magalang na tumanggi sa matanda, umalis si Andrew at bumili ng almusal. “Kilala mo ba siya, Lolo?” si Summer Xander ay nagtanong ng umalis si Andrew. Umiling-iling si Raymond Xander. “Ang batang ito ay kakalipat lang kahapon. Dahil bihira ka bumisita sa akin, kailangan ako humanap ng palipas oras ko.” Tumabi agad si Summer sa kay Raymond ng marinig ang reklamo niya. “Alam mo naman na busy ako sa kumpanya. Pero, nangangako akong bibisita lagi kada linggo simula ngayon.” “Itigil mo na ang ideya na gagawin mo siyang disipulo. Pinagpapawisan siya ng husto sa simpleng mga ehersisyo lang. Siguradong nakaratay na siya sa kama kapag nag-ensayo siya kasama mo.” Hindi alam ni Andrew kung anong pinaguusapan nila. Kahit na malaman niya, hindi siya magpapaabala dito. Naghintay is Andrew sa tabing ilog tulad ng plano, at dumating si Doria sa tamang oras. Magkasama silang tumungo sa charity banquet. Noong pumarada si Doria, sinabi niya, “Baka busy ako mamaya. Malaya ka na maglakad-lakad sa paligid. Ipapaalam ko sa iyo kung kailangan na kita.” Matapos lisanin ni Andrew at Doria ang parking lot, isang pula na sports car ang tumigil sa tabi nila. Sa loob ng sasakyan ay si Bernice at Bernard. Nakita ni Bernice ang pamilyar na tao sa sulok ng mga mata niya at nanigas siya bigla. Si Andrew ba iyon?

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.