Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 15

Isang matandang lalake na maayos ang panananamit na kalmado at may awtoridad ang dating ang lumapit. Sinuri ni Andrew ang matanda, nakilala siya na matandang nakikita niya lagi sa mga morning workouts niya sa nakalipas na dalawang araw. Noong dumating ang matanda, pinigilan ni Mike ang mga tao niya, baka importante siyang tao. Ngunit, walang pakielam si Darlene dito. Ang gusto lang niya ay pagbayarin si Andrew, at hindi niya hahayaang may pumigil sa kanya. “Saan nanggaling ang matandang ito? Sundin mo ang payo ko at umalis ka na. Kung hindi, gugulpihin ka din namin.” Si Raymond ay tuwid na tao. Noong narinig niya ang sinabi ni Darlene, nagdilim lalo ang ekspresyon niya. Sumigaw siya ng malakas, “Ang kapal ng mukha! Hindi ito lugar para gawin ninyo ang gusto niyo. Kung hindi kayo aalis agad, huwag ninyo ako sisisihin na hindi ko kayo iniligtas mula sa pamamahiya.” Para kay Darlene, biro lang ito. Samantala, si Favian naman ay nagmumura na. “Huwag na natin pag-aksayahan ang matandang tulad niya. Kung sa tingin niya mamamatay na siya, iligpit na din natin siya.” “Mike, ituloy mo na.” si Bernard din ay hindi sineryoso si Raymond. Mahigit sa sampung tao ang nasa side nila. Kung may mangyari man, mananalo pa din sila. Ngunit, mukhang nag-aalinlangan si Mike. Kasabay nito, dahil gusto niyang mapasaya si Darlene at ikasal agad kay Bernice, naging madiin si Bernard sa desisyon niya. “Dakpin muna si Andrew. Para sa matandang ito, turuan siya ng leksyon kung maglalakas loob siyang pigilan tayo. Ako ang magiging responsable sa mangyayari.” Basta ba walang mamatay, kaya asikasuhin ni Bernard ang sitwasyon. Dahil nangako na si Bernard, wala ng dahilan si Mike para mag-alinlangan. Sumenyas siya at ilan sa mga tauhan niya ay lumapit kay Andrew. Nagalit si Raymond ng makita niyang isinawalangbahala ang mga babala niya. Taon na ng may maglakas loob na gumawa ng gulo sa Starlight Grove. Lumapit siya at pumosisyon sa harap ni Andrew, balak na personal na turuan ang mga taong ito. “Sir, sa tingin ko mas mabuting huwag ka makielam. Kaya ko sila asikasuhin mag-isa,” sambit ni Andrew kay Raymond, hindi maganda ang pakiramdam niya dahil ipinagtatanggol siya ng taong hindi niya halos kilala. Suminghal si Raymond at sumagot, “Hindi mo lang problema ang bagay na ito. Bukod pa dito, sa hina ng katawan mo, masasaktan ka lang.” Nakaramdam ng kahihiyan si Andrew sa sinabi ng matanda. Hindi siya ganoong kahina. Pero, naintindihan niya ang ibig sabihin ni Raymond. Kung hahayaan niya ang mga taong ito na gumawa ng gulo, maaapektuhan ang kapayapaan ng buong neighborhood. Ang dalawang lalake, ay paulit-ulit na hinaranga si Raymond ay nagalit. Nagkatinginan sila at sumangayon sa isa’t isang unahin si Raymond. Kumilos si Raymond sa nakakagulat na bilis noong palapit na sila, hinawakan niya ang isang braso ng lalake at walang kaeffort-effort na binaliktad siya. Sa bilis ng kilos niya, hindi mahahalata ang edad niya, nagmukha siyang dominante at nakasisindak—hindi siya mukhang matanda na lampas na sa 60 ang edad. Ang sulok ng mga mata ni Mike ay kumibot. Aatake na dapat ang mga tao niya ng sumigaw siya, “Tigil!” Halo-halo ang emosyon niya at kinausap niya ng magalang si Raymond, “Sir, aalis na kami ngayon din. Huwag mo sana isapuso ang pangyayaring ito. Sisiguraduhin ko na babalik ako at opisyal na hihingi ng tawad balang araw.” Ang matandang nasa harapan nila ay hindi pangkaraniwan. Base sa kung ano ang Starlight Grove, marahil nasa frontlines ang matandang ito noon. Hindi huhukayin ni Mike ang sarili niyang libingan para lang sa kaunting pera. Ito ang dahilan kung bakit hindi siya nag-alinlangan na humingi ng tawad. Suminghal ng malamig si Raymond bilang babala, tinanggap ang desisyon ni Mike. Hindi na siya nagpaalam kay Bernard at mabilis na umalis kasama ang mga tao niya, sabik na umiwas sa gulo. “Saan mo kinuha ang mga talunang iyon? Hindi man lang nila matalo ang mahinang matanda,” reklamo ni Darlene. Hindi na niya inisip kung sino si Raymond. Sa mga mata niya, tumakas si Mike dahil hindi niya matalo si Raymond. Matapos mapansin na may mali, sinabi ni Bernard kay Darlene, “Mrs. Collins, bakit hindi na muna tayo bumalik ngayon? Maliban na lang kung magtago si Andrew at hindi umalis, magkakaroon pa tayo ng maraming pagkakataon para balikan siya.” Natural, hindi sumangayon si Darlene. Samantala, lingid sa paparating na panganib, si Favian ay nagtanong, “Gaano ba kalakas ang matandang iyon?” Kahit na hindi ganoon kalakas si Favian, kumpiyansa siya na ang katawan niya ay sapat para kalabanin ang matadang iyon. Nagmura siya at tinupi ang mga manggas niya para suntukin si Raymond, walang pakielam sa maaaring mangyari. Ngunit, bago pa makaatake si Raymond, umungol sa sakit si Favian at bumaliktad sa hindi inaasahang sipa ni Andrew. Habang namimilipit sa sakit sa sahig, nagmura si Favian, “Maghintay ka lang, Andrew! Hindi magtatagal, papatayin kita at buong pamilya mo!” Noong natapos manakot si Favian, naging malamig ang ugali ni Andrew, at sinipa niya ulit si Favian kung saan namilipit siya sa sakit. Maririnig ang sigaw sa sakit ni Favian pati na rin ang paglabas ng dugo sa ilong at bibig niya, natanggal ang ilan sa mga ipin niya sa kanyang atake. Nagulat si Andrew dahil sumipa din si Raymond, kung saan nawalan ng malay si Favian. “Paanong may walang awang tulad mo na bata pa? At ikaw.” Tumingin si Raymond kay Darlene. “Bilang nanay, hindi ka lang nabigo na makielam pero inenganyo mo pa siya. Kunin mo ang anak mo at lisanin ang lugar na ito. Huwag mo hayaang makita ko muli ang anak mo dito.” Kita ang galit sa mga mata ni Darlene ng tignan niya si Favian na nagulpi, mukhang tinutusok ng matinding galit niya si Raymond at Andrew. Napansin ni Bernard na hindi na pabor sa kanya ang sitwasyon. Agad niyang pinigilan si Darlene bago siya magwala at kinaladkad si Favian na walang malay sa sasakyan. Matapos umalis ang lahat, humarap si Andrew kay Raymond at sinabi, “Pasensiya na at naabala kita, sir.” Naging mahinhin ang ekspresyon ni Raymond, at sumenyas lang siya para sabihin, “Kahit na sino ang nasa ganitong problema ngayon, tutulong ako. Pero dahil dito ka nakatira, dapat hindi ka magdala ng gulo dito.” Hindi na nagsalita pa si Raymond at umalis na siya, pinaalalahanan lang niya si Andrew. … Sa Thenswy Hospital, naglagay si Darlene ng ice pack sa mukha niya habang binabantayan si Favian. Nakahiga si Favian sa kama at walang malay, namamaga ng husto ang ulo niya. Hindi magawa ni Darlene na kalimutan ang sama ng loob niya. Kinuha niya ang kanyang phone at tinawagan si Bernice. “Bernice, kailangan mo pumunta sa ospital sa lalong madaling panahon. May nangyari kay Favian. Si Andrew, ang hayop na iyon. Nabaliw na siya!”

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.